~ behind the cloud... is an airplane (the BIG reveal)

|
sa pagpapatuloy...

sa mga hindi maka-relate, sumegwey muna ditey.

so ayun, magkatabi kami sa eroplano. since wala akong tulog the night before, nag-hihikab ako na parang wala ng bukas. so naisipan kong matulog.

pagtanggal ng seat belt sign, agad kong kinuha ang ipod at natulog.

after 20 minutes, naramdaman kong ang binti ni kuya ay nakadikit sa binti ko.

ka-stress.

ang balikat nakadiin sa balikat ko.

"Puno ba ako, para sandalan?" isip ko.

gumalaw ako ng konti para maramdaman niyang sising ako. saktong padating ang flight attendant para mag-abot ng maiinom.

"Coffee, Water or Juice" sabi ng F.A.

"Juice sa'kin, sa'yo?"

"Close tayo?" sa isip ko. Tumingin ako sa F.A.

"I'll have coffee, extra sugar and not too hot!"

Pagkatapos kumain, kinuha niya yung cup na inipit ko sa tapat ng seat.

"Tapon ko na 'to?"

"No, don't bother"

"I'll take care of it!"

"Thank you"

Pinanganak ata si Kuya ng may Best in Customer Service sa nuo. Inabot niya rin ang bag ko from the compartment. Ako naman, parang sirang plaka na kaka thank you sa kanya.

"Do we know each other?" habang naglalakad palabas ng eroplano.

"No, I just happen to like you!" sagot niya habang ngumiti ng very very light.

Diyos ko pong mahabagin. Parang gusto kong sabihan ang babae sa tabi ko na kurutin ako at baka isa lang itong panaginip. For the first time, sa daldal kung 'to, hindi ako nakasagot. Siguro dahil hindi ako prepared. Wala sa script ang eksenang ganito. Akala ko MMK entry ang pag-uwi ko, pero parang nauwi sa 'Precious Hearts Romances' ang eksena.

Balik sa composure. Dali-daling lumabas ng 'Arrival Area' para hindi na kami magpang-abot. Sa maniwala't hindi, kinabahan ako. Naisip ko baka isa itong 'trap' ng pamilya ko para makapag OUT na ako. Inisip ko baka naka video ito at ipadala sa Nanay ko. Lagot.

"John!" boses na galing sa likod.

"OMG!"

Paglingon ko, niyakap agad ako ni Jen, classmate ko nung college. Biglang nawala ang kaba ko knowing na may kakilala pala ako dun.

"What are you doing here?"

"May hinihintay ako"

"Sino?"

"Ay eto... John meet Eric, boyfriend ko." pakilala ni Jen sa lalaki

Yes, si Kuya nga. Nakita kong nagulat siya sa nangyari. ako man din ay nagulat. Minsan na nga lang mag boyfriend si Jen, sablay pa.

Inabot ko ang aking mga kamay kay Eric para pormal na magpakilala.

"Hi! Nice meeting you" sabay bigay ng i-know-what-you-just-did stare.

"Jen, mukhang pinag papawisan ata si Eric kasi nameet niya ko" habang nakatingin kay Eric.

Habang naglalakad kami palabas, binulungan ako ni Jen.

"Pasensiya ka na, medyo takot kasi yan sa mga bading"

"Oh, really now!" sagot ko sabay smile.

Kung alam lang ni Jen, baka siya ang matakot.

~ behind the cloud... is an airplane

|

May naganap.


Bago ko umalis, ay nagtampo ako kay siopao. Hindi ako ihahatid sa eroplano. Ayoko ng ganun, kulang sa drama ang pag-alis ko.


Tampo. Tampo.


Mamaya, nagbihis... effective. proven. effective.


Dumaan muna kami ng Robinson's Ermita para mag lunch... Bakit dun? Wala lang.

