~ Mourning

|
Nothing beats a BAD MONDAY seeing this...

and I am asking you...

"How's your sleep?"

I am one with the nation, demanding (for the lack of better word) JUSTICE to what happened.
CRUCIFY them.






~ Mayor Duterte defends LADLAD

|

“Bigotry of the highest order” that was how Duterte described the justification cited by Commissioner Nicodemo Ferrer for denying Ang Ladlad’s petition for accreditation.

This world needs gays

The mayor pointed out that gays had proven their worth in a discriminating society and should not be judged on the basis of their sexual preference.

“For as long as they have the capability to lead, [they should be allowed to take part in the political system]. And this world needs gays. Look, when your wives need to look beautiful, they run to gays for help,” he said.

He added that Ang Ladlad’s rights were “embodied in freedom of expression,” and that the Comelec position “is not a good policy of the government.”


Source: www.inquirer.net

********

'nuf said.


Photo Credit: http://www.johncoulthart.com/feuilleton/wp-content/uploads/2008/06/gay_flag1.jpg

~ Bagong Pasko

|

♪♫ Pasko na naman, O kay tulin ng araw... ♪♫

Papasok ako ng office, ang bata sa labas ng gate, kumakanta habang pinapalo ang walang laban na lata.

Sa bawat palo, ay ang pagsabay ng basag na boses. Umaga pa lang, bibo na, partida wala pang agahan yan.


♪♫ Oh Holy night, the stars are brightly shining. ♪♫

Ang babaeng katabi ko sa jeep, parang hindi takot mabasag ang "eardrums," abot sa akin ang tunog ng ipod niyang naka salansak sa tenga na may mumurahing hikaw. Hindi na masyadong matingkad, naninilaw.

♪♫ Sana ngayong Pasko ay maalala mo parin ako... ♪♫

Ang babaeng taga pindot sa loob ng elevator sa Insular. Paulit-ulit niyang kinakanta ang part na yun. Parang hindi niya alam na may kasunod at refrain ang buong kanta. Pero yun lang ata ang alam niya.

****

Hindi pa malamig ang hangin, hindi pa sumasapit ang buwan ng Disyembre, pero habang napapadaan ako ng Ayala Avenue, habang kumikislap ang mga ilaw sa bawat gusali, habang iba't ibang hugis ng Belen ang nakatayo sa harapan ng gusali... hindi ko pwedeng itanggi na PASKO na nga.

Sa karamihan ito'y isa sa pinaka masaya at pinaka-hihintay na buwan ng taon... Sa apat na taon kong andito sa Manila, nag-iba ang tingin ko sa Pasko, sa Parol, sa Xmas tree. Naging simbolo ito ng kalungkutan. Parang hikaw ng babae sa jeep, hindi tunay. Naninilaw.

Habang ang lahat ay masayang magkakasama ang mag papamilya, ako mag-isa. Parang lata ng bata sa labas ng gate, masakit sa tenga ang tunog. Masakit sa puso.

Pero natutunan kong hanapin ang saya sa sitwasyon ko. Natuto ako. Nakuntento. Parang kanta ni Ate sa elevator. Paulit-ulit lang. Nasanay na.

Ngayong pasko, magiging iba na naman ang tingin ko sa Pasko, sa Parol, sa Xmas tree. Ngayon, hindi na malungkot, isang patunay na sa bawat lungkot ay darating ang araw na mag-iiba. Magiging masaya.

My family will be celebrating Christmas with me fro the first time, since I decided to stay here in Manila for good. Siopao is joining us as well. Ang saya di ba.

Magiging makulay, ma-ilaw at ma tunog na ulit ang aking Pasko. Hihintaying ko ulit ang pag tunog ng lata at ang kanta ng bata, ang kanta sa ipod ng babae sa jeep at ang paulit-ulit na pag kanta ni Ate sa elevator. Ni minsan hindi ako mabibingi o maiinis man lang.

Mag-iiba. Magiging masaya.

Sige. Kanta lang. Okey lang.


~Ano nga ba si Grimace

|

Yan ang tanong na hindi pa nasasagot ng mga taong pinagtanungan ko nung bata pa ako. Pahamak kasi ang Jollibee ng pinakilala si Hetty, na isang spaghetti, si Champ na isang burger at si Twirlie na isang Sundae Twirl.

Bigla kong naisip kung si Grimace ay ano? Nangitim na dila? Namuong Halaya? o isang Tortang talong?

