~ clarang-clara

|
Dahil uso ang pag-"bitchesa" dito sa blog, eto ang share ko. Damhin at isadula ng walang pag-iimbot at buong katapatan:

.~On the first day of the Mango sale, the sister of my friend was looking around and picked up a dress when a woman at the counter started screaming,"Put that down, that's mine!" The sister of my friend looked up, looked at the woman up and down, raised an eyebrow, and replied, "Excuse me. You are NOT small!"
.~A supervisor once told a worker who has difficulty in understanding instructions, "Ang ulo, hindi lang yan pinapatong sa leeg, ginagamit din yan sa pagiisip."
.~A friend told another friend, "Naku, magma-make-up muna ako, baka magmukha akong yaya mo." The other friend replied, "Wag na, magmumukha ka lang yaya ko na naka-make-up."
.~ "Ako, I was born beautiful. Ikaw, you were just born."
.~ When I saw friend I haven ' t seen in a long time, she told me, "Grabe, lalo ka pang tumaba!" So I told
her, "Ikaw din, lalo ka pang pumangit!"
. Pag sinisingitan ako sa pila, nagpaparinig ako. I say, "Ang pilang ito, according to beauty. Mga panget
muna."
.~ "Maliban sa mukha mo, ano pang problema mo?"
.~ I once told an officemate who kept on bragging about her new shoes, "Sale, right?"
.~ I pointed a "7 items or less" sign to a clueless pasosyal at the supermarket. She bitchily answered,
"I can read!" Sabay irap. So I shot back with, "I know, but can you count?"
.~ "Tuwing nakikita kita, gusto ko mag-sorry sa eyes ko."
.~ After receiving her pay slip and realizing how much she's paying for tax, a sosyal officemate exclaimed, "Ang mga poor ba nagbabayad din ng tax?"
.~ During a hike at Mt. Mayon , we had a maarte companion. When we ran out of water, our guide got us some from a natural spring. The maarte girl said, "Dini-drink ba yan?" I told her, "Bakit, sa inyo ba ang water chinu-chew?"
.~ Bading: (envying a girl na crush ng crush niya) "Isang butas lang ang lamang mo sa ' kin!"
.~ I was staring at an ugly bystander on their street. The ugly guy snapped, "Bakit ang sama mo makatingin?" I snapped back, "Eh bakit ang sama mo tignan?"
.~ A friend once told me, "Ang ganda mo!" I answered: "Thank you, sana ikaw rin."
.~ "When a cashier tells me she doesn ' t have change, I say: "And kaninong problema yun?"



Photo Source here.

~ manila! manila!

|
(Ang title ng blog post na ito ay hango sa Market! Market! at Brazil! Brasil!, pero ang mga lugar na nabanggit ay walang kinalaman sa kwento.... Gusto ko lang sabihin para makarami ng susulatin. Para masulit ang bawat pisong inihulog niyo sa donation box. Umupo, ilagay ang cellphone sa silent mode... Don't worry be happy... Relax, see a movie!)

Alas otso pa lang gising na ko. Alas 9:30am ang usapang darating sila Jepoy at Darc. Habang naghihintay ng text ay nagligpit muna ako ng mga gamit para sa napipintong pagpunta sa Jeddah para sa Miss. Earth competition (ang naniwala sa huli kong sinabi, siya ang taya!).

9:00 pa lang nag text na si Jepoy nasa sosyal na sosyal na siyang Guadalupe mall, naghihintay sa (as usual) late na si Darc. Dahil balot ang katawan ko ng mala-perfume kong pawis, naligo agad ako para masalubong na ng banda ang aking mga kaibigan. (Ang banda ay galing pang Bulacan - taga Mababang Paaralan ng Sta. Monica, Zest-O at isang pirasong Mamon lang ang bayad).

Nasa sosyal na sosyal na Guadalupe mall na kami ng nag text si Jepy, nasa jeep na sila at papunta na ng bahay. Teka, parang may mali ata --- andito ako sa Guadalupe tapos ang mga bisita ko nasa bahay na? Fail. Akalain mong lahat kami may cellphone, pero nagka salisi pa din. Katangahan na!

Nagkita-kita din kami sa kanto. Orange ang suot ni Jepoy na shirt, yellow kay Darc at ako naka-green. Nahiya ang Maxx Menthol Candy sa kulay namin.