Pagkatapos, hinatid niya na ako sa airport at dahil wala pa siyang tulog from work. Natulog the entire trip. Sana naglatag na lang kami ng banig. Habang tulog si siopao sa aking balikat (walang magre-react) napansin kong mabilis ang takbo ng metro ni Kuya Drayber.


"Kuya, ang metring david mo... Harry Potter?"


"Sir?"


"Ambilis ng metro mo."


"Hahahaha!" inulit ni kuya ng ten times.


"Kuya, nasa cab tayo... hindi to comedy bar!"


"Walang daya ang metro ko, ma-traffic lang talaga kaya ganun."


"Defensive ka..."


"Hahahaha!" inulit ni kuya ng 5 times.


Bumaba kami ng taxi pagdating ng airport. (Malamang noh?!)


Goodbye. Kiss. Goodbye.

Sumakay ulit si siopao ng cab.


Pumipila na ko papasok ng entrance ng napansin ko si Kuya sa harap ng pila. Naka 'Basketball Shorts', Nike na sapatos at medyo fit na shirt. Matangkad. Basketball Player ata. May headset sa tenga at nakaipit ang pitaka sa garter ng shorts.


Confirmed, straight si Kuya.


Nung pila na sa check-in counter, ako na ang nasa unahan niya. Malamang siya ang nasa likod ko. Paulit-ulit? Bigla niya akong kinalabit.


"Sh*t!"


"Nahulog ang jacket mo, eto oh!"


"Salamat"


Back to Rubi mode.


Nung nagbabayad na ng terminal fee, sumisigaw ang booth ng


"200php TERMINAL FEE: EXACT CHANGE ONLY"


At dahil buong five hundred ang pera ni kuya. Nagkaroon na naman kami ng interaction. Nagpalitan kami... ng pera. (madumi isip?)


Rubi mode pa din. Ako at ang malaki kong shades.


Nauna siyang pumasok sa waiting area, dahil effort ang pagsuot ko ng sapatos. Naupo ako sa malapit sa Terminal door, malapit sa T.V. Nakita ko na dun siya malapit sa C.R. umupo.


Ipod. Basa ng Libro. Deadma.


Maya-maya, may tumabi sa akin. Yes, nahulaan niyo... As usual, si Kuyang Basketball player.


Deadma. Rubi mode. Deadma.

Dahil naka shades ako, nakikita ko ang ginagawa ni kuya, ng hindi niya nakikitang nakatingin ako sa kanya.


Panay ang tingin. Panay taas ng shorts, nakikita ko tuloy ang balbon niyang legs. Talo si Jepoy sa pagka-balbon. Hehehe! Panay din ang hawak sa kanyang harapan.


"Sh*t!"

(everybody sing now... "Oh, tukso... layuan mo ako!")


Boarding na. Nagsimula ng pumila ang mga tao.

Naging ugali ko na, na laging last pumasok sa eroplano. Naniniwala kasi ako na:


"Late entrance, early exit! Hahaha!"


Napansin ko si kuya hindi pa din tumatayo... sa kina-uupuan.

Ng nasimula na akong pumila. As usual nasa likod ko na naman siya.


Pina-una ko na si kuya pag dating sa inspection kasi hindi ko mahanap ang aking biarding pass.

Smile lang si kuya.


11F ang seat assignment ko. Pagkatapos kong ilagay ang bag ko sa compartment. Nag=excuse ako para maabot ang window seat. Pagtingin ko sa lalaking naka-upo...


As usual, si Kuya pa din.


Itutuloy...