Bumalik ang tanong na yan ng nag post si Bianca Gonzales (close kami) sa twitter sa parehong tanong. Nag post ako sa facebook ko ng parehong tanong, Ano nga ba si Grimace? At eto ang ilan sa mga sagot ng bibong-bibo kong mga ka facebook:

unang teorya: Si Grimace ay isang ube mascot. Ung McDo
marahil ay may ice cream o shakes na ube ang flavor.


pangalawa: Si Grimace ay bastardong anak ni Tinky
Winky ng Teletubbies (na natsitsismis na bakla) at
isang eggplant.

pangatlo: Siya ay violet na krayola na iniwan ng mga
bata (sa playground ng McDo) sa araw para matunaw.

pang-apat: Grape-flavored drink daw si Grimace... kaya
lang maasim yung drink.

panlima: Siya daw ang pinaka-suwangit na mascot ng
McDo, kaya siya pinasuot ng costume - purple na
costume daw ito na napaka-bigat na hindi na matanggal!
Hehe!

pang-anim: Si Grimace ay lahat ng pagkain sa McDo na
hinalo sa blender....

pampito: Siya ay isang milkshake. Period.

pangwalo: In-introduce daw ng McDo ang kamote french
fries sa Pinas ng pumunta daw sila dito. Kaya daw may
mascot na Grimace. Isa siyang kamote.

pangsiyam: Kakambal pala siya ni Ronald McDonald, kaya
lang, retarded daw si Grimace kaya siya pinasusuot ng
purple costume.

pang-sampu: Si Grimace, kasama ng iba pang mascots ng
McDo, ay pinakilala noong 70's. Siya ang nagrepresent
ng Blueberry milkshakes na ni-launch sa US. Ang tawag

talaga sa kanya ay Evil Grimace, kasi nga nagnenenok
siya ng milkshakes. Galing siya sa isla na puno ng
sigla at puro milkshakes. (Ok, whatever...)


Enjoy niyo na lang tong video habang sumasayaw si Grimace.

~Awkward Moment Ep.1: BUS

|

Pauwi ako from Glorietta, I decided to take the bus sa baba ng Ayala MRT Station going to Guadalupe. Pag-akyat ko ng bus, punuan, magmula kay Ate na nababgot na sa bagal ng bus at masakit na ang paa sa buong araw na nag suot ng heels, si kuya na napapatingin sa bintana, iniisip kung panu mababayaran ang mga inutang sa 5/6, at sang katutak na estudyante na nanga-ngamoy araw.

"May bakante sa dulo" sa isip ko
"Parang cute si kuya, kaya lang may girlfriend na kasama"

Kuya was about 19 y.o same sila ng girlfriend niya. Kuya is preppy, while girlfriend is on a nursing uniform. Such a lovely couple. I may say bagay sila.

Well, dahil siya lang naman ang parang malinis at mabango, I decided to take the seat next to him and his sleeping girlfriend. With no other intentions, it's just that ayoko ng may nakakatabing pawisin kaya ganun.

After 5 minutes, I felt his arms rubbing my arms din, I thought siguro the girlfriend who was in his other arm the entire trip at tulog, baka nanga-ngalay lang si kuya. Tuloy ang biyahe. Patay malisya.

Maya-maya, yung legs naman ni kuya rubbing my legs din. Then I started getting conscious, admittedly I am not new to the "trying to hook up on a public transportation" modus. So what I did is to observe, pero ang mata ko na kay Mike Enriquez pa din na nasa TV, pabulyaw na nag-rereport.

Along Estrella na yung bus, ng kinuha niya yung celfone niya sa right pocket niya. Ako naman cool lang, nakikinig sa ipod at nakatutok sa TV.

Maya-maya, I realized his hand with his phone is on my lap. On the phone screen has numbers on it, obvious enough for me to think that it's his phone number. I thought he typed it and was intentionally showing it to me.

For the firs time, tiningnan ko siya, at that time he was facing his girlfriend na natutulog pa din at that time.

Thought Bubble:
"Kuya naman, natutulog lang ang girlfriend mo, kung maka diskarte ka. Lalaki din pala gusto mo bat niloloko mo pa yang tulog na babaeng yan."

Huminto ang bus, tumayo ako at umalis.

With who I am, I can honestly say that I don't like girls as much as I like men, but I respect them as much as I respect my mother.

Photo Source here.


~ Good Boy

|



A 10 year old American kid refused to say the Pledge of Allegiance until gays and lesbians have equal rights. His teacher insisted several times for him to say it. When asked what he did, he said: "I eventually, very solemnly, with a little bit of malice in my voice, said, 'Ma'am with all due respect, you can go jump off a bridge.'" - CNN News

---

My take? Adults should learn from children. They have innocence and wit.

