~ yeah i know!

|


yan ang pwedeng sabihin dahil sa nagtatanong bakit hindi pa updated ang blog ko...
"yeah, i know... busy kasi ako, palibhasa mga unemployed kayo"

tawa lang ang ginanti nila sa medyo inis pero charming pa ding mukha ko. after that night, na realize ko dapat bumalik ako sa pag-blog... marami din pala nagbabasa (for heaven sake, leave a comment).

Blogging is my outlet, stress reliever, stresstabs. It's my own little way to emply my thoughts para hindi ako mabaliw.

One of the reason kung bakit nawala ako sa online community these past few months, dahil nagka-lindol ang relationship (shaky - sa mga hindi gets!). It was hard for me at first, I actually decided to end it.
The 6year relationship became a stable and comfort zone for siopao, he realized that he's already at some point where he stopped trying to make an effort as far as our realtionship is concern. According to my psychologist friend ( ikina-sosyal ko kasi ang may friend na ganun) normal daw yun.. some experience it on their 7th year.. E, hello.. 6 years and 7 months na kami sa August 12, malamang advance party ito ng 7 year ITCH (It's Time to CHange)

Hindi ko siya tinantanan ng USAP.. usapang tutok 24 oras... hindi siya kumikibo, siguro na re-realize niya na simula na ito at mauuwi na sa hiwalayan.

Ayoko na mag detalye ng mga naganap pang, suntukan rambolan, saksakan at tapunan ng damit ( joke lang.. imagination ko lang yun, para maging cinematic ang break-up)

Nung nag hiwalaly na, nagpalit ng status sa facebook, nag YM blast sa friends, nag text brigade at kulang na lang i-announce sa TV at Radio (Di na ko umabot sa ganun, baka biglang ipatigil ang MMk dahil mas mataas ang ratings ng buhay pag-ibig ko).. at yun nga, after ng announcement na parang meeting de avance.. NONE of my friends naniwala, instead taning ang binigay sa patay ko nang relasyon.. 2 days daw magkakabalikan kami.

Hindi ko naman sila binigo, mga minamahal kong fans... nagkabalikan nga kami the next day. Ano ba, nag pa-stress lang ako ng konti, medyo perfect kasi ang relasyon kaya kailangan minsan naman i-practice ang hysterical slash theatrical na mga eksena.

Ngayon may problema na naman ako, 79th monthsary na namin sa 12 at wala akong maisip na regalo. Kasing laki ng problema ni GLORIA ang problema ko... REGALO.

Natutuwa naman ako at okey na kami, actually expected ko na din yun. Sana tapos na kami sa 7 year ITCH... sana hindi gaya ng blog ko, ma-tenga din ang relasyon ko. Sana.

~ TL EKSENA

|

SCENE 1:
(Cast enter stage. Left)

"Punta ka dito?"
"Asan ka ba?"
"Baguio, dali punta ka na dito"
"Wow, parang cubao lang ah, anlapit noh?"
"Cge na.. wala akong kasama dito, iniwan ko yung ka date ko"

The typical conversation naming dalawa... well, hindi naman normally ganun pero mas na-aapreciate namin ang isa't isa pag haggard moments na.

I've known Marco when we used to be team mates sa dating office, di pa xa masyadong out nun... pero ako, unang kita ko pa lang sa kanya alam ko na...Hahaha! na magiging "Mabuti siyang kaibigan!" (Bumawi)

We love arguments, opinions.. kulang na lang magbatuhan kami ng mga gamit, ganyan talaga pag may mga pinaniniwalaan, ayaw paawat.. ayaw patalo. Kaya kami siguro nagkakasundo.

From eating breakfast after shift, to going out with him para makipagkita sa mga ka-date niya, present ako. Kung may ribbon lang ako, "Perfect Attendance" malamang.