~ walang preno... walang kwenta, wala lang

|

busy ako ngayon, pero di pwede hindi mag blog. uuwi ako ng bacolod, so malamang wala sa bukabularyo ko ang mag-internet dun, so walang blog update for the holy week. makikipag kita ako sa mga friends, frenemies (friend and enemy at the same time ) at maliligo sa lahat ng beach na pwedeng languyan. magpa-paalam sa pamilya bago tuluyang lisanin ang bansang pilipinas. alas-2 ang flight ko, pero tinatamad ako. kasi naman si siopao, pa-cute ng pa-cute, pina-pamukha na ma-mimiss ko talaga si mokong. haaay... nakaka lungkot na naman.

nag blog hopping ako, maraming bagong blogger, pero kokonti lang ang may utak, dumadami na kami (isasama ko na ang sarili ko para walang ma hurt). yung iba naki-uso lang, may mga bagong nagbibigay ng advice din, ayan sana dagsain ng sulat, minsan nakakatulong ang pag-hingi ng advice, depende sa tao kung makikinig. ako sa MMK ako magpapadala at least may 10,000 pang bayad. mukhang pera? hehehe!

nagpa-alam na ako sa trabahao, official member na ako ng unemployment rate ng pilipinas. naiyak ang karamihan sa kanila, pmaraming antuwa sa desisyon na ginawa, maraming nalungkot. masayang malaman na ganun sila ka-apektado sa iyong paglisan (insert cookie chua song here) mabuti man o masama, alam kong naging aprte ako ng buhay nila. aliw! pero masaya din pala. nakapag-pahinga ako. nakaka-twitter at nakaka nuod ng showtime... hahaha!

bumili si siopao ng saging, hindi pa luto, pinilit lang dumilaw. yan ang mahirap pag 'hinog sa pilit', maganda lang ang itsura pero patapon ang lasa. huwag pilitin ang ayaw, at huwag pilitin ang hindi pwede. ikaw din ang iiyak sa huli. (nag-rhyme)

lumindol daw kahapon, pero hindi ko naramdaman, andito lang naman ako sa makati. buti pa ang taga-kyusi nakaramdam. trending topic sa twitter at lahat ng tao nag post ng status message sa facebook ng "i am so scared, OMGEE!" siguro taga-poveda silang lahat. hindi na siguro ako ganun ka sensitive, pati lindol di na nagparamdam sa akin.

sa mga mahilig bumisita dito, tingnan niyo 49 followers na. ilang araw ko ng tinititigan yan di pa rin nagiging 50. sino kaya ang pang-fifty. promise ilalagay ko siya sa blog at padadalhan ko ng isang pakete ng cornick. ayain ang mga kaibigan para sumali. ugaliing bisitahin ang blog na ito. nakakagamot ng goiter. himasin alng ang screen.

hanggang sa susunod.
quiet muna ako.
wala lang.

Photo Source here.

~ summer senti

|

"if there’s one thing i really miss…"

the sun reminds me of someone i once share my most memorable "beach moment" with. unfortunately, tornado came and the summer heat was no longer there…
i wished the sun was patient enough to have stayed.
i know i could’ve done better.

being in the limelight is pretty hard.
you have the tendency of losing your ownself, just to keep up with the challenges of who the others thought you are.
it’s hard.

sometimes it’s taking its toll... like the sun, it burns the skin.

sana nga hindi na umabot sa ganun, sana nga hindi na naging ganun ka komplekado ang lahat. pero naisip ko din, kung hindi nagyari yun, walang nabago…
magiging ganun pa rin siguro ako.
sa bandang huli, naisip ko, mabuti na din.

sa buhay ko, wala ni isa sa mga nangyari sa akin ang pinagsisihan ko… lahat ng yun ang gumuhit sa akin para maging ako.

maghihintay ako.
darating ang araw, susukob ang ulap para pagbigyan ang hiling ng araw.
hiling para makapag bigay ng liwanag sa naghihintay na lupa.

sana hindi pa huli ang lahat…
sana maalala ko pa na mahalaga siya.
sana.


Photo Source here.

