
Nagpuputukan na sa labas, marami nang taong lasing at ang iba humahabol sa pagbili ng tinapay sa malapit na bakery. Marahil part na ng kaugalian ng pinoy ang magdiwang ng "New Year" na maliban sa pag-aabala sa paghanda ay ang paputok at ang inuman sa kanto, idagdag mo pa diyan ang mga batang sumasayaw sa tunog ng:
♪♫Sabay, sabay tayo.. ipadyak ang paa ♪♫
Dahil diyan, nagiging festive ang atmosphere. Nagiging magulo, maingay ngunit masaya. Nagiging perya ang kalsada.
In less than 3 hours from now, 2009 will already be part of the past... a history. I must admit 2009 was a good year for me... for us. Bilang huling post ng blog na ito sa taong 2009, gusto kong balikan ang mga huling sandali at mga huling bagay sa taong ito.
Huling Pelikulang Napanuod
|Mano Po 6
"You're time is up!"
Huling Pastang Kinain
| Tuna Pasta with Pesto Cream Sauce
Sarap!
Huling Music na Dinownload
|Blame It on the Pop
A dance mix ng mga sumikat na POP music this year
Huling TV Series na Napnuod
|Brothers&Sisters
Ilang rolyo na naman ng tissue ang naubos ko.
Huling Blog na Binasa
|Ako Si Aris
Nag back track sa mga lumang post. Na depress. Natuwa. Nag-isip
Huling Taong Kausap sa Phone
|High School Batchmates
nag reunion sila sa Bacolod, at ako ay live via phone patch lang.
Huling Librong Binasa
| Twisted 8 1/2 by Jessica Zafra
Nakaka-aliw... Bitch mode lagi.
Huling Nakasagutan
| Kapatid kong lalaki
Nanghihiram ng pera, pero ang ending pinahiram ko din.
Huling Kiss
| Kanina lang, mga 6:30P
Siyempre galing kay siopao. Kumpleto na New Year ko.
Huling Kumpisal
| Di ko na matandaan.
Pero lagi naman ako nagdadasal.
Huling Sakay ng Eroplano
| October 21, 2009
Umuwi sa Bacolod para sa Masskara Festival
Huling Mall na Pinuntahan
|SM Makati
Namili ng mga pang media noche.
Huling taong mamahalin.
| Si Siopao
Nasabi ko na to sa kanya dati pa, hindi na ako mag mamahal ulit if maghihwalay kami.
Sa lahat na nagbabasa ng blog na ito... Mga 7 kayo. Oo, kayong 7.
Happy New Year... Happy MMX!
Naway maging masagana at mas higit na matagumpay ang padating na taon para sa ating lahat.
Kung ano man ang iniwang alaala ng 2009, sanay magsilbing aral para sa lahat at maging inspirasyon na maging mabuting tao at maging mabuti sa sarili.
Wala na sigurong mas pwedeng dalhin sa pagpalit ng taon, kundi ang aral na dinulot ng nakaraan.