~ Bagong Pasko

|

♪♫ Pasko na naman, O kay tulin ng araw... ♪♫

Papasok ako ng office, ang bata sa labas ng gate, kumakanta habang pinapalo ang walang laban na lata.

Sa bawat palo, ay ang pagsabay ng basag na boses. Umaga pa lang, bibo na, partida wala pang agahan yan.


♪♫ Oh Holy night, the stars are brightly shining. ♪♫

Ang babaeng katabi ko sa jeep, parang hindi takot mabasag ang "eardrums," abot sa akin ang tunog ng ipod niyang naka salansak sa tenga na may mumurahing hikaw. Hindi na masyadong matingkad, naninilaw.

♪♫ Sana ngayong Pasko ay maalala mo parin ako... ♪♫

Ang babaeng taga pindot sa loob ng elevator sa Insular. Paulit-ulit niyang kinakanta ang part na yun. Parang hindi niya alam na may kasunod at refrain ang buong kanta. Pero yun lang ata ang alam niya.

****

Hindi pa malamig ang hangin, hindi pa sumasapit ang buwan ng Disyembre, pero habang napapadaan ako ng Ayala Avenue, habang kumikislap ang mga ilaw sa bawat gusali, habang iba't ibang hugis ng Belen ang nakatayo sa harapan ng gusali... hindi ko pwedeng itanggi na PASKO na nga.

Sa karamihan ito'y isa sa pinaka masaya at pinaka-hihintay na buwan ng taon... Sa apat na taon kong andito sa Manila, nag-iba ang tingin ko sa Pasko, sa Parol, sa Xmas tree. Naging simbolo ito ng kalungkutan. Parang hikaw ng babae sa jeep, hindi tunay. Naninilaw.

Habang ang lahat ay masayang magkakasama ang mag papamilya, ako mag-isa. Parang lata ng bata sa labas ng gate, masakit sa tenga ang tunog. Masakit sa puso.

Pero natutunan kong hanapin ang saya sa sitwasyon ko. Natuto ako. Nakuntento. Parang kanta ni Ate sa elevator. Paulit-ulit lang. Nasanay na.

Ngayong pasko, magiging iba na naman ang tingin ko sa Pasko, sa Parol, sa Xmas tree. Ngayon, hindi na malungkot, isang patunay na sa bawat lungkot ay darating ang araw na mag-iiba. Magiging masaya.

My family will be celebrating Christmas with me fro the first time, since I decided to stay here in Manila for good. Siopao is joining us as well. Ang saya di ba.

Magiging makulay, ma-ilaw at ma tunog na ulit ang aking Pasko. Hihintaying ko ulit ang pag tunog ng lata at ang kanta ng bata, ang kanta sa ipod ng babae sa jeep at ang paulit-ulit na pag kanta ni Ate sa elevator. Ni minsan hindi ako mabibingi o maiinis man lang.

Mag-iiba. Magiging masaya.

Sige. Kanta lang. Okey lang.


2 ang naumay sa:

Anonymous said...

Good for you...

bunwich said...

bakit ikaw ba?

Post a Comment

PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.