~ clarang-clara

|
Dahil uso ang pag-"bitchesa" dito sa blog, eto ang share ko. Damhin at isadula ng walang pag-iimbot at buong katapatan:

.~On the first day of the Mango sale, the sister of my friend was looking around and picked up a dress when a woman at the counter started screaming,"Put that down, that's mine!" The sister of my friend looked up, looked at the woman up and down, raised an eyebrow, and replied, "Excuse me. You are NOT small!"
.~A supervisor once told a worker who has difficulty in understanding instructions, "Ang ulo, hindi lang yan pinapatong sa leeg, ginagamit din yan sa pagiisip."
.~A friend told another friend, "Naku, magma-make-up muna ako, baka magmukha akong yaya mo." The other friend replied, "Wag na, magmumukha ka lang yaya ko na naka-make-up."
.~ "Ako, I was born beautiful. Ikaw, you were just born."
.~ When I saw friend I haven ' t seen in a long time, she told me, "Grabe, lalo ka pang tumaba!" So I told
her, "Ikaw din, lalo ka pang pumangit!"
. Pag sinisingitan ako sa pila, nagpaparinig ako. I say, "Ang pilang ito, according to beauty. Mga panget
muna."
.~ "Maliban sa mukha mo, ano pang problema mo?"
.~ I once told an officemate who kept on bragging about her new shoes, "Sale, right?"
.~ I pointed a "7 items or less" sign to a clueless pasosyal at the supermarket. She bitchily answered,
"I can read!" Sabay irap. So I shot back with, "I know, but can you count?"
.~ "Tuwing nakikita kita, gusto ko mag-sorry sa eyes ko."
.~ After receiving her pay slip and realizing how much she's paying for tax, a sosyal officemate exclaimed, "Ang mga poor ba nagbabayad din ng tax?"
.~ During a hike at Mt. Mayon , we had a maarte companion. When we ran out of water, our guide got us some from a natural spring. The maarte girl said, "Dini-drink ba yan?" I told her, "Bakit, sa inyo ba ang water chinu-chew?"
.~ Bading: (envying a girl na crush ng crush niya) "Isang butas lang ang lamang mo sa ' kin!"
.~ I was staring at an ugly bystander on their street. The ugly guy snapped, "Bakit ang sama mo makatingin?" I snapped back, "Eh bakit ang sama mo tignan?"
.~ A friend once told me, "Ang ganda mo!" I answered: "Thank you, sana ikaw rin."
.~ "When a cashier tells me she doesn ' t have change, I say: "And kaninong problema yun?"



Photo Source here.

~ manila! manila!

|
(Ang title ng blog post na ito ay hango sa Market! Market! at Brazil! Brasil!, pero ang mga lugar na nabanggit ay walang kinalaman sa kwento.... Gusto ko lang sabihin para makarami ng susulatin. Para masulit ang bawat pisong inihulog niyo sa donation box. Umupo, ilagay ang cellphone sa silent mode... Don't worry be happy... Relax, see a movie!)

Alas otso pa lang gising na ko. Alas 9:30am ang usapang darating sila Jepoy at Darc. Habang naghihintay ng text ay nagligpit muna ako ng mga gamit para sa napipintong pagpunta sa Jeddah para sa Miss. Earth competition (ang naniwala sa huli kong sinabi, siya ang taya!).

9:00 pa lang nag text na si Jepoy nasa sosyal na sosyal na siyang Guadalupe mall, naghihintay sa (as usual) late na si Darc. Dahil balot ang katawan ko ng mala-perfume kong pawis, naligo agad ako para masalubong na ng banda ang aking mga kaibigan. (Ang banda ay galing pang Bulacan - taga Mababang Paaralan ng Sta. Monica, Zest-O at isang pirasong Mamon lang ang bayad).

Nasa sosyal na sosyal na Guadalupe mall na kami ng nag text si Jepy, nasa jeep na sila at papunta na ng bahay. Teka, parang may mali ata --- andito ako sa Guadalupe tapos ang mga bisita ko nasa bahay na? Fail. Akalain mong lahat kami may cellphone, pero nagka salisi pa din. Katangahan na!

