~ Walo. Eight. Ocho

|
Kahit andito ako sa Saudi, hindi ko pinalampas ang pagkakataong bigyan ng kakaibang surprise si Siopao sa special na araw sa aming buhay.

8 years na kami!!

(clap! clap! clap!)

At dahil malayo ako, dito ko na ginamit ang charm ko... hahaha! inalila ko ng slight ang mga kaibigan ko, yung iba medyo mahal ang talent fee, pero dahil kaibigan nila ako hindi na sila naka-tanggi.

I first approached my friend Myk na hanapan ako ng flower shop na bukas hanggang gabi para magpa-deliver ng flowers sa office ni Siopao. Ang ending, nag volunteer na siya na ang maghahatid ng mga bulaklak. Hindi na ako nagpakipot pa, at tinodo ang request.

From Valenzuela, pumunta ng Dangwa at dumeretso sa McKinley, dala ang paso ng bulaklak. Yes, may paso, kulang na lang picture frame, diretso na ng Loyola. Hahaha!

Dumating si Myk sa office niya bandang 8:30 ng gabi. Habang tinatawag ng guard si Siopao, tinawagan na ako ni Myk para diretso ko ng maka-usap at ma bati.

Yes, IDD ito, ang yaman ni Myk, nagtatapon ng airtime minutes. LOL

Si Siopao naman, tawa lang ng tawa sa phone, at parang nahihiya pang may isang paso siya ng bulaklak. Hahaha!

Sumunod kong ginamabala si Jepoy, kailangan ko ng may pumunta sa Yellow Cab para mag maka-awa na gawan ako ng pizza na hugis puso. Buti na lang at maaga ang labas ni Jepoy sa office, at dahil I sound hopeless na, willing naman si Jepoy mag participate sa kabaliwan ko. Hahaha.

Naka set, alas-11 ng gabi i de-deliver sa office ang pizza. Kuwento ni Siopao, that same guard na tumawag sa kanya about sa flowers, siya din ang lumapit ulit para sabihing may pizza delivery. Ramdam kong tuwang-tuwa si Siopao. Installment basis ang surprise ko for him. Mas natuwa siya nung nakitang hugis heart ang pizza.

Sa 8 taon naming magkasama, first time ko siyang binigyan ng bulaklak, at first time ko ding i-surprise siya sa office na hindi ako nabubuko.

Na realize ko, ma-iksi pa ang walong taon na kasama ko siya, madami pa akong hindi nagagawa para sa kanya. Gusto ko pa siyang bigyan ng fireworks na kami lang nanunuod. Gusto ko siyang batiin ng Happy Birthday sa pamamagitan ng Billboard sa EDSA, O di kaya isang buong page sa diyaryo.

Hindi pa akong nagsasawang pasayahin siya at makitang masaya, naniningkit ang mata, at pumalakpak.

Sa aking Siopao, makaka-asa kang hindi natatapos sa bulaklak at sa hugis puso na pizza ang lahat. Kulang ang mga bilang ng Pepperoni sa pizza sa mga bagay na nais kong gawin kasama ka. Hindi tulad ng paso, hindi kailanman mababasag ang pangako kong aalagaan kita at mamahalin habambuhay, sampu ng iyong pamilya (yes, sampu lang sa pamilya ang kaya ko. LOL)

Salamat sa 8 taong na pag-iintindi, pag-aalaga at pag-papasaya sa puso ko. Sa pagmamahal mo na hindi lamang napunta sa akin kundi pati sa mga kaibigan ko at sa pamilya ko. Sapat na yun para mahalin kita higit pa sa letrang pwedeng i-accommodate ng blog na 'to.

Sa iyo ang aking pagbati at ang aking puso.

Nagmamahal, Charo. (LOL)

Ayan, nag sesebo na ang post na 'to dahil sa sobrang cheesy ko na. Enough na.


Ay wait, binati pala ako ni Remington. Salamat. manuod kayo ng Pelikula niyang ZOMBADINGS: Patayin sa shokot si Remington. (hanapin sa Youtube ang Movie Trailer)








KTHNXBYE!

~ New Year and an ipod

|

Imagine the street party, the videoke ng kapitbahay with endless singing of "My way" and children dancing "Bad romance."

Wala kang maririnig na ganyan ngayon dito.

Sa Pinas, 2 hours na lang, putukan na, 2011 na.. Dito sa Jeddah, roughly 7 hours pa bago magpalit ang taon. Since they observe a different calendar here, normal pa sa normal ang araw na 'to dito sa amin, ang kaibahan lang siguro, umulan kahapon (akalain niyo yun) kaya baha ang kalsada.

Sabi ko nga, matutulog lang ako.. kahit naman tulog ako, magpapalit pa din naman ang taon, di naman yan papipigil. Hindi ko masabing malungkot ako dahil walang New Year Celebration dito. Hindi naman pwedeng itangging iba ang selebrasyon sa Pinas, may halong saya at bisita sa ospital pag naputukan na.

Pero sa totoo lang masaya ang puso ko ngayong magtatapos ang 2010, naging mabait ang taon nito sa akin, sa pamilya ko at sa amin ni Siopao. Maraming dapat ipagpasalamat.

Salamat sa mga bagong kaibigang nakilala. Salamat sa mga taong nagpapasaya sa malungkot na umaga ko dito sa Jeddah. Hindi ko kayang tumabasan ang kabaitan, pag-alalla at tawang binigay sa akin.

