~ Walang Basagan ng Trip

|

Marami akong pinagkaka-abalahan sa buhay, maiban sa lovelife, career, paglalaba at pagtitinda ng AVON (joke yung huli) hindi ko minsan naisip na pagod na ako, walang pagkakataon na lumitanya ako ng,

"Pagod na pagod na ang pagkatao ko. Matagal niyo na akong nilumpo!" halaw sa pelikula ni Nora Aunor, huwag na natin banggitin ang movie, dahil baka hanapin niyo pa sa ACA o sa Video City.

Sabi nga nila, masaya ang buhay kung masaya din ang mga kasama mo, and yes, diyan ako swerte, sa mga kaibigan. Iba ang tuwa at tawa na dulot ng experience kasama ng barkada. Ang kwento ko ngayon ay tungkol sa mga kaibigan kong pinaglihi sa "SABLAY" Ang mga kaibigan kong, minsan kahit gaano ka na ka bad trip ay natatawa ka ng di sadya. Eto na sila:

RELIGIOUS FRIEND:
Simba kami ng St. Jude, kasagsagan ng review, hingi ng more more basbas para makapasa. Hindi kami pumapalya kesehodang bumaha sa Mendiola na parang umihi ang higante ng 5 beses, kesehodang mag pump boat kami, marating lang ang simbahan. Dito na eeksena ang isa naming barkada na naniniwala ata sa kasabihang "Ang batang masipag, lalaking katulong" kasi siya lagi ang abala sa apartment na maglinis at mag-astang Mayora. Taga puna ng kalat pero ang ending siya din ang magliligpit. Itago natin siya sa pangalang "Kimberly" wala siyang kaugnayan sa Power Rangers o kay Rita Repulsa (sa mga walang idea, yun ang kalaban ng Power Rangers) (Ako bilang, Kuya Kim)


Eto na, sing na kami ng "Kordero Ng Diyos," si Kimberly, may I sing na parang siya lang ang tao sa simbahan at parang hindi siya naririnig ng iba sa lakas ng boses. Choir ka teh? Sacristan?Lector? Clergy? Deadmatology si Kimberly. More-more sing lang siya.

LYRICS: "Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan..."

VERSION NI KIMBERY IN HER LOUDEST SLASH PROUDEST, PARANG NAKAHARAP SA ELECTRIC FAN VOICE: "Kordero ng Diyos, na NAGWAWALA ka ng mga kasalanan ng sanlibutan..."

SH*T! MALI SI KIMBERLY!!
Pinagtinginan kami ng lahat ng banal sa loob ng simbahan, kulang na lang gumalaw ang mga poon at dagukan si Kimberly.

Sa sobrang kahihiyang dinulot niya, buong buwan niya kaming pinaghugas ng pinggan sa dorm dahil di namin pinapansin.


VIDEOKE QUEEN:
Hindi nakakalampas sa amin ang videoke, kahit lahat kami parang pinaglihi sa latang pinaglalaruan ng pusa ang boses namin, nagkukumahog kami pag videoke night na ang usapan. Dito pumapasok ang aking kaibigan na si Lea not Salonga but Espinosa... O diba, parang boldstar lang ang pangalan o di kaya yung batang naka blur sa TV dahil biktima ng panggagahasa.

LEA: Hanapin mo nga yung kantang "Memory of Love"
ME: Sige, sino kumanta nun?
LEA: Si Jose Mari Chan
ME: Ay sige, bat di ko alam yan...
LEA: Alam mo yan for sure pag narinig mo na.

HANAP. HANAP. HALUKAY. HANAP. MOLESTYA SA SONG BOOK

ME: Punyemas, wala Lea. Kantahin mo nga...
LEA: sige... la..la..la.. the memory of love will be of youuuuuu...
ME: G*g*, PERHAPS LOVE ang title nyan.

(Kaya pala wala sa song book, dulo ng kanta ang ginawang title ni LEA)


MOVIE ADDICT
Si Chris, isang beking pinaglihi sa sama ng loob, dahil sa lagi na lang siyang imbudo sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Laging galit sa kapwa hayop. Nang-aaway ng mga sales lady sa SM at mapagpatol sa barker sa Makati Ave. (Sa ibang araw ko na ikukuwento ang mga pinagdaanan ng mga tao sa hagupit ni Chris pag nagsimula ng sumingkit at tumaas ang kilay niya.) Siya ang movie buddy ko, kahit anong oras mo ayain mag-sine hindi yan aatras. Minsan inaya ko mag-sine ng 3 ng madaling araw, pumayag, di man lang niya naisip na wala ng bukas na sinehan sa mga oras na yun, kahit umabot pa kami sa Mars, at mag pa-ikot-ikot sa Solar System.