Nagkita-kita din kami sa kanto. Orange ang suot ni Jepoy na shirt, yellow kay Darc at ako naka-green. Nahiya ang Maxx Menthol Candy sa kulay namin.

Tumambay sandali sa bahay, nag-kwentuhan tungkol sa mga ka twitter, ka facebook, at blog ng kung sinu-sino. Napag-desisyunan namin na sumakay ng ferry from Guadalupe to Avenida. Excited ang first time na si Jepoy.

12:00nn na kami naka dating dun, at ang sabi ni kuya ay 1pm pa daw ang ferry. Musta naman. Naisip namin mag cab na lang papuntang Binondo for more fine-dining 'Estero' lunch date.


Narating din namin ang 'Estero' dala ang tig-iisang baldeng pawis. Not to mention ang tig-iisang sako ng alikabok sa aming mga tsinelas. Nagsisimula nang maging mukhang dugyot ang aming mga mala-porselanang, China ware na binti.

Kain. Lafes. Lafang. Cha. Tsibog.
(Note: Ang tsibog ay napaka 80's)

Siyempre hindi mawawala ang 'Pansit na i-uuwi kay inay'. Na binigay namin sa batang pulubi. Talo ang Binibining Pilipinas Charities sa aming kawang gawa.
(Ang 'Pansit na i-uuwi kay inay' ay ang tawag sa mga tirang pagkain na pwede pang ipa-balot at naka schedule ang kung sino ang mag-uuwi ng grand prize depende kung sino ang malapit sa kinainan. Hindi pa ata kumakain ng hindi kami nagkaroon ng 'Pansit na i-uuwi kay inay')

Dumeretso kami sa Avenida, para sumakay ng ferry. Kailangan naming sumakay ng ferry at mag-iwan ng bato. Char! Naisip ko, sooner or later magkakaroon na ng headline sa T.V.:

"Ferry Boat sa Pasig lumubog dahil sa sako-sakong batong naiwan sa loob! Lahat ng mahilig sa Jackstone, umiyak!" --insert Mike Enriquez here--

Bumaba kami ng PUP Terminal Station. Bakit? Wala lang. Pa-labas na kami ng terminal. More-more lang ang lakad ng 'Magka-kaibigang pinaglihi sa MAXX Candy', ng narealize namin na literally nasa loob na kami ng PUP Campus. Nagayak kami sa tuwa. Aba'y akalain mo, sino sa buong populasyon ng Pilipinas, maliban na lang sa mga estudyante ng nasabing school, ay nagkaroon ng pagkakataong maka-pasok sa PUP? Chosen few lang ata, ma i-cocompare mo sa dami ng taong nagkaroon ng multiple orgasm. Hindi namin napigilan ang aming sarili, nag papicture kami sa marker ng school. Para lang kaming nagpa-picture sa Eiffel Tower.


Naalala namin ang lugar kung saan tinawag ni Bea si John Lloyd ng 'August', dun namin na realize na ang aming tinatahak na landas ay tinatawag na 'Miss You Like Crazy Experience' talo ang 'Beyonce Experience.'

Dahil wala kaming makitang cab sa labas ng PUP, for obvious reason, kasi riles ng tren ang available dun, naglakad kami papuntang kanto para sumakay ng jeep papuntang Boni MRT station.

Destination: UP (Alma Mater ni Darc)
(Pagkatapos ng PUP, UP naman, expect baka ang next destination ay P na lang)

Kwentuhan tungkol sa indie film at ang mga film na nangyari sa totoong-buhay ang naisipang topis. Deadma sa nakakarinig sa loob ng jeep. Bakit, kanila ba ang jeep?!

Nag MRT, tapos bumaba ng Quezon Ave., at nag cab papuntang U.P.... Los Baños, ay U.P. Visayas... ay U.P. Diliman pala. Yun!


Naglakad. Nag-pawis.

