Sobrang tagal ko ng hindi naka pag blog, paano ba naman, wala naman akong masulat. Ni hindi nga ako lumalabas ng kwarto ko (tinatawagan na nga ako ng Vatican, ako na daw ang bago nilang Mongha) Well, aside from nawiwili ako sa twitter (by the way, wala na po akong fingerprints kaka twit, pwede na akong mang holdap ng 7 Eleven. Yehey!) busy din ako sa trabaho (lakas maka straight ang work).
Ano ba isusulat ko? Wait... Isip-isip (umilaw ang bumbilya sa kusina) Speaking of sulat, may nagkamaling sumulat sa akin, na lito nga ako, hindi naman ako si Ate Charo, pero since parang serious ang kanyang sulat, kaya naisipan ko na din na dito ko sasagutin, I'm sure okay lang naman yun sa kanya, magastos pa pag pina Air Mail ko, baka hindi makarating (sayang sa stamp)
Bago ang lahat eto ang kanyang sulat: (Ang mga nasa loob ng parenthesis ay ang aking reaksyon habang binabasa. Real time)
Dear Bunwich,
Good day!
I've been reading your blog for 3 years now (echusera, 2 years pa lang 'tong blog na 'to) and I think you will be able to give me an advise regarding my lovelife (ikina-expert ko kasi ang lovelife) I've been in a lationship with this guy for 2 years now, but may GF siya sa province nila at ikakasal na sila next year. (ay KABITenya!) Fron the very start, inamin niya na din sa akin na ganun. Bilang bading, feeling ko ang ganda-ganda ko kasi ang jowa ko ay isang straight. (Oo nga, ang haba ng hair mo, wait, sa C5 mo padaanin ha, traffic sa EDSA) but now it started to sink in, na what I'm doing is wrong, pero di ko kayang mawala siya sa buhay ko (Chusko, pumasa ka nga sa kinder, elementary, high school at college na wala siya, ngayon di mo na kayang mabuhay ng wala siya.. Ano ba yang jowa mo, HININGA?)
Sana matulungan mo ako kung paano ang gagawin ko.
Nagmamahal,
Rey
Sagot:
Rey,
Salamat sa estorbong binigay mo sa akin, gumana ang brain cells ko sa sulat mo.. Napa-isip din ako kung ano ba ang pwede o karapatdapat na advise na ibibigay sa'yo. Ang masasabi ko lang, sobrang iksi ng buhay para pigilan ang sariling sumaya. Aware ka na ikakasal siya, ibig sabihin darating ang point na kailangan mong bitawan na ang relasyon, or else kakarmahin ka. Hala!
Ang pwede mo lang gawin, i-enjoy ang kung anong meron ka ngayon, but be ready to end the relatiionship once ikakasal na siya (for decency sake). Yes, it maybe painful but if its worth it... so be it. Ang mahalaga ay ang ngayon, hindi ang dati o ang bukas. Let the future worry for itself.
Ako ito,
Bunwich
(taob si Margie holmes sa advise ko. LOL)
------
Best Milf Hook Up Websites ES
3 years ago
5 ang naumay sa:
Natawa naman ako sa 3-year reader mo na ito. Malay naman natin, eh baka stalker pala. Hindi ka pa nagba-blog eh may insider-scoop na siya.
It's been a while. Too long. Your readers have missed you. Pero, in fairview, masipag ka nga sa Twitter. :)
love this wiwi.. hehe..
naging comedy tuloy ang dramatic letter!haha natawa ako!
o di ba atleast isa ka sa mga tinitingala nya pagdating sa pagdadala ng relasyon!
hmmmmmm paran gkilala ko si rey. parang may similar kwento akong narinig na ganito. KAKATAWA!!! namiss ko ang mga entries mo :)
Ibig bang sabihin nito ay magbubukas na ang blog mo sa mga, err, problemadong puso? LOL.
Post a Comment