Pag successful ang lovelife, malas ang career.

|
Mahigit isang taon na akong waalang trabaho. Ay mali, mahigit isang taon na akong walang MATINONG trabaho.

Pagkatapos ng contract ko sa Saudi, umuwi ako ng Pilipinas baon ang plano na sisikapin kong maghanap ng trabaho na gusto ko. Hindi naman sa hindi ko nagustuhan ang mga trabahho ko nuon, pero siguro parte na din na magiging 30 na ko nung mga panahon na yun, kailangan ko ng tarabahong gusto ko. As you grow older, nagsisimula ka ng magplano ng mga bagay tungkol sa gusto mong mangyari sa buhay, Dati naman kasi, ang focus ko lang e kailangan ko ng trabaho kasi gusto ng malaking kita para sa family, sa pag-aaral ni bunso at para sa mga luho, pang-inom at pambili ng lalaki. (Chos lang yung huli)

Darating ka pala sa point ng buhay mo, na mag-iiba ang focus mo sa buhay (hindi na sex. Joke lang). Mag-iiba ang gusto mo sa buhay. Bahay. Kotse, Insurance. Savings. Travel. Family. At ang pinaka-importante, trabahong gusto mo at kung saan ka magiging masaya. In other words, kailangan kong i-secure ang future ko.

 Mas mahirap i-achieve, mas nakaka pressure.

Sumubok ako ng maraming paraan. Apply dito. Apply doon. Para akong nagbalik sa Stage 1. Kung kelan sagabal ang edad, saka nag desisyon na gumawa ng gusto sa buhay.Saya-saya. Nakakabaliw.

Sa tagal, nilamon na ako ng depression. Diyan na pumapasok ang  inis. Inis, dahil ngayon lang ata ako nahirapan maghanap ng trabaho. Siguro dahil, this time, choosy din ako. (Dapat lang naman...) Andun an din yung feeling mo useless ka. Lumipas ang mga special occasion na dati naman, automatic kang nagbibigay ng pera, pero ngayon wala kang mai-abot kahit 3 piso. Yung Christmas, na dati karton-karton na mga regalo ang pinapadala ko galing Saudi, ngayon kahit exchange gift sa family wala kang maibigay.
Isa sa ugali ko ang, ayaw maka-estorbo sa tao. Hindi din ako sanay na humingi. For someone, na since college, nagtatrabaho ka to suppport yourself. Mahirap yun.
Dumating pa sa point na nag-away kami ng nanay ko sa telepono. Pinapauwi niya ako ng Bacolod, kung anu-ano ang dahilang binigay ko sa kanya, pero ang totoo nahihiya ako. Hiya, na pinapalitan mo ng galit sa lahat, pero ang totoo, galit ka sa sarili mo. Nagsisimula kang magtanong kung tama ba ang naging desisyon mo.

Nagisismula kang mawalan ng kumpyansa sa sarili.

Basura ang tingin ko sa sarili ko. Palamunin, sabi ng mga kontrabida sa teleserye.

Sa buong isang taon na 'to, may mga opportunities din naman na dumating. Yung tipong, eto na! Tapos pagdating sa dulo, it's either di natuloy ang project, or bigla na lang umayaw ang employer. O di ba? Sabi ko na lang sa sarili ko, siguro tama nga ang sabi nila...

"Pag successful ang lovelife, malas ang career."

Malapit na akong maniwala.

Speaking of lovelife, siguro nga kung wala si Siopao, baka matagal na akong na diyaryo,

"Bakla, tumalon sa Guadalupe Bridge katapat ng posh na posh na Guadalupe Mall! Naka-pout. Patay!!"

Erase. Chaka. Wag ganun.

Kung ma-iksi ang PASENSIYA (Emphasis on pasensiya, malisyoso kasi ang karamihan sa readers ko) niya, siguro naghiwalay na kami. Lagi ko siyang inaaway. Lagi ako nanghihingi ng kiss. (Isa sa mga ayaw niyang gawin sa buhay, Eh dati naman, hayok siya sa ganyan.. Chos.)

Pero seriously, di ko maisip na magiging okay ako sa phase ng buhay kong 'to kung wala siya. (Pa sweet) Mas na realize ko ang importance na may isang tao kang natatakbuhan, lalo na kung hindi mo kayang iiyak sa pamilya mo ang problema mo kasi ayaw mo na silang idamay sa bullsh*t ng buhay mo. Dahil nasanay ka ng dapat ang problema mo ay problema mo na lang. Kasi malaki ka na.

Pero iba pa din ang may pumapahid sa luha mo, humahagod ng likod mo, at hindi ka mahihiyang mag-mukhang pangit sa harap niya habang numangawa ka sa iyak.

Dun ako bilib kay Siopao. Sa lahat ng pag-aalburuto ko, present siya lagi,

Kung meron man sigurong magandang naidulot ang kabanata na 'to sa buhay ko, eto ay yung after 10 years naming dalawa, ngayon ko lang na realize na sa kagustuhan kong i-secure ang furture ko, matagal na palang secure dahil sa kanya.

Na realize ko din na hindi tumitigil ang pagiging anak mo dahil matanda ka na. Kahit ano pa ang pinagdadaanan mo sa buhay, mula sa inagawan ka lang ng kendi, hanggang sa nawalan ka ng trabaho, ANAK ka. At pwede ka pa ding umiiyak na tatakbo pauwi ng bahay mo at magsumbong sa nanay mo.

Ang latest, naghihintay na lang ako ng VISA paalis ulit ng bansa, kung saan ang tungo secret na muna. At dahil ma-lalayo na naman ako, mapapadalas na naman ang update ng blog na to.

