Kwentong Jeddah

|

April 20, 2010, ang pinaka mahabang araw para sa akin. Umalis ako ng Manila ng 7am, after 19 hours nasa Jeddah na ko at 4 pa lang ng hapon. Hindi pa kasama ang stop over sa Brunei, na ang airport ay parang munggo lang sa liit. Kasabayan ko ang mga Pinay na pupunta din ng Jeddah bilang DH.

Alam kong nasa Jeddah na ko ng nagsimula ng isakay ang mga babae, hiwalay sa mga lalaki. Dis is it na! Antagal ng proseso sa immigration, parang pumipila sa Wowowee ang feeling, kumpleto sa finger scan, picture at validation ng Visa.

Sinundo ako ng Arabong driver at ng company car. Arabo ang driver pero "Turkey" ang pangalan. Stress! Ambilis mag patakbo, inaabot kami ng 160. Dito ata ako mamamatay sa Jeddah. Mabilis talaga mag patakbo ang mga Arabo, parang nanunuod ka lang ng Formula 1 sa kalsada. Dala na din siguro sa affordable ang mga sasakyan ditto, kaya deadma sa gas-gas ng kotse. Kadalasan nga pag luma na ang kotse, iniiwan na alng sa gilid ng daanan. Kung sa Pilipinas yun, pwede pang ibenta. Bawal din ditto ang hindi maruong tumawid, hindi din kasi uso ang busina. Hahaha!

Kung ang PBB may Apartment at Villa (Oo, updated ako sa TV, dahil sa TFC), meron din kaming Barracks at Villa.

Barracks: Tirahan ng mga laborer. Bawat kwarto may 4 na double deck, kumpleto sa unan, kumot at comforter. Naka carpet at may aircon. Bawat isa may kanya-kanyang set ng pinggan, bowl, kutsara, tinidora t baso. May cook na galling Pinas, kaya hindi mo ma mimiss ang sinigang, pochero, adobo, tinola at paksiw. Yun nga lang walang porck chop. Puro manok, isda o beef lang.

Vill: Dito nakatira ang mga Engineer, Auditor, Purchasing officer at mga Accountant. Dito, tig-iisa kami ng kwarto, yun nga lang kanya-kanyang luto. Compared sa Barracks, isang kembot lang mula sa office ang Villa. Dahil daw madalas kaming mag overtime kaya dapat sa kabilang bakod lang ang bahay naming. Mautak din!

Sa office, majority ng Engineer ay Pinoy. Mga Syrian ang Auditor, Accountant at purchasing officer. Arabo naman ang mga secretarya, assistant, driver at taga timpla ng kape. Pero lahat marunong magsalita ng Ingles. (Syrian an gamy-ari ng companya)

Pag Thursday, half day sa office, Friday ang off dahil sa Friday nagsasamba ang mga Muslim. 5 beses sa isang araw kung magdasal ang mga Muslim.

Pag Friday, isa lang ang puntahan ng mga Pinoy dito, ang AL BALAD. Para siyang Greenhills na may tiangge at may mall din na sosyalin. Nakaka-aliw ang mga arabong nagtitinda dun, marunong sila mag tagalong. Tawag nila sa mga Pinoy ay "PARE", pag tinatawaran mo ang paninda nila,tatawagin ka nilang "KURIPOT." Mero nga sumisigaw dun ng "Baclaran! Quiapo! Divisoria!" Naisip ko tuloy, buti pa ditto sa Jeddah nasa iisang lugar lang ang Baclaran, Quiapo at Divisoria. Hahaha! May Jollibee, Krispy Kreme, Sbarro, Pizza Hut at kung anu-ano pang nasa Pinas din.

Dahil bawal ngang kausapin ang mga babae dito ng mga lalaki. Normal ng tanawin ang parehong lalaking magka hawak ang kamay. Walang dudang maraming bading na PInoy ang gusting pumunta dito. Typical din sa mga Pinoy nabading dito ang pumorma, dahil sa semi-open city ito,madali mong mapapansin ang pinoy. Mula sa skinny jeans hanggang sa maayos na buhok.

Sabi nga nila, mahirap maging dayuhan sa ibang bayan. Pero dahil sa araw-araw ay may KABAYAN ka pa ding nakaka salamuha, nasasalubong at nakaka kwentuhan… Hindi na din ganun ka hirap. Sanayan lang!

~ goodbye for now

|

Malamang habang binabasa niyo 'to nasa eroplano na ako nagtitinda ng yelo... ay hindi pala,nasa eroplano na ako papuntang Jeddah, sa hinaba-haba ng paghihintay ko, eto't tuloy na din sa wakas.

Ba't ba kasi ako na delay? Well, kagagawan ko din naman. Hingi ako ng hingi ng extension kay Lord na huwag muna ako paalisin. Ayan, pinagbigyan. Andaming dapat pagpa-alamanan. Gusto ko ding mag spend ng holy week sa Bacolod, given hindi uso ang holy week sa Jeddah. Nararapat lang na i-spend ko to kasama ang family ko.

Hindi din naman ako makakapayag na pupunta ako ng ibang bansa na hindi ko nakikita ang family ko. Kailangan ng emotional recharge, maka-hingi man lang ng huling payo sa magulang. Okay na sa akin yun.

Ano naman mangyayari kay siopao? Uhmm... mawawalan siya ng sauce this time. Hehehe! Well, matagal ng ready si siopao sa pag-alis ko, pero hindi kanina. Muntik ng dumating ang Maynilad para i-check kung may sira ba ang gripo namin dahil bumaha... luha lang pala galing sa kwarto namin.