SCENE 2:
Babala: Ihanda ang panyo... baka sipunin kayo. LOL

We can talk about anything and everything under the sun... That's why, I always go to him for opinion or some advise, pero kadalasan sermon ang nakukuha ko... nag feeling marunong lang, worst is naniniwala naman ako, sumusunod naman ako. Hahaha! Normally magisismula ang sermon sa linyang

"Hay naku..."

at after kong magpaliwanag, mag defend ng sarili kunwari, matatapos ang sermon ng

"Hindi din..."
Dahil hindi niya gusto ang point ko... o di siya sang-ayon sa sinabi ko.

SCENE 3:
Dumating din kami sa point na, nawala kami sa isa't-isa, hindi dahil sa ginusto namin pareho, kundi pareho naming iniwasan ang isa't isa na masaktan. (Sa mga nag iisip ng something romantic, gumising... hindi ganun yun!) Siguro kagustuhan na rin ng Diyos na mangyari yun, na realize ko na mali ako, na may mga bagay sa buhay na kailanman ay hindi mo dapat gawin, lalo na sa kaibigan. In his absence, I realized that there are things in life worth keeping. (Nosebleed)

I may not be the only person in his life he considered as a FRIEND, but being one of them is a blessing. Parang BINGO lang, ako ang huling BOLA...

(Papatak ang luha, left cheek)
(Magpapalakpakan ang audience)


SCENE 4:
Nag-iba man siya ng kumpanya, lumipat man ako sa iba, hindi kami nawala para sa isa't-isa, naka roaming kami. Nasa Alabang siya, sa Makati ako... anlayo di ba?

Sa kung anong haba ng biyahe niya papuntang opisina, ganun ako ka bilib sa determinasyon ng taong to, ayaw patalo, gusto lagi may ginagawang kakaiba.. para ma-iba, at mapansing iba. Siguro dala ng pagiging Gemini namin pareho, ang mag-pabago-bago ng isip. Sa kanya ko natunan na, "you can be different from others by doing different things and yet be loved by many." Napatunayan yan ng mga nag-aaway sa friendster niya, sa blog niya at sa mga taong naugnay sa kanya.

Speaking of naugnay sa kanya, marami... at alam kong dadami pa. Higit sa kung ano pa man, sa lovelife siyang sobrang maingat, kailangan hindi mabago ang dati niyang paniniwala (may sa kulto ata to!). Hindi ko na iisa-isahin ang mga kaganapan sa lovelife niya, kasi kahit ako, hindi ko kayang i-describe... basta ang lovelife niya, parang buhok na nagka buhol-buhol sa brush.

LOYAL = MARCO

'yan ang magiging plakard niya in case tatakbo siya bilang Mayor. (yan na muna, saka na ang maging Presidente.. baka di paniwalaan!) Nuknukan ng loyal, pero nagugulo dahil kung kelan hindi single, maraming nag-aapura.

"Haggard!"

SCENE 5
Hindi matatapos sa eksenang ito ang buhay niya, lalo itong magiging makulay sa pagdating ng panahon. Eto ang ilan sa mga eksenang mahirap kalimutan at highlight ng kung ano ako at ang Marco.

For someone na swerte sa pamilya, sa kaibigan at sa trabaho (wag na choosy, majority na sa'yo), gusto ko lang sabihin na marami pang eksenang dadaan sa buhay mo, pero having all those people behind you, all you can do is be thankful and appreciate each one of them.

Happy Birthday Leyson!
Marami pang susunod na mangyayari... marami pang pwedeng i-blog... pero kahit gaano kadami aabutin ang entries, hindi nito masusukat ang dami ng natutunan natin, na experience at na pag tawanan natin. Sana lang ika-yayaman natin ang kwento natin. Hahaha!

~ Rampa

|

Last saturday was siopao's first taste of a weekend off... parang "unang tikim ng luto ng Diyos", and i know for sure aware kayo sa feeling of that effect. So kahit Jolina Magdangal (umuulan) that night, we decided to hit Malate, as previously agreed by Marco, Benz at ang - di ko maintindihang "lovelife" status- Yon. JM was supposed to be joining us as well, kaya lang Birthday niya...so malamang may birthday cake "with hot guy inside" yun, sobra pa sa Malate yun pagnagkataon... biglang SOGO ang feeling ni JM. suportahan na alng, first time!