P.S. Eto na din ang rason bakit wala akong blog entry ng mahabang panahon, hindi gaya ng iba, hindi ko kayang mag blog pag malungkot ang buhay ko.. Masyado ng maraming malungkot na napapanuod at nababasa, ayoko ng dumagdag pa.


Minsan Ako'y Naging Orange

|
Nasa isang sulok ng KrispyKreme... infront of me is a donut, an empty ash tray and a half full Mocha Frappe, it's weekend here in Jeddah, hindi dahil sa walang internet sa bahay, kundi kailangan ko namn ng ibang lugar for a change, pero dating gawi... Internet pa din. Twitter, facebook, BBM at Flipboard. Saya noh, ibang-iba sa what used to be my weekend when I was in Pinas.

Bago pa mauwi sa ma emoayunal na blog post to, sisimulan ko na lang i kwento ang nagpapawis sa akin ng hindi sadya nung last week.

A twitter friend of mine asked me over DM na may officemate siya na kapareho ng last name ko, and he's asking if we are in anyway related. At the back of my mind, aware na ko that my brother (youngest) and this twitter friend are officemates. As usual, patay malisya si watashi.

"Oh really? I don't know him, maybe a distant relative or baka talaga magka last name lang kami."

Since mahadera si twitter friend, at the same time pala, he was texting my brother asking the same question.

Few minutes later another DM was received from twitter friend.

"Chusera ka,sabi niya kuya ka daw niya..."

Lagot.

I replied.

"Ahaha, no way out na ko... Hush hush na lang ha, he's not aware of my orientation... Or so I think..."

"No worries"

The next day, nag DM ulit si twitter friend. (O di ba, di naman siya masyadong 'kancern' sa ganap ng buhay ko)

"Anong di alam? Alam kaya ng kapatid mo..."

Dito na ko nagsimulang maging orange, alam mo yung nangyayari sa balat ng orange pag pinipiga, yung may lumalabas na liquid sa pores ng orange, ganyan ang nagyayari sa ulo ko, nagsisimula na akong pawisan.. I tried to probe more...

"Shet ka, sinabi mo no?"

"No, eto sabi niya sakin... 'Why are you asking about my brother, type mo siya no? Pero di na siya pwede, may boyfriend na yun!"

Patay.

After reading the DM, para akong na comatose, hindi ako gumalaw at hindi ako naka-kibo. Kulang na lang sabitan ako ng orchids kasi nagmumukha na akong patay na puno.

After, outing myself to my cousin here in Jeddah, here comes my brother outing me to his friends.

Should I be happy? Or worry some more?

Whatever it is, I love my brother even more now.

Tadhana nga naman...

Effortless. Haha!

~ Anyare?

|
Medyo matagal na din ako di nakapag blog. Dahil a) wala akong maisulat b) wala akong ganang sumulat c)busy ako.
Well, ang totoo, wala akong inspirasyon. Dati rati, habang nagsusulat ako may nakikigulo, nakiki-siksik, nagpupumilit matulog na. Haha.

Ngayon, wala, walang nang eestorbo. Nakaka miss.

O ayan tama na muna yan, baka ma iyak ako, ma basa pa tong papel. Papel? Maka-luma? Haha

Uy, may kwento ako,makinig kayo... Ay mali, basahin niyo.. Hahaha. Sa mga gusto ng Braille version, sorry sa susunod na, gagawan ko ng paraan.

Eto na ang kwento, few days ago (umi-english?) some School na itago na lang natin sa pangalang Don Bosco sa bandang Makati, sent me an email, asking if I am available for part-time, teaching Calculus and Physics daw ang available.

Unang pumasok sa isip ko: "Sure kayo? Ako?"
Though di na bago sakin ang pagtuturo since both my parents are teachers, even yung mga tita ko dean, head ng CHED, kung susumahin (root word:suso --ewww) siguro 70% ng mga kamag-anak ko teacher, idagdag mo pa diyan na since teacher ang mga magulang ko, automatic yun na ang ninang ko sa binyag at sa kumpil ay mga teacher din. Janitor na lang ang kulang, pwede na kaming magtayo ng "Mababang Paaralan ng Kabading" (mababa lang ang paaralan, kasi walang second floor)

I declined the offer, maliban sa andito ako sa lugar na kung saan ironic ang lahat ng bagay (mura ang pabango pero mababaho sila, mura ang shades pero wala namang gumagala sa umaga sa sobrang tindi ng sikat ng araw, maraming magagandang branded clothes store para sa mga babae, pero naka itim naman silang abaya pag lumalabas) a.k.a. Saudi. Another reason bakit di ko tinanggap, maliban sa hindi ako single,hindi ako pumapatol sa mga batang estudyante. (at may pag a-assume ako na magka relasyon talaga sa eSTUPIDent). Hahaha

(Infairness, nakaka pagod mag blog sa ipad, masakit sa finger, wait ending na.)

Sabi nga ni mama, ang pagiging teacher lang ang profession na hindi na didissolve at laging may hiring. I don't mind being a teacher, notto mention ito ang bumuhay sa amin, maliban sa pag titinda ni muder ng tocino, longganisa, at bondpaper. (joke lang yung pagiging vendor, huwag masyadong matuwa), siguro nga hindi pa talaga ito ang calling ko.

Ayoko naman gawin ang isang bagay na hindi buo at preparado ang pagkatao ko, lalo na sa uri ng propesyong ito, kailangan hindi lang ang matinding didikasyon, kundi mahabang t*te... Ay mali pasensiya pala (sorry, tigang lang, kao kaya dito tapos jowa niyo andun) Haha.

Don't worry pag ready na ko, i'll let you know, try niyo mag sit-in sa klase ko.

For now, eto munang mga blue print at mga constru ang pag-tutuunan ng pansin.

Clas dismissed.

PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.