
What I really like about having some free time at the office is that, I can do "blog-hopping." Today, I was able to read Rex Bonife's Lexuality Blog. Lahat binasa ko, kahit archive hindi nakaligtas.
As stated sa profile niya, Rex is a screenwriter and a yoga teacher (weird combination). Actually I partially met him na, I say partially, kasi nakita ko lang siya sa premier ng "Little Boy, Big Boy." Actually it's my friend Marco who knows him personally.
Sa kakabasa ng blog niya, nabusog ako tungkol sa iba't ibang indie films na ginawa nila at ang mga adventures niya sa buhay. May be that's the reason why he can write good film stories, because he can be anywhere. (Basahin niyo kaya, para hindi ako hirap mag describe?)
After reading his blog, I realized that I need to find my own "direction." Ayoko naman habang buhay akong nandito sa cubicle na 'to, nakaktitig sa monitor ng PC at nag-iisip kung anong buhay meron ang labas ng opisinang ito.
Masakit mang isipin, pero naiingit ako sa mga taong nahanap na ang bagay na nagppasaya sa kanila. Hindi takot harapin ang buhay, dahil alam nila na ang ginagawa nila ay dikta ng puso at hindi ng wallet.
Paunti-unti gusto kong makuha din ang sitwasyon na yan, kung may tindahan nga lang na nagbebenta ng madaling paraan para maabot ang gusto, siguro nag pa reserve na 'ko... na parang libro sa Powerbooks, may discount pag early reservation.
Personally, I am happy to know that there are people like Lex, na hindi lamang ang pansariling gusto ang inuuna kundi ang pag-sulong din ng "pantay na karapatan" para sa mga Bakla. Awareness para sa lahat.
Maraming salamat.
Marahil, hindi pa ngayon ang panahon para ako ay umabot sa ganyan ka tapang na pag harap sa aking seksualidad. Kailangan ko muna sigurong unahin ang pamilya ko (yes, hindi pa nila alam), but It doesn't mean I care less. I've been an advocate for equality and trying my best to be a role-model to others.
Naiiyak ako pag may nababalitaan akong mag-partner (M2M) na naghihiwalay, kahit hindi ko kakilala, kahit ang simpleng pagpalit lang ng "In a Relationship" to "Single" sa facebook ay pinag-aaksayahan ko ng luha.Natutuwa ang puso ko, knowing na may mga taong may mabuting hangarin para sa lahat.
Ako at si siopao ay mananatiling matatag, dahil parte din ng relasyon nito, maliban sa pagmamahalan namin, ay ang pag-bigay ng patunay na may "relasyon" din na kagaya ng sa amin ang nagtatagal... at magtatagal habangbuhay.
Parte nito, hinihingi ko din sa lahat na saluhan kami sa pagdadasal na balang araw, hindi na mahirap at walang huhusga sa tawag na "lalaki sa lalaki."
0 ang naumay sa:
Post a Comment