Pag successful ang lovelife, malas ang career.

|
Mahigit isang taon na akong waalang trabaho. Ay mali, mahigit isang taon na akong walang MATINONG trabaho.

Pagkatapos ng contract ko sa Saudi, umuwi ako ng Pilipinas baon ang plano na sisikapin kong maghanap ng trabaho na gusto ko. Hindi naman sa hindi ko nagustuhan ang mga trabahho ko nuon, pero siguro parte na din na magiging 30 na ko nung mga panahon na yun, kailangan ko ng tarabahong gusto ko. As you grow older, nagsisimula ka ng magplano ng mga bagay tungkol sa gusto mong mangyari sa buhay, Dati naman kasi, ang focus ko lang e kailangan ko ng trabaho kasi gusto ng malaking kita para sa family, sa pag-aaral ni bunso at para sa mga luho, pang-inom at pambili ng lalaki. (Chos lang yung huli)

Darating ka pala sa point ng buhay mo, na mag-iiba ang focus mo sa buhay (hindi na sex. Joke lang). Mag-iiba ang gusto mo sa buhay. Bahay. Kotse, Insurance. Savings. Travel. Family. At ang pinaka-importante, trabahong gusto mo at kung saan ka magiging masaya. In other words, kailangan kong i-secure ang future ko.

 Mas mahirap i-achieve, mas nakaka pressure.

Sumubok ako ng maraming paraan. Apply dito. Apply doon. Para akong nagbalik sa Stage 1. Kung kelan sagabal ang edad, saka nag desisyon na gumawa ng gusto sa buhay.Saya-saya. Nakakabaliw.

Sa tagal, nilamon na ako ng depression. Diyan na pumapasok ang  inis. Inis, dahil ngayon lang ata ako nahirapan maghanap ng trabaho. Siguro dahil, this time, choosy din ako. (Dapat lang naman...) Andun an din yung feeling mo useless ka. Lumipas ang mga special occasion na dati naman, automatic kang nagbibigay ng pera, pero ngayon wala kang mai-abot kahit 3 piso. Yung Christmas, na dati karton-karton na mga regalo ang pinapadala ko galing Saudi, ngayon kahit exchange gift sa family wala kang maibigay.
Isa sa ugali ko ang, ayaw maka-estorbo sa tao. Hindi din ako sanay na humingi. For someone, na since college, nagtatrabaho ka to suppport yourself. Mahirap yun.
Dumating pa sa point na nag-away kami ng nanay ko sa telepono. Pinapauwi niya ako ng Bacolod, kung anu-ano ang dahilang binigay ko sa kanya, pero ang totoo nahihiya ako. Hiya, na pinapalitan mo ng galit sa lahat, pero ang totoo, galit ka sa sarili mo. Nagsisimula kang magtanong kung tama ba ang naging desisyon mo.

Nagisismula kang mawalan ng kumpyansa sa sarili.

Basura ang tingin ko sa sarili ko. Palamunin, sabi ng mga kontrabida sa teleserye.

Sa buong isang taon na 'to, may mga opportunities din naman na dumating. Yung tipong, eto na! Tapos pagdating sa dulo, it's either di natuloy ang project, or bigla na lang umayaw ang employer. O di ba? Sabi ko na lang sa sarili ko, siguro tama nga ang sabi nila...

"Pag successful ang lovelife, malas ang career."

Malapit na akong maniwala.

Speaking of lovelife, siguro nga kung wala si Siopao, baka matagal na akong na diyaryo,

"Bakla, tumalon sa Guadalupe Bridge katapat ng posh na posh na Guadalupe Mall! Naka-pout. Patay!!"

Erase. Chaka. Wag ganun.

Kung ma-iksi ang PASENSIYA (Emphasis on pasensiya, malisyoso kasi ang karamihan sa readers ko) niya, siguro naghiwalay na kami. Lagi ko siyang inaaway. Lagi ako nanghihingi ng kiss. (Isa sa mga ayaw niyang gawin sa buhay, Eh dati naman, hayok siya sa ganyan.. Chos.)

Pero seriously, di ko maisip na magiging okay ako sa phase ng buhay kong 'to kung wala siya. (Pa sweet) Mas na realize ko ang importance na may isang tao kang natatakbuhan, lalo na kung hindi mo kayang iiyak sa pamilya mo ang problema mo kasi ayaw mo na silang idamay sa bullsh*t ng buhay mo. Dahil nasanay ka ng dapat ang problema mo ay problema mo na lang. Kasi malaki ka na.

Pero iba pa din ang may pumapahid sa luha mo, humahagod ng likod mo, at hindi ka mahihiyang mag-mukhang pangit sa harap niya habang numangawa ka sa iyak.

Dun ako bilib kay Siopao. Sa lahat ng pag-aalburuto ko, present siya lagi,

Kung meron man sigurong magandang naidulot ang kabanata na 'to sa buhay ko, eto ay yung after 10 years naming dalawa, ngayon ko lang na realize na sa kagustuhan kong i-secure ang furture ko, matagal na palang secure dahil sa kanya.

Na realize ko din na hindi tumitigil ang pagiging anak mo dahil matanda ka na. Kahit ano pa ang pinagdadaanan mo sa buhay, mula sa inagawan ka lang ng kendi, hanggang sa nawalan ka ng trabaho, ANAK ka. At pwede ka pa ding umiiyak na tatakbo pauwi ng bahay mo at magsumbong sa nanay mo.

Ang latest, naghihintay na lang ako ng VISA paalis ulit ng bansa, kung saan ang tungo secret na muna. At dahil ma-lalayo na naman ako, mapapadalas na naman ang update ng blog na to.

P.S. Eto na din ang rason bakit wala akong blog entry ng mahabang panahon, hindi gaya ng iba, hindi ko kayang mag blog pag malungkot ang buhay ko.. Masyado ng maraming malungkot na napapanuod at nababasa, ayoko ng dumagdag pa.


PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.