USAPAN SA TEXT
CHRIS: Sine tayo, my treat.
ME: Ano ba magandang palabas?
CHRIS: Wait, iniisip ko pa ang title
ME: Ay hindi prepared, ano ba yan?
CHRIS: Ma pressure ka noh! Eto na, tagalog pero mukhang maganda..
ME: Ay sige,ano yan?
CHRIS: Hey Babe, I Love You so.
ME: (nag compose ng sarili) Ginawa mo namang Trilogy ang Pelikula ng Star Cinema,
Hey Babe (Jolina, Marvin)- Babe, I Love You (Sam, Anne Curtis) - And I Love You So (Bea,Sam and Derek)

(Ang gusto niya talaga panuorin ay ang Babe, I Love You, naalog lang ata ang utak ng slight)


Baka sabihin niyo naman, anong klaseng mga kaibigan meron ako. Well, hindi naman sila normally ganyan, nakakatuwa lang minsan at napagkukunan ng mga candid na katatawanan na tatatak sa samahan ng magbabarkada kahit kelan. Na pag gusto niyong balikan, ini-intro mo pa lang ang kuwento tumatawa na ang lahat. Sa susunod, mga kasabawan ko naman ang ikukwento ko, promise mas magulo ako. Tanga pa ako sa salitang tanga. Hahahahaha!



P.S: Walang kinalaman ang litrato sa taas sa ano mang bahagi ng entry na 'to. Gusto ko lang ilagay dahil nagandahan ako sa kuha ng bata. Sabi nga ng title ng entry na to... WALANG BASAGAN NG TRIP. Gumawa kayo ng sariling blog niyo. (Nagtataray?)

Photo Source here.

~ Walo. Eight. Ocho

|
Kahit andito ako sa Saudi, hindi ko pinalampas ang pagkakataong bigyan ng kakaibang surprise si Siopao sa special na araw sa aming buhay.

8 years na kami!!

(clap! clap! clap!)

At dahil malayo ako, dito ko na ginamit ang charm ko... hahaha! inalila ko ng slight ang mga kaibigan ko, yung iba medyo mahal ang talent fee, pero dahil kaibigan nila ako hindi na sila naka-tanggi.

I first approached my friend Myk na hanapan ako ng flower shop na bukas hanggang gabi para magpa-deliver ng flowers sa office ni Siopao. Ang ending, nag volunteer na siya na ang maghahatid ng mga bulaklak. Hindi na ako nagpakipot pa, at tinodo ang request.

From Valenzuela, pumunta ng Dangwa at dumeretso sa McKinley, dala ang paso ng bulaklak. Yes, may paso, kulang na lang picture frame, diretso na ng Loyola. Hahaha!

Dumating si Myk sa office niya bandang 8:30 ng gabi. Habang tinatawag ng guard si Siopao, tinawagan na ako ni Myk para diretso ko ng maka-usap at ma bati.

Yes, IDD ito, ang yaman ni Myk, nagtatapon ng airtime minutes. LOL

Si Siopao naman, tawa lang ng tawa sa phone, at parang nahihiya pang may isang paso siya ng bulaklak. Hahaha!

Sumunod kong ginamabala si Jepoy, kailangan ko ng may pumunta sa Yellow Cab para mag maka-awa na gawan ako ng pizza na hugis puso. Buti na lang at maaga ang labas ni Jepoy sa office, at dahil I sound hopeless na, willing naman si Jepoy mag participate sa kabaliwan ko. Hahaha.

Naka set, alas-11 ng gabi i de-deliver sa office ang pizza. Kuwento ni Siopao, that same guard na tumawag sa kanya about sa flowers, siya din ang lumapit ulit para sabihing may pizza delivery. Ramdam kong tuwang-tuwa si Siopao. Installment basis ang surprise ko for him. Mas natuwa siya nung nakitang hugis heart ang pizza.

Sa 8 taon naming magkasama, first time ko siyang binigyan ng bulaklak, at first time ko ding i-surprise siya sa office na hindi ako nabubuko.

