Showing posts with label career. Show all posts
Showing posts with label career. Show all posts

~ Anyare?

|
Medyo matagal na din ako di nakapag blog. Dahil a) wala akong maisulat b) wala akong ganang sumulat c)busy ako.
Well, ang totoo, wala akong inspirasyon. Dati rati, habang nagsusulat ako may nakikigulo, nakiki-siksik, nagpupumilit matulog na. Haha.

Ngayon, wala, walang nang eestorbo. Nakaka miss.

O ayan tama na muna yan, baka ma iyak ako, ma basa pa tong papel. Papel? Maka-luma? Haha

Uy, may kwento ako,makinig kayo... Ay mali, basahin niyo.. Hahaha. Sa mga gusto ng Braille version, sorry sa susunod na, gagawan ko ng paraan.

Eto na ang kwento, few days ago (umi-english?) some School na itago na lang natin sa pangalang Don Bosco sa bandang Makati, sent me an email, asking if I am available for part-time, teaching Calculus and Physics daw ang available.

Unang pumasok sa isip ko: "Sure kayo? Ako?"
Though di na bago sakin ang pagtuturo since both my parents are teachers, even yung mga tita ko dean, head ng CHED, kung susumahin (root word:suso --ewww) siguro 70% ng mga kamag-anak ko teacher, idagdag mo pa diyan na since teacher ang mga magulang ko, automatic yun na ang ninang ko sa binyag at sa kumpil ay mga teacher din. Janitor na lang ang kulang, pwede na kaming magtayo ng "Mababang Paaralan ng Kabading" (mababa lang ang paaralan, kasi walang second floor)

I declined the offer, maliban sa andito ako sa lugar na kung saan ironic ang lahat ng bagay (mura ang pabango pero mababaho sila, mura ang shades pero wala namang gumagala sa umaga sa sobrang tindi ng sikat ng araw, maraming magagandang branded clothes store para sa mga babae, pero naka itim naman silang abaya pag lumalabas) a.k.a. Saudi. Another reason bakit di ko tinanggap, maliban sa hindi ako single,hindi ako pumapatol sa mga batang estudyante. (at may pag a-assume ako na magka relasyon talaga sa eSTUPIDent). Hahaha

(Infairness, nakaka pagod mag blog sa ipad, masakit sa finger, wait ending na.)

Sabi nga ni mama, ang pagiging teacher lang ang profession na hindi na didissolve at laging may hiring. I don't mind being a teacher, notto mention ito ang bumuhay sa amin, maliban sa pag titinda ni muder ng tocino, longganisa, at bondpaper. (joke lang yung pagiging vendor, huwag masyadong matuwa), siguro nga hindi pa talaga ito ang calling ko.

Ayoko naman gawin ang isang bagay na hindi buo at preparado ang pagkatao ko, lalo na sa uri ng propesyong ito, kailangan hindi lang ang matinding didikasyon, kundi mahabang t*te... Ay mali pasensiya pala (sorry, tigang lang, kao kaya dito tapos jowa niyo andun) Haha.

Don't worry pag ready na ko, i'll let you know, try niyo mag sit-in sa klase ko.

For now, eto munang mga blue print at mga constru ang pag-tutuunan ng pansin.

Clas dismissed.

~ Officially, wala na

|





Opo, wala na... wala na si siopao sa office. Hindi na kami sa iisang company nagtatrabaho. Wala nang bibisita sa cubicle ko. Wala na ding maghihintay sa akin pauwi. Hindi ko na siya makakasama sa Company Christmas Party at sa outing. Hindi ko na rin siya pwedeng dalawin sa cubicle niya.

Haay... Pero okey lang, tumaas naman sweldo niya. LOL










Photo Credits here.

PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.