~ in the name of...

|

My Thursday afternoon is always a time for MRT and LRT ride? Why? It's St. Jude Day. Lagi akong pumupunta sa Mendiola for Thursday Novena Mass.

Most of my friends alam, na bawal akong ayain sa gimik o after shift pasyal. At nung una, they're even surprise to know that I'm doing it religiously.

I'm not religious, but yes I am spiritual. I always give time to pray and talk to GOD. My sexuality is in any way has nothing to do with my relationship with GOD. Alam ko naiintindihan niya ako, sapat na sa akin ang hindi ako ipagbawal sa simbahan para respetuhin ko din ang "stand" ng simbahan tungkol sa sexuality ko.

Hindi man lahat maniniwala (may nakikita akong nag taas ng kilay.. nakatayo sa gilid, naka black) pero yun ang katotohanan... Oo, may panahon ako sa Diyos. Muntik na nga akong mag-pari, pero hindi ko kailangang gawin yun para pagtakpan ang kung ano ako. Hindi katulad ng iba, halos nakatira na sa simbahan, mapag takpan lang ang pagiging malupit sa kapwa... At least, dahil sa desisyong hindi mag pari, I just saved the church another liability in the future.

Kung meron man akong kayang ipagmalaki kay God, yun ay naging totoo sa sarili ko, at hindi ginamit ang simbahan para pag takpan ang tunay na ako.


0 ang naumay sa:

Post a Comment

PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.