Maya-maya naisipan naming mag isaw ni Mang Larry. (See Google map for location, pansinin ang larawan ng cart ni Mang Larry... 2x2 picture with white background. Akala ko nung una isa siyang malaking Resume) This time, pwede ng pag-taniman ng Monggo ang aming mga paa dahil sa kapal ng lupa.

Kain. Saw-saw. Boy watching. Kain. Tingin. Okray. Kain.

Pagkatapos kumain, naisipan namin mag Mang Jimmy's. (Sila Mang Inasal, Mang Bok at Mang Tomas na lang ang kulang... pwede na silang 'Mythical Five')

Pero hindi kami dun kumain. Bakit? Malayo kasi.

Nauwi kami sa Chocolate Kisses sa 2nd Floor ng U.P. Bahay ng Alumni. Nag-hire kami ng pianistang pwedeng tumugtog habang kumakain kami pero sa ibang Function Room siya dumiretso. Kaya nakikinig na lang kami. Gusto sanan naming mag-request ng Bad Romance. Hahaha!

Andami naming kinain. Dahil libre ni Darc ang dinner. Sino ba naman kami para tumanggi. Hindi pa kami na kuntento, nag-order kami ng dessert - 3 slice ng iba't ibang cake.


Bawat subo, hinihimay-himay ni Jeoy ang lasa at consistency ng luto. At dahil diyan, magiging food blogger na siya. Daig niya pa si Barefoot Contessa.

Nung nag-simula na ang kainan... ng Dessert (Uyy, madumi isip!) Huling tinikman ni Jepoy ang Carrot Cake.

Nag-orgasm sa sarap.

(Paano mag orgasm sa sarap: Nakatakip ang bibig ng kanang kamay, sa kabilang kamay hawak ang tinidor at may konting pang-gigigil)

Kaming 2 ni Darc, naluha sa kakatawa.

Pagkatapos ng diner, naisipan naming umuwi na. Sa wakas!

Ang 'Magka-kaibigang pinaglihi sa MAXX Candy' ngayon ay 'Magka-kaibigang pinaglihi sa MAXX Candy, Pregnant Edition' sa dami ng aming kinain.

Muli kaming naging pasahero ng MRT. Dun namin na realize na 'Foundation Day' pala nung araw na yun dahil kay kuya na 2 tones Fairer ang Foundation. Matalino siguro si kuya kasi na accelareate ang kulay ng foundation na ginamit.

Bago nag ka hiwa-hiwalay, nag-iwan ng isang matamis na kaway at pag-asang mauulit muli ang ganitong eksena sa aking pagbalik. At sa aking pagbalik, sisiguraduhin kong hindi na magiging dugyutin ang ating mga paa... pero nanaisin ko pa din maging 'Magka-kaibigang pinaglihi sa MAXX Candy'.


Sa uulitin.

~ sabi ng puso

|
Pagpasok ko sa kwarto, nadatnan ko si Siopao na nag-aayos ng cabinet. Walang imik. Alam kong fulfillment sa kanya ang mag-ayos sa kwarto. Umupo ako sa dulo ng kama habang pinapanuod siya. Mariin niyang tinutupi ang mga damit. Hinihiwalay ang damit na may kulay sa mga puti.

Alam kong napansin niya ko, pero hindi man lang tumango at tumingin sa akin.

"Uy, alis na ko sa next week."

"Kelan tayo mag start mag-impake"

"Hindi mo ba ko pipigilan?"

"Hindi!"

Umupo siya sa gilid ng kama. Blanko ang mukha.

"Hindi dahil boyfriend mo ko may karapatan na akong pigilan ka sa mga gusto mong mangyari sa buhay mo. Ang pinaka magagawa ko lang ay suportahan ka sa mga pangarap mo. Hindi ba, sa simula pa lang, alam natin pareho na ang relasyon na 'to ay hindi dapat maka-apekto sa mga gusto nating maabot sa buhay?"

