
Antagal kong nawala noh? Ganyan talaga pag medyo busy... Simula na ng Christmas Party, reunion, alumni homecoming at kung anu-ano pang maisipang gathering, maubos lang ang 13th month pay. lol
Speaking of pera, di ba ang bilis lang mawala... ang bilis maglaho na parang bubbles. Hindi mo namamalayan wala na. Hindi pa nga nakapag generate ng germs sa palad mo, wala na ulit.
"With big amount of money, comes big amount of bayarin!" - bagong kasabihan yan, ginawa ko lang, pero admit it, totoo dba?
Minsan nga naisip ko, may mga tao naman na pareho lang naman ang sweldo sa akin, yung iba nga mas mababa pa, pero kaya nilang mag-ipon, mag pundar o hindi mag-kulang.
Naisip ko, nasa lifestyle ng tao, nasa kasama sa trabaho.
Money is evil and yes it can make or break a person.
Nung inako ko ang obligasyon na pag-aralin ang kapatid ko sa college. Alam kong mahirap. Pero alam ko din tama ang naging desisyon ko.
Alam kong sa pamamagitan nito, magkakaroon ng kabuluhan ang sahod ko. Wala man akong ipon, alam kong parte ako ng pagtayo ng pader ng eskwelahan.
Sometimes we also do sacrifice our wants and our dreams, for the sake of money. It's not bad, it's not right either.
I needed money right after I graduated college, I know for a fact that my parents needed help for the family to be financially stable. I refused to take the ECE board exam since it would require a lot of money. Instead, I decided to get a job so I can help. Sad thing is, I am now stuck in this industry because of, yes again, money. The salary is way to big to ignore.
Money. It can make you happy. It can get you nowhere. It can kill.