~ Whistle!

|
This boy can whistle.



Ralph Salazar.
Watch him on ELLEN airing Nov. 17

~ Onsehan

|

Naloka na! Dahil walang maisulat, pwedeng i-claim na may "writer's block"? o di kaya busy ako masyado.. di naman kaya inubos na ng weekday sa trabaho ko and utak ko, kaya wala nang natira sa weekend. Kaya eto na, ang 11 things about me kasabwat ang nanay ko.

11. Grade 2 palang ako alam ko na ang ibig sabihin ng sex, dahil inis ako sa seatmate kong lalaki, kasi ninakaw niya ang strawberry eraser ko na may mabangong amoy, kaya sinabi ko sa isang kaklase ko na nakipag-sex yung seatmate ko sa kapitbahay nilang Kinder2. Sumugod ang nanay ng babaeng Kinder2 sa school para itanong kung saan ko nakuha ang balitang iyon,teacher ang nanay ko kaya medyo na-eskandalo, ang ending pinalo ako ng nanay ko mula sa school hanggang sa bahay. Natapos ang Grade 2 ko na may "Most Behave" na ribbon sa recognition ceremony, parang teleserye, hindi ako pinayagan ng nanay kong umakyat sa stage. Nakakhiya daw, di daw ako deserving.

10. Consistent honor student ako simula Preparatory, minsan nung Grade4 ako, nakita ng nanay ko na an grade ko sa "Religion" subject ay 82. Pinunit ng nanay ko ang Report Card ko habang nasa gilid ako umiiyak ala Mexican Telenobela.

9. Grumadweyt ako as 3rd Honorable Mention nung High School. Habang kumakandirit ako pauwi ng bahay para ibalita sa nanay ko, hindi siya natuwa sa halip, sabi niya "Yun lang?" Nag-luksa ako ng 2 weeks sa loob ng kwarto, naglagay ng itim na ribbon sa pintuan. Dun ko naramdaman na natakot ang nanay sa pag-luluksa ko, pinababantayan ako sa kapatid ko pag wala siya baka daw kasi mag-suicide ako. Depressed ako, hindi sira-ulo.

8. Siguro na mana ko sa nanay ko ang pagiging sarcastic o mataray. Minsan nakasakay kami sa jeep, mabilis ang takbo, sabi niya sa drayber - "Kuya hindi ka ba malulugi niyan? 7pesos lang binayad ko, JET pala 'tong sinakyan ko." Binigaa ko ang korona sa nanay ko, kapa na lang ang natira sa akin.

7. Hindi alam ng nanay ko na Bading ako, feeling ko in denial lang siya, o di naman kaya, alam niya pero ayaw niya i-confirm kasi alam niya di niya magugustuhan ang sagot. Partly kasalalnan niya din naman bakit ganito ako. ( not that I don't want this, trust me I enjoy every bit of myself now) Second child ako, hindi pa uso ang ultra-sound nung pinagbubuntis niya ako, dahil sa lalaki ang panganay nilang anak, nag assume si nanay na babae ako, mula sa punda ng unan hangang sa towel, comforter at lampin naka burda ang "Baby Girl", naka script at pink ang kulay ng sinulid na ginamit. Justified!

6. Nung nagsimula na akong pumasok sa school, bago umalis ng bahay, isa lang ang bilin ng nanay ko, ang huwag makipaglaro sa mga lalaki kasi daw madudungis sila at kung saan sumusuot. Dapat daw mukha akong malinis lagi. Ayan tuloy, kung kelan tumanda, dun nakipag laro sa lalaki.

5. May sakit ako sa "Gall Bladder" nung bata ako, hindi ako nakakaramdam na kailangan ko na palang umihi, kaya ang drama naming mag nanay, since nagtuturo din siya sa same school na pinapasukan ko, lagi siyang may dalang extra set of uniform, "change costume" ako lagi.

4. Nanay ko ang nagturo sa akin paano kumain ng Balut. By the age of 6, naging paborito kong pasalubong ang BALUT. At ayaw ko ng maliit na sisiw, gusto ko kumpleto ang body parts. Ayoko lang makakita ng sisiw na tinitinda sa bangketa at iba-iba ang kulay, na parang pinagtripan ng adik.

3. Dahil teacher ang nanay ko , lahat ng ninang ko teacher. Kulang na lang "Blackoard" pwede na akong magkaroon ng school.