Tumambay sandali sa bahay, nag-kwentuhan tungkol sa mga ka twitter, ka facebook, at blog ng kung sinu-sino. Napag-desisyunan namin na sumakay ng ferry from Guadalupe to Avenida. Excited ang first time na si Jepoy.

12:00nn na kami naka dating dun, at ang sabi ni kuya ay 1pm pa daw ang ferry. Musta naman. Naisip namin mag cab na lang papuntang Binondo for more fine-dining 'Estero' lunch date.


Narating din namin ang 'Estero' dala ang tig-iisang baldeng pawis. Not to mention ang tig-iisang sako ng alikabok sa aming mga tsinelas. Nagsisimula nang maging mukhang dugyot ang aming mga mala-porselanang, China ware na binti.

Kain. Lafes. Lafang. Cha. Tsibog.
(Note: Ang tsibog ay napaka 80's)

Siyempre hindi mawawala ang 'Pansit na i-uuwi kay inay'. Na binigay namin sa batang pulubi. Talo ang Binibining Pilipinas Charities sa aming kawang gawa.
(Ang 'Pansit na i-uuwi kay inay' ay ang tawag sa mga tirang pagkain na pwede pang ipa-balot at naka schedule ang kung sino ang mag-uuwi ng grand prize depende kung sino ang malapit sa kinainan. Hindi pa ata kumakain ng hindi kami nagkaroon ng 'Pansit na i-uuwi kay inay')

Dumeretso kami sa Avenida, para sumakay ng ferry. Kailangan naming sumakay ng ferry at mag-iwan ng bato. Char! Naisip ko, sooner or later magkakaroon na ng headline sa T.V.:

"Ferry Boat sa Pasig lumubog dahil sa sako-sakong batong naiwan sa loob! Lahat ng mahilig sa Jackstone, umiyak!" --insert Mike Enriquez here--

Bumaba kami ng PUP Terminal Station. Bakit? Wala lang. Pa-labas na kami ng terminal. More-more lang ang lakad ng 'Magka-kaibigang pinaglihi sa MAXX Candy', ng narealize namin na literally nasa loob na kami ng PUP Campus. Nagayak kami sa tuwa. Aba'y akalain mo, sino sa buong populasyon ng Pilipinas, maliban na lang sa mga estudyante ng nasabing school, ay nagkaroon ng pagkakataong maka-pasok sa PUP? Chosen few lang ata, ma i-cocompare mo sa dami ng taong nagkaroon ng multiple orgasm. Hindi namin napigilan ang aming sarili, nag papicture kami sa marker ng school. Para lang kaming nagpa-picture sa Eiffel Tower.


Naalala namin ang lugar kung saan tinawag ni Bea si John Lloyd ng 'August', dun namin na realize na ang aming tinatahak na landas ay tinatawag na 'Miss You Like Crazy Experience' talo ang 'Beyonce Experience.'

Dahil wala kaming makitang cab sa labas ng PUP, for obvious reason, kasi riles ng tren ang available dun, naglakad kami papuntang kanto para sumakay ng jeep papuntang Boni MRT station.

Destination: UP (Alma Mater ni Darc)
(Pagkatapos ng PUP, UP naman, expect baka ang next destination ay P na lang)

Kwentuhan tungkol sa indie film at ang mga film na nangyari sa totoong-buhay ang naisipang topis. Deadma sa nakakarinig sa loob ng jeep. Bakit, kanila ba ang jeep?!

Nag MRT, tapos bumaba ng Quezon Ave., at nag cab papuntang U.P.... Los Baños, ay U.P. Visayas... ay U.P. Diliman pala. Yun!


Naglakad. Nag-pawis.

Maya-maya naisipan naming mag isaw ni Mang Larry. (See Google map for location, pansinin ang larawan ng cart ni Mang Larry... 2x2 picture with white background. Akala ko nung una isa siyang malaking Resume) This time, pwede ng pag-taniman ng Monggo ang aming mga paa dahil sa kapal ng lupa.

Kain. Saw-saw. Boy watching. Kain. Tingin. Okray. Kain.

Pagkatapos kumain, naisipan namin mag Mang Jimmy's. (Sila Mang Inasal, Mang Bok at Mang Tomas na lang ang kulang... pwede na silang 'Mythical Five')

Pero hindi kami dun kumain. Bakit? Malayo kasi.

