~ Kwentong Drawing

|

Trabaho ko ang tumanggap ng napakaraming Blueprint at Drawing ng Floor Plan para ma calculate ko ang dami ng Gas na gagamitin at ayos ng pipes para sa Fire Protection System ng isang Building. Noramlly, water ang laman ng sprinkler na nasa kisame ng building, yung sa company namin CO2 o FM 200 Gas ang laman. Para daw iwas basa. Ayaw ng mga arabo ng basa, that explains why walang tubig dito. LOL


Balik sa kwento, this particular AUTOCAD file drawing na natanggap ko iba, makulay. Kulay Neon Green, Yellow at Pink. P*cha, balak ata akong bulagin ng Engineer na gumawa nito ah. Konti na lang idadagdag mo, kumpleto na ang Color Wheel. Tinawag ko siyang NEON Project.


Sabi nga ng isang Engineer kong kasama, baka bading daw ang gumawa kasi ma-rainbow. Yun din ang inisip ko.


Part din ng trabaho ko na once na approve ang system design, pupuntahan ko ang location for ocular inspection before magsimula ang mga tao kong ikabit ang pipings, at babalik ako pag tapos na, for final check. Nangyari yun sa NEON Project.


Dala-dala ang hard hat na naka ipit sa kili-kili kasi bawal suoting baka magulo ang buhok, with matching blue polo, black pants at ang lisensiyado kong pointed leather shoes, tinungo ang site. Sa wakas makikita ko na din ang Engineer na may pakana ng muntik ko ng pagkabulag dahil sa makulay niyang drawings.


Pagdating ko sa site, andun na ang mga tao kong gagawa at ang aking foreman. Si Foreman, pinoy, pero lately hindi na nagsasalita. Baka na ho-home sick na, kaya binilin ko sa mga tao ko na bantayan at baka biglang tumalon sa building. Mapapgastos pa ang kumpanya sa pagpapdala ng bulaklak. Biro lang!


Pag pasok ko ng office na hugis Balikbayan Box, nakita ko agad si Engineer. Napansin ko agad ang buhok-may spike. Pareho kami. Kamukha niya si Marco Alcaraz na maputing version. Nagpakilala. Nag hand-shake. Firm ang pagka hand-shake, halatang sinasadyang mag tigas-tigasan. Nakaamoy agad ako ng bagong pitas na paminta. Hindi durog, BUO.


Nag-usap kami tungkol sa project at kugn kelan ang projected completion. Pagkatapos ng maiksing oras, nanghingi ng number.


"Oo nga naman, tao ko ang iiwanan ko sa kanya, dapat lang may number ko siya. At kung sakaling magpakamatay si Foreman,masabihan agad ako" sa isip ko.


Sa susunod niyang sinabi ako nagtaka.

"Are you free tomorrow night, na miss ko na ang Filipino food... Wanna join me sa Barrio Fiesta?" sabi ni NEON Engineer

Sumagot ako sa nakasananayang reply.

"Sorry, I'm busy. Next time na lang" sabay smile ng very very light.

"Sure, I have your number naman..." hirit niya.


CONFIRMED! biglang naglabasan ang CareBears sa likod niya at nag pa-slide sa Rainbow Bright.


Next week na matatapos ang project, hindi ko alam kung babalik pa ako dun. Naka sampung tawag na ata siya at hindi ko sinasagot. Kung buhay pa si Foreman sa araw na yun, baka siya na lang ang utusan kong mag-check, and besides hindi bagay ang pointed leather shoes ko sa site, naalikabukan. LOL



Kwentong Jeddah

|

April 20, 2010, ang pinaka mahabang araw para sa akin. Umalis ako ng Manila ng 7am, after 19 hours nasa Jeddah na ko at 4 pa lang ng hapon. Hindi pa kasama ang stop over sa Brunei, na ang airport ay parang munggo lang sa liit. Kasabayan ko ang mga Pinay na pupunta din ng Jeddah bilang DH.

Alam kong nasa Jeddah na ko ng nagsimula ng isakay ang mga babae, hiwalay sa mga lalaki. Dis is it na! Antagal ng proseso sa immigration, parang pumipila sa Wowowee ang feeling, kumpleto sa finger scan, picture at validation ng Visa.

Sinundo ako ng Arabong driver at ng company car. Arabo ang driver pero "Turkey" ang pangalan. Stress! Ambilis mag patakbo, inaabot kami ng 160. Dito ata ako mamamatay sa Jeddah. Mabilis talaga mag patakbo ang mga Arabo, parang nanunuod ka lang ng Formula 1 sa kalsada. Dala na din siguro sa affordable ang mga sasakyan ditto, kaya deadma sa gas-gas ng kotse. Kadalasan nga pag luma na ang kotse, iniiwan na alng sa gilid ng daanan. Kung sa Pilipinas yun, pwede pang ibenta. Bawal din ditto ang hindi maruong tumawid, hindi din kasi uso ang busina. Hahaha!

Kung ang PBB may Apartment at Villa (Oo, updated ako sa TV, dahil sa TFC), meron din kaming Barracks at Villa.

Barracks: Tirahan ng mga laborer. Bawat kwarto may 4 na double deck, kumpleto sa unan, kumot at comforter. Naka carpet at may aircon. Bawat isa may kanya-kanyang set ng pinggan, bowl, kutsara, tinidora t baso. May cook na galling Pinas, kaya hindi mo ma mimiss ang sinigang, pochero, adobo, tinola at paksiw. Yun nga lang walang porck chop. Puro manok, isda o beef lang.