2. 7 months pa lang ako sa tiyan ng nanay ko, umexit na ako sa Pekp*k niya. Senyales na yun na ayaw ko talga ng Pekp*k. Oo, pre-mature baby ako, sabi ng doktor, 2 bagay lang daw ang pwedeng mangyari sa akin, either maging abnormal o sobrang talino... kahit isa dun, hindi naging ako. Wala ako sa option ni Doc.

1. I was initially declared by the hospital "Dead" few minutes after akong sinilang. Nag-insist ang nanay ko magpatawag ng pari para mabinyagan bago ipalibing. Ang midwife ang tanging naging ninang, feeling ko nga pumayag ang midwife maging ninang kasi patay nga naman na ang bibinyagan, walang hassle kung Christmas, walang re-regaluhan. But wait, after bininyagan ng pari, dun pa lang ako unang umiyak. Kaya nga siguro ganun na lang ako ka close kay BRO. Alam ko sa simula pa lang, may special connection kaming dalawa. BROmance ang tawag dun.

~ 82nd Monthsary

|



Siopao and I really like this song... We also love scotty and kevin.

~ Lady Gaga's New Single

|

~Bliss

|

I am Blessed. Really.

To siopao, things happened so quick... we're turning 7 years na... (Don't be scared with the 7 year ITCH... I'll scratch it for you, don't worry!)

For US:

~ Mighty Pen

|

What I really like about having some free time at the office is that, I can do "blog-hopping." Today, I was able to read Rex Bonife's Lexuality Blog. Lahat binasa ko, kahit archive hindi nakaligtas.

As stated sa profile niya, Rex is a screenwriter and a yoga teacher (weird combination). Actually I partially met him na, I say partially, kasi nakita ko lang siya sa premier ng "Little Boy, Big Boy." Actually it's my friend Marco who knows him personally.

Sa kakabasa ng blog niya, nabusog ako tungkol sa iba't ibang indie films na ginawa nila at ang mga adventures niya sa buhay. May be that's the reason why he can write good film stories, because he can be anywhere. (Basahin niyo kaya, para hindi ako hirap mag describe?)

After reading his blog, I realized that I need to find my own "direction." Ayoko naman habang buhay akong nandito sa cubicle na 'to, nakaktitig sa monitor ng PC at nag-iisip kung anong buhay meron ang labas ng opisinang ito.

Masakit mang isipin, pero naiingit ako sa mga taong nahanap na ang bagay na nagppasaya sa kanila. Hindi takot harapin ang buhay, dahil alam nila na ang ginagawa nila ay dikta ng puso at hindi ng wallet.

Paunti-unti gusto kong makuha din ang sitwasyon na yan, kung may tindahan nga lang na nagbebenta ng madaling paraan para maabot ang gusto, siguro nag pa reserve na 'ko... na parang libro sa Powerbooks, may discount pag early reservation.

Personally, I am happy to know that there are people like Lex, na hindi lamang ang pansariling gusto ang inuuna kundi ang pag-sulong din ng "pantay na karapatan" para sa mga Bakla. Awareness para sa lahat.
Maraming salamat.

Marahil, hindi pa ngayon ang panahon para ako ay umabot sa ganyan ka tapang na pag harap sa aking seksualidad. Kailangan ko muna sigurong unahin ang pamilya ko (yes, hindi pa nila alam), but It doesn't mean I care less. I've been an advocate for equality and trying my best to be a role-model to others.

Naiiyak ako pag may nababalitaan akong mag-partner (M2M) na naghihiwalay, kahit hindi ko kakilala, kahit ang simpleng pagpalit lang ng "In a Relationship" to "Single" sa facebook ay pinag-aaksayahan ko ng luha.Natutuwa ang puso ko, knowing na may mga taong may mabuting hangarin para sa lahat.

Ako at si siopao ay mananatiling matatag, dahil parte din ng relasyon nito, maliban sa pagmamahalan namin, ay ang pag-bigay ng patunay na may "relasyon" din na kagaya ng sa amin ang nagtatagal... at magtatagal habangbuhay.

Parte nito, hinihingi ko din sa lahat na saluhan kami sa pagdadasal na balang araw, hindi na mahirap at walang huhusga sa tawag na "lalaki sa lalaki."

~ SOMS

|




Siopao and I went to SOMS, Makati (near Rockwell) for a late dinner... They serve Thai Cuisine in a Carinderia Atmosphere.

Kung okey sa'yo kumain beside the street, pero masarap ang food. This is the place to be. Dig in!

~ Thanks MGG

|


I know this is kinda late, sorry busy kami ni siopao... but I just want to thank the Manila Gay Guy for posting my email.

Thank you din sa lahat na nag comment sa post.
As I quote you, "naihi ako ng three and a half drops" lol


Thanks MGG for the post.

