
naranasan mo na bang tumahimik sa isang sulok lang buong araw?
d mo alam kung bakit... d mo rin maintindihan... basta, ayaw mo lang magsalita.. ayaw mong makigulo sa iba.
kaya mong hindi mag saya buong araw... ang tanging alam mo lang gawin ay tumahimik... d rin malinaw sayo kung anong dahilan bakit tahimik ka... ang alam mo lang, ok ang ginagawa mo... nakakagaan ng loob.
ikaw. pinipilit mong intindihin ang mga nangyayari sayo. pilit mong tnatama ang mali pero wala kang magawa... ganun pa rin... paulit-ulit lang...
iniisip mo kung kelan pwedeng matapos ang bigat na nararamdaman mo... ang sagot sa tanong mo ay d mo rin alam...
wala kang alam sa buhay mo.
maliban sa pangalan mo, pangalan ng kapatid mo, nanay mo, at tatay mo... wala nang iba, kasi sarili mo d mo rin gets.
kahit sinasabi mo na alam mo ang ugali mo.. alam mo ang kaya mong gawin.. alam mo ang mga ayaw mo...
d pa rin sapat para masagutan ang tanong sa loob mo... tanong na ikaw mismo d mo alam kung ano...
ang alam mo lang... amy kakaiba sayo... may bumabagabag sa pagkatao mo... kahit ano man ito... d mo alam kung ano.
wala kang alam. ang iba wala ding pakialam. walang may alam. kahit ikaw.
0 ang naumay sa:
Post a Comment