Vill: Dito nakatira ang mga Engineer, Auditor, Purchasing officer at mga Accountant. Dito, tig-iisa kami ng kwarto, yun nga lang kanya-kanyang luto. Compared sa Barracks, isang kembot lang mula sa office ang Villa. Dahil daw madalas kaming mag overtime kaya dapat sa kabilang bakod lang ang bahay naming. Mautak din!

Sa office, majority ng Engineer ay Pinoy. Mga Syrian ang Auditor, Accountant at purchasing officer. Arabo naman ang mga secretarya, assistant, driver at taga timpla ng kape. Pero lahat marunong magsalita ng Ingles. (Syrian an gamy-ari ng companya)

Pag Thursday, half day sa office, Friday ang off dahil sa Friday nagsasamba ang mga Muslim. 5 beses sa isang araw kung magdasal ang mga Muslim.

Pag Friday, isa lang ang puntahan ng mga Pinoy dito, ang AL BALAD. Para siyang Greenhills na may tiangge at may mall din na sosyalin. Nakaka-aliw ang mga arabong nagtitinda dun, marunong sila mag tagalong. Tawag nila sa mga Pinoy ay "PARE", pag tinatawaran mo ang paninda nila,tatawagin ka nilang "KURIPOT." Mero nga sumisigaw dun ng "Baclaran! Quiapo! Divisoria!" Naisip ko tuloy, buti pa ditto sa Jeddah nasa iisang lugar lang ang Baclaran, Quiapo at Divisoria. Hahaha! May Jollibee, Krispy Kreme, Sbarro, Pizza Hut at kung anu-ano pang nasa Pinas din.

Dahil bawal ngang kausapin ang mga babae dito ng mga lalaki. Normal ng tanawin ang parehong lalaking magka hawak ang kamay. Walang dudang maraming bading na PInoy ang gusting pumunta dito. Typical din sa mga Pinoy nabading dito ang pumorma, dahil sa semi-open city ito,madali mong mapapansin ang pinoy. Mula sa skinny jeans hanggang sa maayos na buhok.

Sabi nga nila, mahirap maging dayuhan sa ibang bayan. Pero dahil sa araw-araw ay may KABAYAN ka pa ding nakaka salamuha, nasasalubong at nakaka kwentuhan… Hindi na din ganun ka hirap. Sanayan lang!

~ goodbye for now

|

Malamang habang binabasa niyo 'to nasa eroplano na ako nagtitinda ng yelo... ay hindi pala,nasa eroplano na ako papuntang Jeddah, sa hinaba-haba ng paghihintay ko, eto't tuloy na din sa wakas.

Ba't ba kasi ako na delay? Well, kagagawan ko din naman. Hingi ako ng hingi ng extension kay Lord na huwag muna ako paalisin. Ayan, pinagbigyan. Andaming dapat pagpa-alamanan. Gusto ko ding mag spend ng holy week sa Bacolod, given hindi uso ang holy week sa Jeddah. Nararapat lang na i-spend ko to kasama ang family ko.

Hindi din naman ako makakapayag na pupunta ako ng ibang bansa na hindi ko nakikita ang family ko. Kailangan ng emotional recharge, maka-hingi man lang ng huling payo sa magulang. Okay na sa akin yun.

Ano naman mangyayari kay siopao? Uhmm... mawawalan siya ng sauce this time. Hehehe! Well, matagal ng ready si siopao sa pag-alis ko, pero hindi kanina. Muntik ng dumating ang Maynilad para i-check kung may sira ba ang gripo namin dahil bumaha... luha lang pala galing sa kwarto namin.

I know pag babasahin niya to, tataas ang kilay nito. Hindi naman ganun ka drama ang naging eksena. Naluha lang ng mga 3 1/2 drops tapos nag simula na siyang mag impake ng gamit ko. Oo, siya ang nag empake, hinayaan ko na, siguro gusto mag MMK moment, yung nagtutupi ng damit habang umiiyak? Hehehe!

Gusto kong kunin ang pagkakataong ito, kahit hindi niyo ito ibibigay, na magpasalamat sa lahat ng nag "Wish me Luck" sa akin. Cliche man maituturing, pero para sa isang taong aalis, malaking bagay ito. Lalo na't pupunta siya sa lugar na maraming bawal. Hehehe!

Hanggang sa muli kong pag update ng blog. Naway may internet ang aking titirhan dun at para ma-update ko kayo sa bagong yugto ng buhay namin ni siopao.

Kung dati ang blog na 'to ang nagpatunay na may M2M relationship na tumatagal. This time, gusto naman naming patunayan na may 'Long Distance Relationship' M2M edition na nagtatagal din. (Parang MELASON lang! may chapter?!)

Nais ko sanang hingin ang inyong panalangin sa bagong hamon ng buhay naming dalawa. Diyos na ang bahala sa inyong mabubuting puso.

Naway ang mga single ay magka boyfriend na. Ang mga malilibog ay maging negative sa HIV test. At ang mga manloloko ay lapain ng aso now na!

Hanggang sa susunod.

Nagmamahal,
Charo

(Pati ba naman dito, e-eksena ka? Charo?)

PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.