
Marami akong pinagkaka-abalahan sa buhay, maiban sa lovelife, career, paglalaba at pagtitinda ng AVON (joke yung huli) hindi ko minsan naisip na pagod na ako, walang pagkakataon na lumitanya ako ng,
"Pagod na pagod na ang pagkatao ko. Matagal niyo na akong nilumpo!" halaw sa pelikula ni Nora Aunor, huwag na natin banggitin ang movie, dahil baka hanapin niyo pa sa ACA o sa Video City.
Sabi nga nila, masaya ang buhay kung masaya din ang mga kasama mo, and yes, diyan ako swerte, sa mga kaibigan. Iba ang tuwa at tawa na dulot ng experience kasama ng barkada. Ang kwento ko ngayon ay tungkol sa mga kaibigan kong pinaglihi sa "SABLAY" Ang mga kaibigan kong, minsan kahit gaano ka na ka bad trip ay natatawa ka ng di sadya. Eto na sila:
RELIGIOUS FRIEND:
Simba kami ng St. Jude, kasagsagan ng review, hingi ng more more basbas para makapasa. Hindi kami pumapalya kesehodang bumaha sa Mendiola na parang umihi ang higante ng 5 beses, kesehodang mag pump boat kami, marating lang ang simbahan. Dito na eeksena ang isa naming barkada na naniniwala ata sa kasabihang "Ang batang masipag, lalaking katulong" kasi siya lagi ang abala sa apartment na maglinis at mag-astang Mayora. Taga puna ng kalat pero ang ending siya din ang magliligpit. Itago natin siya sa pangalang "Kimberly" wala siyang kaugnayan sa Power Rangers o kay Rita Repulsa (sa mga walang idea, yun ang kalaban ng Power Rangers) (Ako bilang, Kuya Kim)
Eto na, sing na kami ng "Kordero Ng Diyos," si Kimberly, may I sing na parang siya lang ang tao sa simbahan at parang hindi siya naririnig ng iba sa lakas ng boses. Choir ka teh? Sacristan?Lector? Clergy? Deadmatology si Kimberly. More-more sing lang siya.
LYRICS: "Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan..."
VERSION NI KIMBERY IN HER LOUDEST SLASH PROUDEST, PARANG NAKAHARAP SA ELECTRIC FAN VOICE: "Kordero ng Diyos, na NAGWAWALA ka ng mga kasalanan ng sanlibutan..."
SH*T! MALI SI KIMBERLY!!
Pinagtinginan kami ng lahat ng banal sa loob ng simbahan, kulang na lang gumalaw ang mga poon at dagukan si Kimberly.
Sa sobrang kahihiyang dinulot niya, buong buwan niya kaming pinaghugas ng pinggan sa dorm dahil di namin pinapansin.
VIDEOKE QUEEN:
Hindi nakakalampas sa amin ang videoke, kahit lahat kami parang pinaglihi sa latang pinaglalaruan ng pusa ang boses namin, nagkukumahog kami pag videoke night na ang usapan. Dito pumapasok ang aking kaibigan na si Lea not Salonga but Espinosa... O diba, parang boldstar lang ang pangalan o di kaya yung batang naka blur sa TV dahil biktima ng panggagahasa.
LEA: Hanapin mo nga yung kantang "Memory of Love"
ME: Sige, sino kumanta nun?
LEA: Si Jose Mari Chan
ME: Ay sige, bat di ko alam yan...
LEA: Alam mo yan for sure pag narinig mo na.
HANAP. HANAP. HALUKAY. HANAP. MOLESTYA SA SONG BOOK
ME: Punyemas, wala Lea. Kantahin mo nga...
LEA: sige... la..la..la.. the memory of love will be of youuuuuu...
ME: G*g*, PERHAPS LOVE ang title nyan.
(Kaya pala wala sa song book, dulo ng kanta ang ginawang title ni LEA)
MOVIE ADDICT
Si Chris, isang beking pinaglihi sa sama ng loob, dahil sa lagi na lang siyang imbudo sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Laging galit sa kapwa hayop. Nang-aaway ng mga sales lady sa SM at mapagpatol sa barker sa Makati Ave. (Sa ibang araw ko na ikukuwento ang mga pinagdaanan ng mga tao sa hagupit ni Chris pag nagsimula ng sumingkit at tumaas ang kilay niya.) Siya ang movie buddy ko, kahit anong oras mo ayain mag-sine hindi yan aatras. Minsan inaya ko mag-sine ng 3 ng madaling araw, pumayag, di man lang niya naisip na wala ng bukas na sinehan sa mga oras na yun, kahit umabot pa kami sa Mars, at mag pa-ikot-ikot sa Solar System.
USAPAN SA TEXT
CHRIS: Sine tayo, my treat.
ME: Ano ba magandang palabas?
CHRIS: Wait, iniisip ko pa ang title
ME: Ay hindi prepared, ano ba yan?
CHRIS: Ma pressure ka noh! Eto na, tagalog pero mukhang maganda..
ME: Ay sige,ano yan?
CHRIS: Hey Babe, I Love You so.
ME: (nag compose ng sarili) Ginawa mo namang Trilogy ang Pelikula ng Star Cinema,
Hey Babe (Jolina, Marvin)- Babe, I Love You (Sam, Anne Curtis) - And I Love You So (Bea,Sam and Derek)
(Ang gusto niya talaga panuorin ay ang Babe, I Love You, naalog lang ata ang utak ng slight)
Baka sabihin niyo naman, anong klaseng mga kaibigan meron ako. Well, hindi naman sila normally ganyan, nakakatuwa lang minsan at napagkukunan ng mga candid na katatawanan na tatatak sa samahan ng magbabarkada kahit kelan. Na pag gusto niyong balikan, ini-intro mo pa lang ang kuwento tumatawa na ang lahat. Sa susunod, mga kasabawan ko naman ang ikukwento ko, promise mas magulo ako. Tanga pa ako sa salitang tanga. Hahahahaha!
P.S: Walang kinalaman ang litrato sa taas sa ano mang bahagi ng entry na 'to. Gusto ko lang ilagay dahil nagandahan ako sa kuha ng bata. Sabi nga ng title ng entry na to... WALANG BASAGAN NG TRIP. Gumawa kayo ng sariling blog niyo. (Nagtataray?)
Photo Source here.