Na realize ko, ma-iksi pa ang walong taon na kasama ko siya, madami pa akong hindi nagagawa para sa kanya. Gusto ko pa siyang bigyan ng fireworks na kami lang nanunuod. Gusto ko siyang batiin ng Happy Birthday sa pamamagitan ng Billboard sa EDSA, O di kaya isang buong page sa diyaryo.

Hindi pa akong nagsasawang pasayahin siya at makitang masaya, naniningkit ang mata, at pumalakpak.

Sa aking Siopao, makaka-asa kang hindi natatapos sa bulaklak at sa hugis puso na pizza ang lahat. Kulang ang mga bilang ng Pepperoni sa pizza sa mga bagay na nais kong gawin kasama ka. Hindi tulad ng paso, hindi kailanman mababasag ang pangako kong aalagaan kita at mamahalin habambuhay, sampu ng iyong pamilya (yes, sampu lang sa pamilya ang kaya ko. LOL)

Salamat sa 8 taong na pag-iintindi, pag-aalaga at pag-papasaya sa puso ko. Sa pagmamahal mo na hindi lamang napunta sa akin kundi pati sa mga kaibigan ko at sa pamilya ko. Sapat na yun para mahalin kita higit pa sa letrang pwedeng i-accommodate ng blog na 'to.

Sa iyo ang aking pagbati at ang aking puso.

Nagmamahal, Charo. (LOL)

Ayan, nag sesebo na ang post na 'to dahil sa sobrang cheesy ko na. Enough na.


Ay wait, binati pala ako ni Remington. Salamat. manuod kayo ng Pelikula niyang ZOMBADINGS: Patayin sa shokot si Remington. (hanapin sa Youtube ang Movie Trailer)








KTHNXBYE!

~ New Year and an ipod

|

Imagine the street party, the videoke ng kapitbahay with endless singing of "My way" and children dancing "Bad romance."

Wala kang maririnig na ganyan ngayon dito.

Sa Pinas, 2 hours na lang, putukan na, 2011 na.. Dito sa Jeddah, roughly 7 hours pa bago magpalit ang taon. Since they observe a different calendar here, normal pa sa normal ang araw na 'to dito sa amin, ang kaibahan lang siguro, umulan kahapon (akalain niyo yun) kaya baha ang kalsada.

Sabi ko nga, matutulog lang ako.. kahit naman tulog ako, magpapalit pa din naman ang taon, di naman yan papipigil. Hindi ko masabing malungkot ako dahil walang New Year Celebration dito. Hindi naman pwedeng itangging iba ang selebrasyon sa Pinas, may halong saya at bisita sa ospital pag naputukan na.

Pero sa totoo lang masaya ang puso ko ngayong magtatapos ang 2010, naging mabait ang taon nito sa akin, sa pamilya ko at sa amin ni Siopao. Maraming dapat ipagpasalamat.

Salamat sa mga bagong kaibigang nakilala. Salamat sa mga taong nagpapasaya sa malungkot na umaga ko dito sa Jeddah. Hindi ko kayang tumabasan ang kabaitan, pag-alalla at tawang binigay sa akin.

Salamat sa Twitter. Dahil sa'yo nagiging magaan ang bawat araw na nagdaan. Dahil sa'yo may mga taong nakilala at nag-alala sa akin. Salamat kay Myk, for cheering me up lagi, kahit di siya mukhang cheerleader. Salamat Pare.

Salamat sa bagong yugto ng buhay ko, ngayon napatunayan ko ng hindi biro ang nasa ibang bansa. Kung mahina lang ako, matagal na siguro ako bumigay. Hindi ang lungkot na mag-isa ang magpapabagsak sa'yo dito, kundi ang maisip na maraming bagay na nangyayari sa Pilipinas na hindi mo nasaksihan. Na wala ka nung nangyari ang mga yun.

Salamat kina Jepoy at D, ang mga taong aligaga lagi sa akin. Ang mga kapatid ko sa ibang nanay. haha! Ang taga-hatid ko ng balita... ay tsismis. hahaha!

Kung may mga bagay siguro tha I look forward sa 2011 ay dahil malapit na ako umuwi, at 8 years na kami ni Siopao.

Yun lang ang pinanghahawakan ko. Magiging masaya ang bagong taon na ito. For the mean time, ipod na muna ang kasama ko, volumes up. Ignore the world.

Happy New Year sa lahat!




PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.