"Ahhhh..."

"Tanggap ko, na bilang asawa mo, may mga panahong gaya nito. Alam ko para sa'yo 'to at alam kong gusto mong gawin to. Masaya ako kung alam kong masaya ka sa ginagawa mo at natutupad mo ang mga pangarap mo."

"Eehhhh..."

"Huwag kang mag-alala, may babalikan ka pa naman. Hindi naman ako mawawala. Buong buhay na kitang hinintay at pinag-dasal. Ano ba naman ang 2 taon. Ayos lang yan."

"Haaaahhhh"

"Bakit ka ba sigaw ng sigaw? Hindi ka na nakapag-salita diyan."

"Eh, nagpapa-pansin lang naman ako e... nag sermon ka na diyan bigla. At inupuan mo kaya ang kamay ko. Ang sakit kaya!"

"Hay naku... Kahit kelan ka talaga... kung kelan nasa 'Maalaala Mo Kaya' mode na ko. Panira ka ng drama!"

Bumalik siya sa pagtutupi ng gamit.
Alam ko ang gusto niyang iparating, ramdam ko na higit pa sa pagmamahal ang kaya niyang ibigay.

Tiningnan ko siya habang tutok sa ginagawa. Alam kong malungkot siya.

"I love you"

"I love you more!" sagot niya.



Photo Source here.

~ bente

|

20 Things about him:

1. He's sitting in front of the TV, what is on the screen?
- cartoons, anime, cartoons, anime
2. You're out to eat, what kind of dressing does he get on his salad?
- anything or no, he doesn't like dressings or condiments. he likes eating it as is.
3. What's one food he doesn't like?
- fish
4. You go out to eat and have a drink. What does he order?
- Blue Frog (Hahaha!)
5. Where did he go to college?
- La Salle Bacolod
6. What is his shoe size?
- 9 1/2
8. What is his favorite type of sandwich?
- lahat ata... he's a sandwich guy
9. What would this person eat every day if he could?
- tocino, siopao, burger
10. What is his favorite cereal?
- kahit ano
11. What would he never wear?
- skinny jeans
12. What is his favorite sports team?
- he's volleyball player; kaya BECKYball siguro
13. Hobby?
- sleeping
14. Who is his best friend?
- ria
15. What is something he does that you wish he wouldn't do?
- none, i love everything about him
16. What is his heritage?
- chinese/filipino
17. You bake him a cake for his birthday, what kind of cake?
- chocolate cake
18. Did he play sports in high school?
- volleyball... (paulit-ulit?)
19. What could he spend hours doing?
- Excel...Excel...Excel... (puro excel file)
20. What is one unique talent he has?
- everything about computer and online games

~ effect sa FX!

|

Naisipan kong pumunta ng Market! Market! nung isang araw galing sa office. At dahil sa mainit, naisipan ko ding mag abang ng FX sa may Valero.

Wala pang 2 minuto, may FX na agad. Panalo,swerte ako sa araw na 'to. Pagpasok ko sa may pangalawang pintuan, yung apatan sa likod ng driver seat, may isa ng babaeng naka-upo. Naka bubuyog shades, hindi ka putian at medyo maitim ang batok. (Nevermind sa batok, exaggeration ko lang yan).

Upo. Upo. Pay-pay. Text-text.

Paliko na ng Paseo Center ng biglang may pumasok na 2 malaking bulas na kalalakihan. (Huwag bigyan ng malisya dahil mukha silang taga-deliver ng gasul na naka long sleeve lang at neck tie.

So, 4 na kami, sa awa ng Diyos kumasya kami... Well, actually hindi naman talaga kami 4, sa payat kong to, mga 4 1/2 kami, yung 2 lalaki, ituturing kong bilangin ng 2 ang katawan ng babae at ako bilang 1/2/ lang. So literally... HINDI TALAGA KAMI KASYA.