Read the post here.

~ nawala na parang bubbles

|


for the past days, i've been apprehensive about many things:

career
school
friends
inconsistency of things

i don't know, maybe because of the weather (wala lang masisi kaya si panahon na lang). Minsan gusto ko lang tumahimik, mabilis uminit ang ulo, masungit (though normal sa akin ang maging masungit), but things are a little different now.

sabi ng friend ko "quarter life crisis daw"
sabi ko naman " hindi pa ako ganun..." (denial ako, i know)

pero ngayon, i want to focus on this: some of my friends, nawawala pa isa-isa, para bang may sinusundang pattern... may parada?
bigla na lang hindi nag rereply sa text, o di kaya di na nag he-hello sa fb or sa ym.

minsan, napapraning tuloy ako kung ano nga ba ginawa ko. ang ending wala naman.
kailangan ko na bang tanggapin na totoo nga ang "people come and go.. and for those who stay, cherish them" nabasa ko yan sa likod ng upuan sa isang bus. kung sino mang lasing na nagsulat nun... may tama ka nga! Tama ka.

Siguro nga I'm so into my friends, that I feel sad when I feel they're fading... (parang kanta, may fading part)

Minsan nga nakakatakot na mag -invest ng friendship kasama na dun time, effort, emotion and personal info's, kasi parang ganun din e.. mawawala lang din sila.

I also did a little bit of self-check, baka nga naman ako ang may mali... physically wala naman, sa ugali well, i dunno, mabait ako, promise.. wala nga lang sa itsura.

I value my friends, though I am not the physical or lantaran na magpaparamdam about how I care for them but I pray for them a lot. I always looka fter them from afar.

I may be frank and straight forward about my opinion, but that is because I'm a friend, and I don't like "sweets"... hence I don't sugar coat.

Prangka akong tao, and I say my piece when needed. Siguro nga I have this strong personality... pero di ba if you're friends you ahve to accept it, learn to love it.

I live by this principle:

Don't let anyone steal your happiness. If they don't want to enjoy life with you, then just let them be, and enjoy your life without them.


sana nga lang yung umalis, yung mga di nagparamdam.. sana lang masaya sila, having without me in their life, sana nakatulong ako. sana...

~ in the name of...

|

My Thursday afternoon is always a time for MRT and LRT ride? Why? It's St. Jude Day. Lagi akong pumupunta sa Mendiola for Thursday Novena Mass.

Most of my friends alam, na bawal akong ayain sa gimik o after shift pasyal. At nung una, they're even surprise to know that I'm doing it religiously.

I'm not religious, but yes I am spiritual. I always give time to pray and talk to GOD. My sexuality is in any way has nothing to do with my relationship with GOD. Alam ko naiintindihan niya ako, sapat na sa akin ang hindi ako ipagbawal sa simbahan para respetuhin ko din ang "stand" ng simbahan tungkol sa sexuality ko.

Hindi man lahat maniniwala (may nakikita akong nag taas ng kilay.. nakatayo sa gilid, naka black) pero yun ang katotohanan... Oo, may panahon ako sa Diyos. Muntik na nga akong mag-pari, pero hindi ko kailangang gawin yun para pagtakpan ang kung ano ako. Hindi katulad ng iba, halos nakatira na sa simbahan, mapag takpan lang ang pagiging malupit sa kapwa... At least, dahil sa desisyong hindi mag pari, I just saved the church another liability in the future.

Kung meron man akong kayang ipagmalaki kay God, yun ay naging totoo sa sarili ko, at hindi ginamit ang simbahan para pag takpan ang tunay na ako.


~trick or treat

|



Happy Halloween people...

Siopao and I had a blast last night, after more than 6 years I've finally let most of my friends meet him... antagal noh, inakala na nga ng iba na nag-iilusyon lang ako about him... may mga rason bakit hindi ko siya napapakilala sa mga friends ko. Una, siguro dahil siopao is not into partying and al that, kaya hindi ko din siya nadadala sa mga ganun.

Pero more importantly, I must say I'm a bit selfish... I don't want to share what's mine. Well, I know ilan sa inyo magtataas ng kilay aout it (well, marunong din ako magtaas ng kilay... pataasan na lang!)

I trust siopao, but not the people around him... and I have this observation that most PLU do not have respect for the "relationship," so ironic how most of them look for some serious relationship and yet give no respect for others'.

But now, I realized that It's time to introduce him to my friends... most of them said, siopao is cute (hello, I know kaya) lol

I'm out of words na, ewan, basta...

PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.