~ lamyerda

|
I'm seeing siopao in a bit (as if naman di kami sa isang bahay nakatira). Susunduin sa office nila, para masabi namang "ulirang asawa" ako.


"There are no quality time... only quality moment"

~ hindi ako mabait... get it?

|

Marami akong nagiging kaaway lately...ay hindi pala, maraming nang-aaway sa akin lately. magmula sa facebook, sa chat at kahit nanay ko hindi nakaligtas sa nagtutumaas na kilay ko na parang kay "Bella Flores"

I really don't get it why people like me that is so "virginal" (sorry for the word -- ang mag react ma mamatay) is being summoned with lots of threats, and negative accusations. I AM NOT A CELEBRITY... and I don't have any further plans, whatsoever.

Bakit ba concern kayo sa buhay ko, sa picture ko, sa itsura ko at sa pagkatao ko.. to tell you honestly, I don't care about you so STOP.

There's this friend of mine who sent me a message sa facebook that my "status message" are nosy and these should be put in twitter and not on facebook..

sabi ko sa kanya

"...at kelan pa may ganung policy? kung ayaw mo mabasa ang mga status message ko at feeling mo ikamamatay mo pag nabasa 'to... i-delete mo ko sa friends list mo, nagbabawas din ako ng kaibigan... you'll be of great help!"

Yung isa naman, bakit daw marami akong pictures na nilalagay. Sabi ko:

"WALA KANG PAKI-ALAM... " natapos ang friendship ng ganun-ganun na lang.

Advice ko lang sa lahat... "Palibhasa hindi kayo busy, may panahon kayong paki-alaman ang buhay ng ibang tao... Eto, RUBI blade mag laslas kayo!"

I'm not the person who meddle with others affair especially if I'm not directly involved to it. I take every individual as someone who's trying to express their self.. and there's no problem with that for as long as I am not in any way affected. Pero bakit may mga tao talagang sadyang pinaglihi sa newspaper.. kailangan alam lahat ng balita at mahilig sa komentaryo.

Hindi na din bago sa amin ni siopao ang mga pangyayari, marami nang nag attempt, nag balak, at nag planong sirain kami... even close friends do that, I'm telling you. But we always have this belief in mind that PLU's, if not all, DO NOT HAVE THE RESPECT for someone's relationship... given the fact that they too is crying to get hold of ONE TRUE SERIOUS RELATIONSHIP.. How ironic... How alanis.

Tse.

~ yeah i know!

|


yan ang pwedeng sabihin dahil sa nagtatanong bakit hindi pa updated ang blog ko...
"yeah, i know... busy kasi ako, palibhasa mga unemployed kayo"

tawa lang ang ginanti nila sa medyo inis pero charming pa ding mukha ko. after that night, na realize ko dapat bumalik ako sa pag-blog... marami din pala nagbabasa (for heaven sake, leave a comment).

Blogging is my outlet, stress reliever, stresstabs. It's my own little way to emply my thoughts para hindi ako mabaliw.

One of the reason kung bakit nawala ako sa online community these past few months, dahil nagka-lindol ang relationship (shaky - sa mga hindi gets!). It was hard for me at first, I actually decided to end it.
The 6year relationship became a stable and comfort zone for siopao, he realized that he's already at some point where he stopped trying to make an effort as far as our realtionship is concern. According to my psychologist friend ( ikina-sosyal ko kasi ang may friend na ganun) normal daw yun.. some experience it on their 7th year.. E, hello.. 6 years and 7 months na kami sa August 12, malamang advance party ito ng 7 year ITCH (It's Time to CHange)

Hindi ko siya tinantanan ng USAP.. usapang tutok 24 oras... hindi siya kumikibo, siguro na re-realize niya na simula na ito at mauuwi na sa hiwalayan.

Ayoko na mag detalye ng mga naganap pang, suntukan rambolan, saksakan at tapunan ng damit ( joke lang.. imagination ko lang yun, para maging cinematic ang break-up)

Nung nag hiwalaly na, nagpalit ng status sa facebook, nag YM blast sa friends, nag text brigade at kulang na lang i-announce sa TV at Radio (Di na ko umabot sa ganun, baka biglang ipatigil ang MMk dahil mas mataas ang ratings ng buhay pag-ibig ko).. at yun nga, after ng announcement na parang meeting de avance.. NONE of my friends naniwala, instead taning ang binigay sa patay ko nang relasyon.. 2 days daw magkakabalikan kami.

Hindi ko naman sila binigo, mga minamahal kong fans... nagkabalikan nga kami the next day. Ano ba, nag pa-stress lang ako ng konti, medyo perfect kasi ang relasyon kaya kailangan minsan naman i-practice ang hysterical slash theatrical na mga eksena.

Ngayon may problema na naman ako, 79th monthsary na namin sa 12 at wala akong maisip na regalo. Kasing laki ng problema ni GLORIA ang problema ko... REGALO.

Natutuwa naman ako at okey na kami, actually expected ko na din yun. Sana tapos na kami sa 7 year ITCH... sana hindi gaya ng blog ko, ma-tenga din ang relasyon ko. Sana.

PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.