~siopao and his sleep

|


hindi ko talaga maintindihan why i can't always have an 8 hours of sleep, minsan naiisip ko baka isa akong "sikyu" nung past life ko.

for me a 4 hour sleep is way better than having a 7-8 hours of sleep in a day, para akong namatayan ng kuko sa tamlay pag over sleep ako.... and what's weird pa, is that i am automatically awake pag 4 hours na akong tulog. saya di ba?

but siopao is different, for him sleeping is a trip to a different dimension. minsan na uudlot ang date dahil gusto pa niyang matulog. kahit walang pasok kinabukasan, matutulog...

na realize ko yun na mahilig siyang matulog nung first time namin sa bahay nila, nuod dvd.. luto..kain... while i was telling a story with all gusto, bigla na alng siya nagsabi...

"Pwede matulog muna tayo.. mamaya na tayo magkwentuhan."

i always say na sometimes you have to maximize din yung time na wala kang pasok rather than sleeping the entire time... but for him, sleeping is a treat in itself.

hindi nakalampas ang tulog na yan sa mga dahilan ng pag-aaway. minsan, naghintay ako sa mall ng 2 hours kasi we agreed to watch a movie after work. i'm trying to call him sa phone but wala... walang malay ang may-ari dahil tulog.

inaway ko siya pag dating ko sa bahay...

"Tulog ka na lang ng tulog... sobra ka na sa tulog!"

"Hindi ako sobra sa tulog... kulang ka kasi nun, kaya feeling mo sobra yung tulog ko"

Tama nga naman siya dun.. hahaha!

now, dahil hindi ko naman maaalis sa kanya ang laging matulog... we agreed na lang na i'll let him sleep for a period of time, at gigisingin ko siya pag kakain, manunuod ng movie, makipag kwentuhan... at mag hugas ng pinggan. lol

sabi nga ng kasabihan...
"Mabuti na ang walang tulog, kesa sa walang gising!"

kaya ako... hirap matulog.

1 ang naumay sa:

Mac Callister said...

im loving your blog haha after the first entry i cant stop reading the next and the next waaa di na ako nakaalis!

adik din ako matulog haha pero matagal bago ako makatulog talaga it would take me an hour or two to completely go to wonderland,pero pag tulog na ko mahina na ang 8hours haha minsan naabot pa ng 10hrs of sleep!

Post a Comment

PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.