Showing posts with label 2011. Show all posts
Showing posts with label 2011. Show all posts

~ New Year and an ipod

|

Imagine the street party, the videoke ng kapitbahay with endless singing of "My way" and children dancing "Bad romance."

Wala kang maririnig na ganyan ngayon dito.

Sa Pinas, 2 hours na lang, putukan na, 2011 na.. Dito sa Jeddah, roughly 7 hours pa bago magpalit ang taon. Since they observe a different calendar here, normal pa sa normal ang araw na 'to dito sa amin, ang kaibahan lang siguro, umulan kahapon (akalain niyo yun) kaya baha ang kalsada.

Sabi ko nga, matutulog lang ako.. kahit naman tulog ako, magpapalit pa din naman ang taon, di naman yan papipigil. Hindi ko masabing malungkot ako dahil walang New Year Celebration dito. Hindi naman pwedeng itangging iba ang selebrasyon sa Pinas, may halong saya at bisita sa ospital pag naputukan na.

Pero sa totoo lang masaya ang puso ko ngayong magtatapos ang 2010, naging mabait ang taon nito sa akin, sa pamilya ko at sa amin ni Siopao. Maraming dapat ipagpasalamat.

Salamat sa mga bagong kaibigang nakilala. Salamat sa mga taong nagpapasaya sa malungkot na umaga ko dito sa Jeddah. Hindi ko kayang tumabasan ang kabaitan, pag-alalla at tawang binigay sa akin.

Salamat sa Twitter. Dahil sa'yo nagiging magaan ang bawat araw na nagdaan. Dahil sa'yo may mga taong nakilala at nag-alala sa akin. Salamat kay Myk, for cheering me up lagi, kahit di siya mukhang cheerleader. Salamat Pare.

Salamat sa bagong yugto ng buhay ko, ngayon napatunayan ko ng hindi biro ang nasa ibang bansa. Kung mahina lang ako, matagal na siguro ako bumigay. Hindi ang lungkot na mag-isa ang magpapabagsak sa'yo dito, kundi ang maisip na maraming bagay na nangyayari sa Pilipinas na hindi mo nasaksihan. Na wala ka nung nangyari ang mga yun.

Salamat kina Jepoy at D, ang mga taong aligaga lagi sa akin. Ang mga kapatid ko sa ibang nanay. haha! Ang taga-hatid ko ng balita... ay tsismis. hahaha!

Kung may mga bagay siguro tha I look forward sa 2011 ay dahil malapit na ako umuwi, at 8 years na kami ni Siopao.

Yun lang ang pinanghahawakan ko. Magiging masaya ang bagong taon na ito. For the mean time, ipod na muna ang kasama ko, volumes up. Ignore the world.

Happy New Year sa lahat!




PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.