~ Rampa

|

Last saturday was siopao's first taste of a weekend off... parang "unang tikim ng luto ng Diyos", and i know for sure aware kayo sa feeling of that effect. So kahit Jolina Magdangal (umuulan) that night, we decided to hit Malate, as previously agreed by Marco, Benz at ang - di ko maintindihang "lovelife" status- Yon. JM was supposed to be joining us as well, kaya lang Birthday niya...so malamang may birthday cake "with hot guy inside" yun, sobra pa sa Malate yun pagnagkataon... biglang SOGO ang feeling ni JM. suportahan na alng, first time!

Back to the "Lagim Night", nag agree kami ni Benz to meet para sabay pumunta ng Malate. Fortunately, he was jsut around Rockwell, sa Mansion ni Candice... Unfortunately, caregiver ang role niya this time.. Candice is sick due to "unwanted insertion"-- bawal i-discuss sa blog, d pa naman confirmed. saka na.

So bago kami pumunta ng malate, may-i-deliver muna kami ng gamot na binili ni benz from walking distancce "Guadalupe". Marco offered to "make sundo" (conio) us sa KFC sa Buendia, i-kina-sosyal namin ang meeting place. but nevermind..free ride na, wag na choosy!

At bumuhos ang "JOLINA" (see above for meaning), deadma kami, ang importante mapag bigyan ang kati... ng PAA para sumayaw. Malisyosa ka!

Pagpasok ng BED, confirmed bakit umuulan... kasi lahat ng BECKY (Bading) nag tipon-tipon, may general assembly or popularly known as "Foundation Day", kasi karamihan naka foundation ng Ever Bilena, na mas makapal pa sa arinang ginamit sa cake ni Juday at Ryan. Hahahaha!

More ang dance. More an nomo (inom). More and Spyglass (sight seeing)
4 na oras ng walang tigil na sayawan at kulitan.

Na stress ako kay Marco, 1 Redhorse pa lang, nagsasasayaw na mag-isa sa gitna... OMG, here comes the sapi.

Xempre, hindi patalo si siopao, nagmamadaling malasing para makapag "A moment like this", uminom ng marami, naka 2 pitcher ng Blue Frog kami. Saya! kala kasi namin Bottomless. Hahahaha!

As usual, di mawawala ang:

" Chay, yung guy sa likod naka sex ko na yan"
" Eto?" Sabay turo sa guy at sabay iwas naman si Benz.

Todo tawa na lang after. Kebs na dahil Linger (lasing) na kami.

Pinagpatuloy ang kwentuhan sa silya... kahit Jolina (see footnote - char!) kumain pa din kami sa ilalim ng umbrella (Enter Rihanna).

Hindi pa dun natapos ang exciting moment, kung sa tele-novela pa, hindi pa yun ang highlight... Nung pauwi na kami, TUMIRIK ang sasakyan ni Marco. Only solution --- TULAK... can you imagine kami nagtutulak ng car sa gitna ng Nakpil. If ever mangyari yun, d na ako magpapakita sa Malate... mag-iibang location ako. Palawan 2 naman. Hahaha!

Buti naman, at may mga "Pusali" sa daan na inutusan mag tulak for the price of 200php. Dollars sana bibigay namin, kaso baka di nila alam ang exchange rate. Kawawa naman.

After several attempts, at ilang bagsak ng ulan mula sa puno na pilit kinukuyog ni Benz, umandar ang kotse... Sumakay ang mga Becky na parang walang nangyari.

Nanlait kasi ng mga tao na dumadaan habang nasa loob kami ng kotse... ayan tuloy, Karma is Bluetooth.

Nag si-uwian na kami after namin pumunta ng PS for Marco's Birthday invitation delivery intended for Onica.

Si siopao nag enjoy naman, at nakita si marco at nakasama si benz gumimik ulit... sa lahat ng nangyari nung time na yun, ngiti lang ang sukli sa lahat, walang na bad trip, walang nag maganda, walang nagpaka "Aling Dionesia"(kayo na mag define).

Pero wish ko lang sana hindi kami tumirik na parang sasakyan ni Marco, sana tuloy-tuloy lang kaming dalawa. Bok!

Ibang tirik siguro, pwede pa! Hahahaha!

~ Happy Birthday to us.

|

It's our Birthday... May 22 siya, ako May 23... hindi naman kami masyadong compatible.. slight lang. Since lahat ng plano namin nasira at nabago lang due to unavoidable cisrcumstances, we decided to hit Tagaytay since we've never been there na magkasama, parehong with friends kung pumunta dun.

Naisipan lang namin pumunta nung umaga... bihis at sumakay ng bus papuntang Tagaytay. Sa kalagitnaan ng trip, nagsimulang umulan.. parang blessing daw sabi niya, nung lumakas naisip na namin na hindi xa blessing aksi wla kaming payong. Ella..ella...ella... under my umbrella.

