
"Bakla!"
Nakakapanlambot pag naririnig ko yung salita na yun, hindi ko kayang i-explain ang pawis na namumuo sa nuo ko pag may naririnig akong nagsasabi ng salitang yan kahit ni minsan hindi patungkol sa akin.
Sa oras na yun, naisip ko baka may invisible rainbow flag sa likod ko at nakikita yun ng ibang tao, isang pagkakilala na isa akong membro ng "Care Bears" na nagpapa-slide sa Rainbow Bright.
Hindi ko pa alam kung ano ako nung mga oras na yun, ang alam ko iba ako.
Normal pero iba.
Grade 4 ako nun ng minsan habang nakahiga sa sofa katabi si Mama, bigla niya na lan tinanong:
"Bakla ka ba?"
"Hindi po"
Sa panahong iyon, yun ang naging sagot ko, hindi dahil sa nagsisinungaling ako, kung hindi dahil yun ang alam ko sa sarili ko ng mga oras na yun. Pero hindi nawala sa akin na baka nga... baka nga mali ang sagot ko, the fact na nagtanong ang nanay ko. Siguro may nakita din siyang makulay na pak-pak sa likod ko.
Kadalasan sa mga reunion, harapang tinatanong ng mga kamag-anak ko andg tatay ko, mismo sa harap ko, bakit ako malamya kumilos. Bakit hindi ako nakikipaglaro sa mga lalaki kong pinsan. Naging problema nila yun sa mahabang panahon.
Nahiya ako sa mga kamag-anak ko, hindi dahil sa kung ano pa man, kung hindi sa ugali nila ng kawalan ng respeto sa tatay ko. Nawalan ako ng ganang ituring silang kamag-anak. Dugo lang ang pareho sa amin. Hindi ugali. Nainis ako.
Pero na isip ko, siguro may nakita din silang pink na aninong, sund ng sunod sa akin.
High School ako nung naisip ko bakit hindi ako nagkakagusto sa babae, kahit sa lalaki hindi din. Minsan naisipan kong magsinungaling na lang bawat tanong nila kung sino ang gusto ko sa klase. Sa taranta, nagawa kong banggitin ang pangalan ng isa naming kaklasw. Huli na nang ma-realize ko, hindi pala siya maganda. Natukso ako ng sobra. Napagtawanan pa.
Hindi ko pa man lubos na tanggap ang aking sarili, lipunan na mismo ang nag desisyon para sa akin. Hindi pa man buo sa aking kaisipan kung ano ang tunay kong pagkatao, sinulatan na nila ako sa nuo. Hindi pa man ganap kong nabubusisi ang laman ng puso ko, sila na mismo ang nag-abot ng sagot dito.
Wala nang choice. Napasubo na. Yun at yun din naman iispin nila.
Naging madali para sa akin ang pagtanggap sa sarili, dahil na rin siguro nauna na ang tao... Nag advance party na, wala pa nga!
Nawalan ako ng choice. Tinanggap ko ng buong puso at pink na buto.
Pero , kahit isang pirasong butil ng kung ano ako ay ni minsan hindi ko pinagsisihan. Masaya ang naging buhay ko. Kontento ako. Minsan nga iniisip ko, kung bibigyan ako ng pagkakataong mamili, ito pa rin ang pipiliin ko. Dahil sumaya ako.
Naging mabait ang mundo para sa akin. Kaya ginagawa kong maging mabuting tao din. Para patas. Quits lang.
Photo Source here.
0 ang naumay sa:
Post a Comment