Back to the "Lagim Night", nag agree kami ni Benz to meet para sabay pumunta ng Malate. Fortunately, he was jsut around Rockwell, sa Mansion ni Candice... Unfortunately, caregiver ang role niya this time.. Candice is sick due to "unwanted insertion"-- bawal i-discuss sa blog, d pa naman confirmed. saka na.

So bago kami pumunta ng malate, may-i-deliver muna kami ng gamot na binili ni benz from walking distancce "Guadalupe". Marco offered to "make sundo" (conio) us sa KFC sa Buendia, i-kina-sosyal namin ang meeting place. but nevermind..free ride na, wag na choosy!

At bumuhos ang "JOLINA" (see above for meaning), deadma kami, ang importante mapag bigyan ang kati... ng PAA para sumayaw. Malisyosa ka!

Pagpasok ng BED, confirmed bakit umuulan... kasi lahat ng BECKY (Bading) nag tipon-tipon, may general assembly or popularly known as "Foundation Day", kasi karamihan naka foundation ng Ever Bilena, na mas makapal pa sa arinang ginamit sa cake ni Juday at Ryan. Hahahaha!

More ang dance. More an nomo (inom). More and Spyglass (sight seeing)
4 na oras ng walang tigil na sayawan at kulitan.

Na stress ako kay Marco, 1 Redhorse pa lang, nagsasasayaw na mag-isa sa gitna... OMG, here comes the sapi.

Xempre, hindi patalo si siopao, nagmamadaling malasing para makapag "A moment like this", uminom ng marami, naka 2 pitcher ng Blue Frog kami. Saya! kala kasi namin Bottomless. Hahahaha!

As usual, di mawawala ang:

" Chay, yung guy sa likod naka sex ko na yan"
" Eto?" Sabay turo sa guy at sabay iwas naman si Benz.

Todo tawa na lang after. Kebs na dahil Linger (lasing) na kami.

Pinagpatuloy ang kwentuhan sa silya... kahit Jolina (see footnote - char!) kumain pa din kami sa ilalim ng umbrella (Enter Rihanna).

Hindi pa dun natapos ang exciting moment, kung sa tele-novela pa, hindi pa yun ang highlight... Nung pauwi na kami, TUMIRIK ang sasakyan ni Marco. Only solution --- TULAK... can you imagine kami nagtutulak ng car sa gitna ng Nakpil. If ever mangyari yun, d na ako magpapakita sa Malate... mag-iibang location ako. Palawan 2 naman. Hahaha!

Buti naman, at may mga "Pusali" sa daan na inutusan mag tulak for the price of 200php. Dollars sana bibigay namin, kaso baka di nila alam ang exchange rate. Kawawa naman.

After several attempts, at ilang bagsak ng ulan mula sa puno na pilit kinukuyog ni Benz, umandar ang kotse... Sumakay ang mga Becky na parang walang nangyari.

Nanlait kasi ng mga tao na dumadaan habang nasa loob kami ng kotse... ayan tuloy, Karma is Bluetooth.

Nag si-uwian na kami after namin pumunta ng PS for Marco's Birthday invitation delivery intended for Onica.

Si siopao nag enjoy naman, at nakita si marco at nakasama si benz gumimik ulit... sa lahat ng nangyari nung time na yun, ngiti lang ang sukli sa lahat, walang na bad trip, walang nag maganda, walang nagpaka "Aling Dionesia"(kayo na mag define).

Pero wish ko lang sana hindi kami tumirik na parang sasakyan ni Marco, sana tuloy-tuloy lang kaming dalawa. Bok!

Ibang tirik siguro, pwede pa! Hahahaha!

PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.