~Dahil Minsan Nangangamoy Galit Din Ako.

|
Sa pagbalik ko sa Pinas, higit pa sa kayang i-digest ng utak ko ang aking mga nalaman. Tungkol sa kaibigan, kakilala at mga hinahangaan.

Sa kabila ng lahat, may natutunan ko, hindi ko sasayangin ang oras ko sa mga bagay na hindi nakakapag-pasaya sa akin. Hindi ko obligasyon ang taong mas piniling maging malungkot dahil sa nakikita nilang mas masaya ang iba.

Walang sigurado sa buhay, maaaring bukas makikita niyo pa ako, pwede din namang huling blog post ko na to. Walang pwedeng magsabi kung kelan matatapos ang buhay... kung kelan titigil ang paghinga. Pero isa lang ang alam ko, na hawak mo ang desisyon para i-enjoy ang buhay.

Masaya ako. Kuntento ako. Sinusubukan kong makagawa ng mas maraming tama kesa sa mali. Sinisikap kong maging isang mabuting kapatid, anak at kaibigan.

Pero sa kabila ng lahat, may mga tao pa ding pinipiling mas pansinin ang mali, kakulangan at ang pagkakataong maka sakit ng damdamin ng iba.

At marami dito ay magaling magsalita, kadalasan magaling magsulat ng blog.

Nakaka-awa.




Shit.




PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.