~ ayaw na

|
"Friend, may sasabihin ako... Nahihirapan na ako sa sitwasyon namin. Parang ayoko na"

"Paanong nahihirapan? Nag-away ba kayo?"

"Walang ganun, nagising na lang ako na biglang ayoko na sa relasyon"

"Gagu, ano akala mo sa relasyon mo Party Pilipinas, isang araw na realize mo hindi pala maganda. Sa una lang. So lipat ng channel ka?"

"Eh kasi, alam mo yun"

"Hindi ko alam, the last time I checked hindi ako si Manang Bola at hindi Kim Atienza ang tunay kong pangalan."

"Seryoso ako ano ba... Pagod na ko sa set up e"

"Ah, so pagod ka na sa seryosong sitwasyon, gusto mo aurahan ulit. Tawagan mo nga ang SWS?"

"Bakit?"

"Magpa-survey ka sa lahat ng bakla sa Pilipinas, kung ilan sa kanila ang may gusto sa kung anong meron ka ngayon? Yung iba oh, halos sa Quiapo na nakatira sa pagdadasal na makahanap lang ng matinong taong maging Jowa"

"Alam ko naman yun, pero ano naman magagawa ko kung hindi na ako masaya di ba?"

"Hindi masaya, o may ibang saya lang na gusto?"

"Siguro."

"Ano namn sasabihin mo sa kanya bat ayaw mo na?"

"Na fall out of love na ako. Ganyan."

"Sira, bobo lang ang nagbibigay ng ganyang rason sa break up. Alam mong hindi yan totoo at indi nangyayari yan. Hindi nawawala sa tao ang pagmamahal sa isang tao, minsan nasasanay lang ang puso na minamahal siya. Kaya niya naiisip na wala na siyang nararamdaman, pero ang totoo meron yun."

"Ano nga gagawin ko?"

"Ganito lang yun, pag malaki na ang halaman at nagsimula ng mamulaklak, akala mo ok na siya. Titigil ka ng diligan siya. Mamalayan mo na lang unti-unti na siyang namamatay. Ganyan din ang pag-ibig, habang tumatagal kailangan mong paghusayan. Hindi nawawala ang pag-ibig, nakakasanayan na lang, pero pag nawala yan diyan mo mare-realiza na after all, hindi pala nagbago ang nararamdaman."

"Andami mo namang sinabi, dinamay mo pa ang buong garden. Well tama ka nga naman, ayoko namng umabot na baka magsisi sa huli"

"The fact lang na bothered ka sa nararamdaman mo, LOVE yan"

"O sige, salamat. Alis na ko"

"San ka na naman?"

"Susunduin siya, umuulan e... Alang payong yun"

"Kitams. Fall out of love, mukha mo!"



Ang aral ng kwento: Matalak ako sa kaibigan. Matalinhaga na parang si Cristy Fermin. Kthanksbye!

11 ang naumay sa:

ian said...

Very nice! :)

Favorite lines:
1) "The fact lang na bothered ka sa nararamdaman mo, LOVE yan"
2) "Susunduin siya, umuulan e... Alang payong yun"
at eto pa, panalo hahaha I had to like this:
3) "Gagu, ano akala mo sa relasyon mo Party Pilipinas, isang araw na realize mo hindi pala maganda..."

Hahahaha!

bunwich said...

Hahahaha. Natawa ako sa enumeration. Thanks ian.

iAmGawwy said...

Natuwa ako rito nice :)

Lasher said...

Ang galeng, friend...you should write often, you know...Tweet ka ng tweet kasi. Hehe.

Baka gusto mong mag-record ng love message again to you Siopao. I love listening to those kind of mushy-mush-mush...hehe..and the armpit pic pala ha...aabangan ko. Love you. MwaH! hehe...

cge bye

buendiaboy said...

nagback read ako ng posts mo.nice blog!

josh said...

but seriously, di mo nman maiisip na u are falling out of love if you really aren't..

i guess, deep inside alam mo talaga yan...

does he read ur blog??

Anonymous said...

i so liked it..

Anonymous said...

weird lang na napadpad ako sa blog mo at pareho tayo ng nararamdaman.
Now I know what to do.
Salamat pare.
-Raj

imsonotconio said...

like

jomar_07 said...

can relate...sana lahat ganyan mag-isip pagdating sa pag-ibig...

Anonymous said...

ut聊天室 , 国际华人徵婚交友网 , 美女陪聊视频 , 找寂寞男人聊天 , 寂寞富婆同城交友 , 免费寂寞交友聊天视频 , 一夜晴交友qq群 , 美女一夜情 , 158视频聊天 , 摇舞吧

Post a Comment

PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.