sa kababasa ko ng libro, nagkaroon ng isang magandang idea ang siopao para tumahimik ako habang naglalaro siya ng RPG. bibigyan nya daw ako ng isang kahon ng libro para d ako maingay… sabi ko na lang:

“itali mo na lang kaya ako at ipasok sa kabinet… mapapamahal ka pa kung bibili ka”

ngumiti lang at nag-sabi…

“joke lang naman, nakakamiss din kaya ang ingay mo…”

wala na akong nasabi, nagpatuloy sa pagbabasa, pero if you’re wondering kung ano ang mga tipo kong libro, simple lang, JESSICA ZAFRA, mga kabobohan ni BOB ONG… the latest PARA KAY B ni Ricky Lee. more on opinions and personal insights... mas sarcastic mas ok.

bakit pag libro ang kaharap ko d ako inaantok, pero bakit pag starbucks coffee na, inaantok pa din ako… siguro dahil sa presyo.

speaking of starbucks, may starbucks na sa bacolod.. dumagdag sa bose,figaro, mc cafe at kuppa… hindi na ako magtataka kung sa susunod na araw, hindi na bibili ng kama ang mga taga-bacolod dahil, gising naman sila bente-kwatro oras… hahaha!

sana mag tagal nga ang starbucks sa bacolod at huwag gumaya sa gerry’s grill na nagsara after few months… kasi naman, mag presyo ba ng mahal sa mga pagkain e ang mga local resto na mas masarap pa sa gerrys ay mura lang naman ang presyo… bad marketing strategy… BAD GERRY.

pero i have a strong feeling na magtatagal nga ang starbucks sa bacolod… dahil marami nang umuwing nag trabaho na dito sa manila dati na andun na.. kahit sa kape man lang, maibalik ang dating lifestyle.

ang starbucks at ang pag babasa ko ng libro, may commom denominator… pareho silang mahal, at pareho silang nag papagising… ng isip at ng mata.