
** This is a repost from my old blog.
Christmas is finally over… sa wakas nalampasan ko din xa na parang nag skipping rope lang ako.. hop scotch na lang sa buhay. :*
I celebrated Christmas without Siopao… He was with mama and relatives, d naman ako makapag reklamo kasi, i know mag-eenjoy xa to celebrate with his family and besides pinayagan ko na din kasi minsan lang naman si mama(niya) pumunta dito.
Para medyo maaliw… starbucks na lang, at sa malapit lang naman, sa Cubao, Makati to Cubao, wala lang, umeffort at pinagod ang sarili para malimutan sandali na pasko at ang katotohanang mag-isa ako sa araw na iyon. (naiiyak ka na ba? Wag muna) 
December 25, maaga pko nagising kasi nagbasa ng metro si ate, metro ng kuryente… kailangan daw 8a, bat kasi kailangan ng eksaktong oras..ganung dn ba ang Meralco mag reading? d naman diba?
Tapos, naligo, pumunta ng Cavite (dahil pinilit ako ni Tita na mag lunch dun)… kesyo d daw marami tao sa bus kaya ok lumarga…
Sakay ako ng bus papuntang baclaran, pero dumaan muna ang bus sa MOA… at lahat ng tao nag babaan sa MOA… anong meron? may utos ba na pumunta lahat ng tao sa MOA na di ko alam? naalala ko MMFF pala.. kebs sa tao, kebs sa MMFF…
30mins, hintay ng bus papuntang Cavite… sa tagal naisip ko tuloy, kung naglaba ako, cguro nag sasampay nako. Dumating naman sa wakas, this time gums-to-gums ang labanan sa siksikan ng pasahero.. ano magagawa ko andito na ko… i-taya na ang buhay!
2p nko nakarating sa Kawit, pag pasok ko ng compound, hindi pa nga ako naka move-on sa sikip ng bus (na daig pa ang pressed powder sa compact), nag si litawan na ang mga mumunting kamay ng mga pamangkin ko.. namamasko! (nyeta, dito na ba papasok ang “sana hindi nko tumuloy” part?) pero ok lang, nag enjoy ako kasi andami nilang pamasko, umabot na ng 1k bawat isa… buti pa ang mga bata- Mapera, ang matatanda ma-PR lang! (sarap maging bata ulit)
Binigyan ko ng tig-100 ang mga tsikiting..4 lang naman, so ok lang, para ka lang nag tax sa sweldo mo…
Dahil sa gutom, buong time na kumakain kami, naka sara lahat ng senses ko.. (wag niyo kong gambalain… busy ako!)
Guys, eto na yong nakaka iyak na part.. focus na!
Nag decide akong umuwi ng 5p para maabutan ko pa si WI at ang layo pa ng sakayan ng bus, dahil nga sa construction ng oversize na tulay sa harap ng bahay nila tita.. dun pa pwedeng sumakay sa highway mismo…
Hindi ako patient,6p na ako nakasakay, walang bus na dumadaan, kaya i decided mag jeep papuntang SM Bacoor…
D pa nga nakakatagal sa pag-upo, tumigil ang jeep, at sa unahan ay may mahabang pila ng sasakyan.. trapik! oo, trapik, at hindi lang basta-bastang trapik… PILA siya actually… garahe… terminal… (may poot at galit)
8p nko dumating sa bacoor.. ano? from kawit to bacoor, 2 hours? (normally 25 mins lang).. OA ang cavite ha, daig pa ang Metro Manila… umeeksena ang traffic.
Halos maluha na ko sa jeep, kasi naman, kaya nga ako umuwi para maabutan si Siopao sa bahay bago pumasok ng office.. at least magkita man lang kmi saglit at nang hindi naman ako ma zero sa December 25…
Ayaw pumayag ng panahon, kailangan daw bagalan ang takbo ng buhay ko kasi excited daw ako lagi… para hindi maluha, nag pray na lang ako.
“Sana umabot ako.. sana.. LORD”(parang nag ppray maka abot sa deadline ng project nung H.S.)”
At mabait talaga si LORD, d nga niya nagawan ng paraan bumilis ang daloy ng trapiko, late niya naman ginisng si Siopao, kaya na late na, nag half day na lang tuloy… galing dba? Thank You LORD 
Dumating ako ng bahay, 9:20:06 (time check brought to you by Kremil-S)
Nag dinner kami sabay.. sabi ni Siopao, noche buena daw namin ‘to… naiyak uli ako… sweet! :O
Di pala kailangan 12 midnight ang noche buena para maging masaya! Love u Siopao!