~ Si Yon, ang PWU, at ang weekly kong sakit.

|

"Bored ako, alis tayo!"

"Tanga, nasa opisina tayo oh! May trabaho tayo at alas-2 ng madaling araw!"

"Pumunta ka ng clinic, sabihin mo kailangan mo ng 2 hour rest kasi may vertigo ka!"

"Doktor-doktoran ka? Bakit kasi? Vertigo pa talaga ang naisip mong sakit ko."

"Basta, para sosyal ang sakit. Dali, alis tayo!"

Yan si Yon, ang kasama ko sa mga kakaibang adventure sa buhay Manila ko dati.

Bago ang lahat, paano ba kami nagkakilala?

Officemate ko siya dati sa isang pang-gabing trabaho... Yes, everybody now... Call Center (pronounced as /call cennuh/). Kakilala ko ang katabi niya sa desk, tapos one night, habang nag-uusap kami ng kakilala ko, bigla na lang siya nag ssalita at sumali sa usapan. From then on, lagi na kami magkasama. O di ba, epal siya.

Balik tayo sa kuwento, dahil ka-close ko ang Narsisa (nurse) sa clinic, binigyan ako ng pinaka-asam-asam na pahinga dahil sa may "vertigo" ako. Hahaha!

Diretso kami ng parking lot na hindi ko pa din alam kung saan ang aming punta.

Habang hinahawi ang ga tumpok na damit sa kotse niya para makasakay ako, nagsisimula na siyang mag paliwanag. (Parang prisinto lang ako, pinagpa-paliwanagan).

"Di ba minsan sinabi mo sa akin, kung ano ang feeling ng na mimick-up ng lalaki? Pwes gagawin natin yun ngayon!"

"OMG ka, ayoko! na curious lang naman ako. That was just for the sake of discussion (parang teacher), hindi ko naman sinabing gusto ko ma experience!" akmang pa-balik sa building.

"Halika na.. Huwag na umarte, di naman tayo mamimili... mag wi-window shopping lang tayo!"

"Huwaw?! Sa Glorietta ang window shopping hindi sa kalsada... Kinakabahan ako, ano ba..." pero sa pagkakataong ito, nasa front seat na ako at ready na... naka seatbelt pa. LOL

"Tara na!!!!"

"Tanga ka, pag nahuli tayo ng pullis ha!"

"Edi dating gawi, magpanggap tayong sinasapian!"

"Judiel? Agoo?"

Inikot namin ang buong Espanya, Ermita, at naisipan naming dumaan din ng PWU. Ayon sa tipster (tunog XXX) marami daw mura dun lalo na pag pa-umaga na.

Ang pangalan ng tipster ay Yon. Haha!

Nung nasa gilid na kami ng PWU, binagalan na ni Yon ang sasakyan at nagsimula nang maglapitan ang mga karne.. este ang mga lalaki pala. Bago pa yan, nagkaroon na kami ng quick orientation, kung gaano lang ka liit ang pagbaba ng bintana, at kung ano ang mga tanong sa napipintong pagdaan sa "Judging Area".

Eto na.

May preppy guy na lumapit... at sa bintana ko.

Chusko! pinagpapawisan ako na parang nasa gilid ako ng kalan an nag sasaing ng kanin. Ang puso ko parang gusto nang mag volunteer at mag walkout. Talo si Lydia De Vega sa bilis ng pagtibok.

"Tanungin mo kung magkano!" bulong ni Yon.

For the first time in my life, sa daldal kong 'to, sa pagkaka-taong yun, hindi ako nakapagsalita. Para akong pipi na kahit senyas di ko magawa.

Napansin siguro ni Yon na ang pawis ko ay katumbas na ng baha sa Malabon, kaya siya na ang nagtanong.

"Magkano ikaw?"

O diba, parang nagtanong lang sa isang bigkis ng sitaw. Sumagot ang lalaki, 500 lang daw,sabay himas sa "sitaw" niya.

"Malaki ba yan?" hirit ulit ni Yon.

Dahil sa tanong na yun,nag tipon-tipon na ang pawis ko na parang may prayer meeting sa Quirino Grandstand. Binuksan ni Kuya Preppy ang pantalon at inilabas ang kanyang "Trophy Calma" (alam niyo an yun!)

Tumingin ako ng slight. Yes, slight lang. O di ba, di ko daw kinaya magsalita at pinagpapawisan ako ng bonggang-bongga, pero nagawa kong tumingin ng... slight lang. Tinapat ni kuya ang $#^$ sa bintana ko, para akong Cashier sa City Hall, na naghihintay ng kukuha ng "cedula."

Bigla akong natauhan ng sumigaw si Yon.

"Sara mo na ang pinto!" sabay bilis ng alis ng kotse.

"Gago ka! gago ka!" (unlimited repeat), yan lang ang nasabi ko kay Yon habang pabalik kami ng office. Siya naman 'tong tawa ng tawa at tinutukso akong na babalik kami ulit dun at ako naman daw ang magtatanong.

Dumating ako sa office na hapong-hapo at pawisan. Para akong umakyat ng bundok ng pagapang. Hinang-hina ako sa ginawa namin. Alam ko OA ang reaction ko pero, ganun.

"O ayan ha, natupad ko na ang wish mo!" sabay tawa.

"Gagu, hindi ko naman wish yun.. na curious lang ako kaya natin na pag-usapan minsan!"

"Asus, at least ngayon, di mo na ako makakalimutan."

"Talaga!"

Isa yun sa mga experience na tumatak sa buhay Manila ko, na hanggang ngayon, napapangiti ako pag-naaalala ko.

One weeks after ng incident na yun.

"Bored ako, alis tayo!"

"San tayo pupunta?"

"Malate tayo.. White party!"

"Tara!"

"Isip muna tayo, ano naman sakit mo ngayon? Ay alam ko na, Catarata!"

"Gaga!"






Photo Source here.



8 ang naumay sa:

Alter said...

astig.

Mac Callister said...

ganun pala yun?!

e di beterano ka na sa pamimick-up mula nun?

LOL!

Anonymous said...

naikwento mo na to sa amin ni darc dati pero nung nabasa ko itong entry na to, tawang tawa pa rin ako. bwahahahahaha. aylavet!!! :)

citybuoy said...

omg ang crazee ni yon! haha at baka hinimatay na ako kung ako yung nasa passenger seat! haha

red the mod said...

Hard core ang kaibigan mo. Ano uli number niya? Hahaha.

Yj said...

bwahahahaha nung ginawa namin yan with my blogger friends sa QC circle naman... dahil lima kami, wlang humpay ang tilian.... hahahahaha

lee said...

hahahahahaha in my case, mawawala vertigo ko kapag may friend akong kagaya ni yon

bunwich said...

@alter: thanks for dropping by.

@mac callister: hindi na naulit yon. hehe

@jepoy; na miss ko nga bigla ang mokong.

@citybouy: sobra talaga... grabe ang triip niya na yun... hehe

@red: hahaha.. gusto mo din ng biyaheng PWU?

@yj: buti kayo madami at least parang masaya. hehe

@lee: haha! nilagnat ako sa pawis nung time na yon.

Post a Comment

PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.