~ tanong

|

Minsan naisip ko, pagkatapos mong magmahal, ibigay ang lahat, at mag invest ng time, ng emotion. Ano pa ang pwede mong gawin para sa isang relasyon... What's next after loving?

Pagkatapos mong kiligin, makipag-date ng sangkatutak, ipaglaban ang nararamdaman, mag celebrate ng anniversary, ipakilala sa pamilya,at tumira sa iisang bahay. Ano pa ang pwedeng abangan?

Hindi gaya ng relasyon ng isang lalaki at babae. Nagsimula sa ligawan, sinagot ni babae si lalaki, nagka-kilanlan, nag date, nag-away, nakipag bati, pagkatapos ipapakilala sa pamilya, mag po-propose si lalaki, magiging engage sila, tapos maghahanda para sa kasal, ikakasal, tapos bubuo ng pamilya, titira sa isang bahay, hoping na magka-anak, tapos palalakihin ang anak ng sabay, tuturuan ng magandang asal... hangga't umabot sa pagkakaroon ng apo, magiging lola at magpa-picture para sa family tree.

Ano ba ang cycle na sinusundan pag bading ka? Ano nga ba?


Photo Source here.

~ taos-puso

|

Gusto kong sumulat sabi ng utak ko, ready na ang kamay ko. Pero sabi ng puso ko mamaya na lang daw, hindi niya kayang ibigay sa utak ang nararamdaman niya.

"Baka tulog pa?"

"Parang hindi e, parang ayaw niya magparamdam today?"

Yan ang usapan ng mga dugo na naglalakbay mula sa utak papunta sa puso, pabalik-balik. Wala lang din silang napapala.

"Ano ba kasi nangyari?"

"Ewan, pero sabi ng mga tao sa facebook... baka naghiwalay na daw sila?"

"Oh, bakit mo naman nasabi?"

"May mga nag send ng messages bakit daw ganun ang mga post niya lately... Emo!"

"Anong emo?"

"Emosyunal! Gaga!"

"OK, getching ko na..."

"Hala, kailangan mag prepare na tayo, baka any monument e, dumaloy tayo palabas ng wrist niya!"

"Ipupusta ko ang kulay ko, hindi niya gagawin yan"

"Oo nga naman, mas mahal pa niya ang sarili niya kesa sa presyo ng karneng baboy sa palengke... Ang mahal!"

Bumalik na naman ang mga dugo sa puso, kumatok humingi ng maibabalita sa utak. Pero walang nakuha, bumalik na luhaan ang dugo. Napagod. Pagapang na nilalakbay ang mga veins.

Kelan kaya babalik sa dati ang puso? Bakit ganyan mag usap ang dugo - parang bading?
Walang naisulat. Napagod ang mata kakatitig sa kawalan. Bukas ulit. Subukan muli. Sana okey na. Sana.


Photo Source here.

~ pichur-pichur

|

Hindi ko alam kung pangalan ba ng nagbebenta ang nakalagay o pangalan ng prutas na binibenta?


PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.