I know pag babasahin niya to, tataas ang kilay nito. Hindi naman ganun ka drama ang naging eksena. Naluha lang ng mga 3 1/2 drops tapos nag simula na siyang mag impake ng gamit ko. Oo, siya ang nag empake, hinayaan ko na, siguro gusto mag MMK moment, yung nagtutupi ng damit habang umiiyak? Hehehe!

Gusto kong kunin ang pagkakataong ito, kahit hindi niyo ito ibibigay, na magpasalamat sa lahat ng nag "Wish me Luck" sa akin. Cliche man maituturing, pero para sa isang taong aalis, malaking bagay ito. Lalo na't pupunta siya sa lugar na maraming bawal. Hehehe!

Hanggang sa muli kong pag update ng blog. Naway may internet ang aking titirhan dun at para ma-update ko kayo sa bagong yugto ng buhay namin ni siopao.

Kung dati ang blog na 'to ang nagpatunay na may M2M relationship na tumatagal. This time, gusto naman naming patunayan na may 'Long Distance Relationship' M2M edition na nagtatagal din. (Parang MELASON lang! may chapter?!)

Nais ko sanang hingin ang inyong panalangin sa bagong hamon ng buhay naming dalawa. Diyos na ang bahala sa inyong mabubuting puso.

Naway ang mga single ay magka boyfriend na. Ang mga malilibog ay maging negative sa HIV test. At ang mga manloloko ay lapain ng aso now na!

Hanggang sa susunod.

Nagmamahal,
Charo

(Pati ba naman dito, e-eksena ka? Charo?)

~ kami at ang kamiseta

|

Hatak-hatak ako ng kaibigang si Valerie sa mall. Actually napilitan lang ako kasi parang mababasag na ang tenga ko nung nag usap kami sa telepono when I was trying to put up an alibi ba't hindi ko siya masamahan.

Parang nakapatay ako ng tao kung sigawan niya ko sa telepono. Kesyo hindi na daw siya mahalaga, kesyo pinagpalit ko na siya sa ibang kaibigan ko. Pero para matapos na lang 50 minutes after nasa Food Choices na ako naghahabol ng late brunch habang siya nasa cab pa lang galing Parañaque.

Ang galing di ba, ako pa ang naghintay. Pero special si Valerie sa akin. At some point naging parte siya ng straight days ko and nanatili kaming close. Boyfriend ang tawag niya sa akin, hindi niya daw ako pwedeng tawaging "sister" kasi wala naman daw akong belo. Ok fine.

Alam ko na ang silbi ko sa kanya sa ganitong SALE ang mall. Ang maging taga bitbit ng mga pinamili nya at sa bawat pagbabayad niya sa counter ay voluntarily ipapakilala niya akong boyfriend. Pathetic lang!

Half-way through sa pag sho-shopping, pumasok kami ng Kamiseta Store. Dahil puro pambabaeng damit ang andun, buraot akong umupo sa sofa at tinitingnan ang mga babaeng pumapasok sa store. Ma swerte na ko kung may boyfriend ang babaeng pumasok dahil for sure, uupo din yan sa sofa para hintayin ang girlfriend.

"Hun..."

Parang familiar ang boses.

"Honey"

Paglingon ko si Valerie nga. Dali-dali ko siyang nilapitan.

"Nyeta ka, pa honey-honey ka pa diyan... Nakakasuka ha!" bulong ko sa kanya.

Pangiting pumasok lang ang hitad sa fitting room. Normal na ganun lagi ang eksena. Everytime magsusukat siya ng damit, kailangan kong hintayin siya sa labas ng fitting room para sa approval ko kung maganda ang piniling damit.

Habang naghihintay ako, napansin ko na may isang babae ding naghihintay gaya ko sa katabing fitting room. Dahil sa nagku-kwentuhan sila, nalaman kong magkaibigan sila ng nagsusukat sa loob ng fitting room.

Hindi nagtagal, lumabas na ang ang kaibigan niya sa fitting room.

"Girl, maganda ba? Bagay ba?" tanong ng babae habang nakatingin sa salamin.

"Ay pangit siya for you, mukha kang bakla sa suot mo!" patawang sabi ng kaibigan.

Dahil bored ako, sumali ako sa usapan.

"Excuse me?" pasintabi ko.

Lumingon ang 2 babae at tumahimik.

"Miss, bakla ako pero hindi ko kamukha ang kaibigan mo. Bakit hindi mo diretsuhin yang kaibigan mo na pangit siya at kahit bilhin niya ang buong Kamiseta ay hindi magbabago ang katotohanang hindi siya maganda. Hindi siya mukhang bakla... Pangit siya at hindi pareho yun!"

Hindi na nakapagsalita ang 2 babae, siguro nag auto-off ang mga bibig dahil sa gulat. Biglang bumukas ang pintuan ng fillting room ni Valerie sabay hatak sa akin.

Kung ano kabilis kaming lumabas ni Valerie ng Kamiseta ay ganun din ka bilis ang bibig nito sa pagsasalita.

"Ikaw talaga, hindi ka dapat iniiwan e."

"Bakit naman"

"Nang-aaway ka!"

"Kasi naman, dalihin ba ako sa Kamiseta, ano naman mapapala ko dun?"

"Hay naku... tara na sa People are People"

"Goodjob!"



Photo Source here.

PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.