Nauwi kami sa Chocolate Kisses sa 2nd Floor ng U.P. Bahay ng Alumni. Nag-hire kami ng pianistang pwedeng tumugtog habang kumakain kami pero sa ibang Function Room siya dumiretso. Kaya nakikinig na lang kami. Gusto sanan naming mag-request ng Bad Romance. Hahaha!

Andami naming kinain. Dahil libre ni Darc ang dinner. Sino ba naman kami para tumanggi. Hindi pa kami na kuntento, nag-order kami ng dessert - 3 slice ng iba't ibang cake.


Bawat subo, hinihimay-himay ni Jeoy ang lasa at consistency ng luto. At dahil diyan, magiging food blogger na siya. Daig niya pa si Barefoot Contessa.

Nung nag-simula na ang kainan... ng Dessert (Uyy, madumi isip!) Huling tinikman ni Jepoy ang Carrot Cake.

Nag-orgasm sa sarap.

(Paano mag orgasm sa sarap: Nakatakip ang bibig ng kanang kamay, sa kabilang kamay hawak ang tinidor at may konting pang-gigigil)

Kaming 2 ni Darc, naluha sa kakatawa.

Pagkatapos ng diner, naisipan naming umuwi na. Sa wakas!

Ang 'Magka-kaibigang pinaglihi sa MAXX Candy' ngayon ay 'Magka-kaibigang pinaglihi sa MAXX Candy, Pregnant Edition' sa dami ng aming kinain.

Muli kaming naging pasahero ng MRT. Dun namin na realize na 'Foundation Day' pala nung araw na yun dahil kay kuya na 2 tones Fairer ang Foundation. Matalino siguro si kuya kasi na accelareate ang kulay ng foundation na ginamit.

Bago nag ka hiwa-hiwalay, nag-iwan ng isang matamis na kaway at pag-asang mauulit muli ang ganitong eksena sa aking pagbalik. At sa aking pagbalik, sisiguraduhin kong hindi na magiging dugyutin ang ating mga paa... pero nanaisin ko pa din maging 'Magka-kaibigang pinaglihi sa MAXX Candy'.


Sa uulitin.

~ sabi ng puso

|
Pagpasok ko sa kwarto, nadatnan ko si Siopao na nag-aayos ng cabinet. Walang imik. Alam kong fulfillment sa kanya ang mag-ayos sa kwarto. Umupo ako sa dulo ng kama habang pinapanuod siya. Mariin niyang tinutupi ang mga damit. Hinihiwalay ang damit na may kulay sa mga puti.

Alam kong napansin niya ko, pero hindi man lang tumango at tumingin sa akin.

"Uy, alis na ko sa next week."

"Kelan tayo mag start mag-impake"

"Hindi mo ba ko pipigilan?"

"Hindi!"

Umupo siya sa gilid ng kama. Blanko ang mukha.

"Hindi dahil boyfriend mo ko may karapatan na akong pigilan ka sa mga gusto mong mangyari sa buhay mo. Ang pinaka magagawa ko lang ay suportahan ka sa mga pangarap mo. Hindi ba, sa simula pa lang, alam natin pareho na ang relasyon na 'to ay hindi dapat maka-apekto sa mga gusto nating maabot sa buhay?"

"Ahhhh..."

"Tanggap ko, na bilang asawa mo, may mga panahong gaya nito. Alam ko para sa'yo 'to at alam kong gusto mong gawin to. Masaya ako kung alam kong masaya ka sa ginagawa mo at natutupad mo ang mga pangarap mo."

"Eehhhh..."

"Huwag kang mag-alala, may babalikan ka pa naman. Hindi naman ako mawawala. Buong buhay na kitang hinintay at pinag-dasal. Ano ba naman ang 2 taon. Ayos lang yan."

"Haaaahhhh"

"Bakit ka ba sigaw ng sigaw? Hindi ka na nakapag-salita diyan."

"Eh, nagpapa-pansin lang naman ako e... nag sermon ka na diyan bigla. At inupuan mo kaya ang kamay ko. Ang sakit kaya!"

"Hay naku... Kahit kelan ka talaga... kung kelan nasa 'Maalaala Mo Kaya' mode na ko. Panira ka ng drama!"

Bumalik siya sa pagtutupi ng gamit.
Alam ko ang gusto niyang iparating, ramdam ko na higit pa sa pagmamahal ang kaya niyang ibigay.

Tiningnan ko siya habang tutok sa ginagawa. Alam kong malungkot siya.

"I love you"

"I love you more!" sagot niya.



Photo Source here.

PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.