Salamat sa Twitter. Dahil sa'yo nagiging magaan ang bawat araw na nagdaan. Dahil sa'yo may mga taong nakilala at nag-alala sa akin. Salamat kay Myk, for cheering me up lagi, kahit di siya mukhang cheerleader. Salamat Pare.

Salamat sa bagong yugto ng buhay ko, ngayon napatunayan ko ng hindi biro ang nasa ibang bansa. Kung mahina lang ako, matagal na siguro ako bumigay. Hindi ang lungkot na mag-isa ang magpapabagsak sa'yo dito, kundi ang maisip na maraming bagay na nangyayari sa Pilipinas na hindi mo nasaksihan. Na wala ka nung nangyari ang mga yun.

Salamat kina Jepoy at D, ang mga taong aligaga lagi sa akin. Ang mga kapatid ko sa ibang nanay. haha! Ang taga-hatid ko ng balita... ay tsismis. hahaha!

Kung may mga bagay siguro tha I look forward sa 2011 ay dahil malapit na ako umuwi, at 8 years na kami ni Siopao.

Yun lang ang pinanghahawakan ko. Magiging masaya ang bagong taon na ito. For the mean time, ipod na muna ang kasama ko, volumes up. Ignore the world.

Happy New Year sa lahat!




Usapang Straight (End)

|

For the first part, click this.

Pagkatapos sabihin sa akin ni Jeff na may nangyari nga sa kanila ni Marvin. Naisip ko, ruler na lang talaga ang straight, lahat isa ng french curve. Kung makapag "Pare" naman si Marvin, talo pa ang balon na pinagkukunan ng tubig ni Jack at Jill sa lalim,at tapos eto pala siyang 3 months pa lang ay naka benta na ng Maruya.

Naisip ko tuloy, bakit ako nagkukulong sa kwarto. Bakit di ko na experience yan, e 7 months na ako dito.
"Gaga, may boyfriend ka kaya... Higpitan ang Chastity Belt!"bulong ng konsensiya, na mas mayaman pa sa akin dahil sa kanyang mga Safeguard Commercial.
"Ay, Sahree naman..." sabi ko sa sarili. (ganyan ang pag promounce, Sahree, kasi naka braces ako)

Hindi ko sinabi kay Marvin ang sinabi ni Jeff. Baka bigla akong bigwasan, o di kaya maging showbiz bigla ang isagot:

"We're just friends kaya.. hindi ako bading noh, haleer! Hindi porke't sumusubo ako, e bading na ko!" yan ang mga naiisip kong depensa ni Marvin. LOL

After maka-pamili ni Marvin sa mga hihiraming DVD, nagpaalam na din itong umuwi at nag promise na sasamahan akong pumunta ng MOA (Mall Of Arabia) sa susunod na weekend.

"Sige Pare, text text na lang... Paki sabi sa Mama mo, nagkita na tayo!"

"Sige Tol!" (dito ako muntik masuka sa pagsabi ng 'Tol')

Dumaan ang ilang weeks na wla akong balita kay Marvin. Di ko na kinulit tungkol sa pagsama sa MOA, naisip ko baka busy sa paglalako ng Maruya. LOL

Isang araw (parang pocketbook lang), may natanggap akong message sa Facebook. Galing kay Jeff.)

Stop flirting with my boyfriend... He's mine. Don't send him text messages or even chat with him here on Facebook. By the way, after this I'll remove you on my Friends List.
Winarla Abellana ako, sa isang bagay pa na hindi ko pa ginawa. Uminit ang ulo ko, tumaas ang blood pressure ko, sumingkit ang mata ko, at nagpanting ang tenga ko. Matagal na akong hindi kumakain ng gulay. Oras na para mag PATOLA (patulan). Nag reply ako.

Hey Mister, Una sa lahat hindi ko alam kung sino ang boyfriend mo. But if you are referring to Marvin, well by all means sa'yo na. Don't you dare start something na hindi mo kayang tapusin. Alalahanin mo, straight ang claim mo sa Bacolod, and if I may add, we have common friends, and I can easily spread the rumor of you having a boyfriend here. Careful! Baka hindi mo kayang ubusin ang kanin sa plato mo, na ikaw mismo ang nag hain.

Nananahimik ako dito, hindi ako tinuruan ng Nanay ko na mang-agaw ng laruan ng iba. And If I may brag, my toy is much better than yours!
Hindi na nag-reply si Jeff after nun. Nakatanggap din ako ng text mula kay Marvin, apologizing for what happened.

Isa lang ang natutunan ko sa lahat na nangyari. Kung makapag claim silang mga straight, pero ang ba-bakla ng mga pinag-gagagawa. Walang pinagka-iba ang Jeddah sa Malate. Mas straight-acting lang ang mga andito.


**P.S. Nalaman kong nag-react si Jeff ng ganun, kasi nahuli niya pala si Marvin na may ka text na ibang lalaki, at pangalan ko ang nilagay ni Marvin sa Phone book niya para hindi pala maghinala si Jeff. Kinuha na nga mga DVD ko, ginamit pa ako. Nanghihinayang lang ako sa chance na maging isang magandang pagkakaibigan sana yun. Pero salamat na din siguro, kasi ayoko din ng magulong buhay. Hobby nila ang magkalat.


Photo Source here.

PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.