Habang nasa picnic grove kami, sabi ko:
"Wi, mag zip line tayo.. tara!"
"Ayoko..."
"Bakit?"
"Nakakatakot kaya... Di ba ayoko ng matataas"
"Ganun din yun, isipin mo na lang, sa lupa pa din tayo babagsak"
"Yun na gna e, sa lupa tayo babagsak... kung mamalasin, malilibing tayo sa lupa ng wala sa oras"

Tumahimik na lang ako, baka malula pa ko sa galit at takot na siopao. Pagkatapos umulan, dmeretso kami ng Starbucks para mag Dark Chocolate Frap. Fave!

Pero bago mag kape, kumain muna kami sa Teriyaki Boy, as usual Makii at mango shake... d talaga kami mahilig sa variety. Buti na lang. Lol

Napagod kami at nag decide umuwi ng bandang 7:30 ng gabi. Natulog at nag laro ng sudoku habang ma traffic sa Cavite. As if may bago sa lugar na yun.

Happy Birthday ulit. mag Zip line tayo sa susunod ha... this time sa ♥ ka na babagsak. Cheesy!

~ako, ang starbucks at si kapitan sino

|

Gumimik ako ng friday night, nagising ng 10am ng sabado, at dahil wala namang Hang-over, naisipan ko na pumunta ng Galleria pra bumili ng bagong libro ni Bob Ong--Kapitan Sino.

Dahil nainip na ako sa kahihintay sa bus,na daig pa ang langgam sa bagal, bumaba ako ng Mega Mall. Inisip ko na lang, antagal ko na din hindi naka punta, kaya why not pay a visit to MEGA this time.

Hinanap ko agad ang Powerbooks, sabay hanap ng libro... Habang busy ako kakahanap ng libro, ang mga Becky busy din sa pagpapacute. Deadma, mas importante si Bob Ong.

Right after nabili ang libro, na sumisigaw ng "SILVER ako!" na cover ng libro, hinanap ko agad ang Starbucks. Ayoko yung nasa loob ng Mall. Hindi ako sumuko, lahat ng security guard pinagtanungan ko na, sa wakas narating ko ang Starbucks na nasa labas malapit sa street sa gitna.

Wala pang 2 oras, at d nangalahati ang kape ko, tapos si Kapitan Sino... tapos si Bob Ong. Na-enjoy ko naman ang libro, as usual, witty punch lines at weird comparisons sa mga characters and scenarios.

Naisip ko bigla, na miss ko ang ganitong klaseng weekend ng buhay ko. Dati kasi, nung bago pa ako dito sa mManila, dahil hindi pa sanaygumimik... Powerbooks ang nagign bahay ko. Lahat ng pwedeng basahin, kahit librong hawak ng iba, binabasa.

Hindi ko alam ,kung bakit nahilig ako sa pagbabasa, siguro dahil sa kuya ko... in other words, adik din magbasa.

Hindi nagtagal, dumating si Siopao, pawis! Bago pa yan, isang mahabang diskusyunan ang naganap para marating niya lang ang Starbucks na kinaroroonan ko. Walang sensse of direction kasi yun. Kahit sampung beses na namin napuntahan ang isang lugar, pag siya na mag-isa ang pupunta dun, parang turista pa din ang feeling... Nawawala!

Kumain kami sa Cajuns, umorder ng baby back ribs, tatliong piraso para sa 2 lang sa amin.. isang order ng pasta. Hindi kami masiba sa pagkain..promise!

Pagkatapos ng kainan, naisipan namin lakarin ang papuntang Galleria... na miss namin ang usok ng EDSA... dhindi pa kami nanga-ngalahati, sabi ni Siopao:

"Sana sumakay na lang tayo"

"Kanino bang suggestion to?"

"Oo na, kargahin mo na alng ako"

"Wow, ikinalaki kasi ng katawan ko ang pagbuhat sa'yo.. at ikina-payat mo din kasi ang suggestion mo."

Tumawa lang habang nagpupunas ng pawis... sobrang pawis. Dumating kami ng Galleria, na parang first time maka experience ng Aircon... sabik sa lamig.

Habang naghihintay kmi ng start ng movie, napilit ko siyang bumili ng TOPMAN na jacket... at dahil sa binili niya nga, hanggang pag-uwi, iniisip niya na ang gastos niya daw dahil sa akin.
Umandar ang pagiging intsik.

Ngumiti lang ulit. Alam kong ok na siya.
Ang simpleng ngiti na nakakabuo ng araw ko. Gaya ni Kapitan Sino, si siopao ang superhero ko... tunay, simple lang... hindi kailangan ng "SILVER" na cover.

PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.