Habang binabay-bay namin ang Paseo going to Buendia Flyover, napansin ko si Ate na panay himas sa balikat niya at sabay reklamo (may sinasabi na parang sarili niya lang nakakarinig).

"Isa na lang Ate, bi-bingo ka na!" isip ko.

Hindi pa din tumigil si Ate. Ganun pa din ang paulit-ulit na ginagawa.

"Ate, may problema ka?"

"Ikaw kasi, dumidikit ang braso mo sa braso ko"

"Wow, nakakhiya naman sa'yo, ikaw nga tong nag-occupy ng kalahati ng upuang binayaran ko, tapos rereklamo ka pa. Kung ayaw mo ng masikip, mag taxi ka, kung wala kang pamasahe, magsabi ka lang... PCSO mode ako ngayon" ang natatanging award na ginawad ko kay Ate.

Hindi na nakasagot si Ate. Nag busy-busyhan sa pag te-text sa kanyang China Phone na isang pulgada ang haba ng antenna. LOL

Quiet si Ate the entire trip. Parang may retreat ang buong FX sa sobrang tahimik. Bumaba ako ng FX pagdating ng Kalayaan para lumipat ng jeep.

"Ate sa susunod ha... Huwag mag-inarte kung hindi naman kasing payat ni Kim Chiu!"


~ ang init ba?

|
Since summer na, at sobrang init na, malamang lahat sa inyo kating-kati na mag beach at mag suot ng pek-pek shorts. So let me take you to some Summer Destination from my hometown... Bacolod City, Negros Occidental.



►Jomabo presents a number of watersports and rides to entertain its visitors while under the sun like parasailing, trampoline, ocean kayak, aqua cycle, water wheel, island hopper and banana boat ride. What was unique about them is they have a solar powered cell that gives power supply to all its cottages, guesthouses, cabanas, bar/restaurant and its hotel.




◄Carbin Reef is a white sand bar located off Sagay City and the island of Negros in the Visayas (the central islands of the archipelago). It's about a 1 hour drive from Bacolod City and is accessible via a "pumpboat" (a small local boat) from the port of Sagay. This beautiful island is in fact a Marine Sanctuary where aquatic life can recover. The rules are so strict on the use of waste and it is forbidden to take anything from the island.




►Punta Bulata Resort is known to have one of the finest and whitest beaches in Negros Island. Nestled 154 kilometers south of Bacolod City lies one of Negros Island’s best-kept secrets. Punta Bulata White Beach Resort and Spa is a tropical hidden paradise that truly reflects the laid back lifestyle of the opulent sugar barons of Negros Island. Enjoy one whole kilometer stretch of white sand beach in privacy and exclusivity as you spend quality time with your friends and family.







◄The Mambukal Resort lies 1,200 feet or about 366 meters above sea level and serves as a gateway to the Mount Kanlaon Volcano. Mambukal is blessed with numerous beautiful natural resources. A huge mountain stream, fed by several water channels, flows down in a series of seven falls and flows through the center of the resort, feeding the swimming pools and boating lagoon.



~ pangalan... Pili ka lang

|

4 na oras lang ang tulog dahil sa mga bagay na hindi maiwasang isipin (ang pag-alis), minabuti kong bumili ng kape.

Naglakad ako papuntang Starbucks sa Rockwell. Medyo mainit at maalikabok dahil sa ginagawang daan. Walang pakialam, for the love of coffee.

Konti pa lang ang mga tao, as usual, puno pa din ng mga Atenistang nag-aaral ng Law sa katabing building. Walang tigil pa din ang pag-litanya ng ingles na hindi ko naman naiintindihan. Siguro dahil antok ako, o dahil blue sila at true blooded green ako. LOL

Smile si ate sa counter. Nag ra-rapport. Deadma.

"One Grande Americano"

"For here?"

"To Go"

"Name po nila?"

"Eva"


Ngumiti si Ate. Ako, deadma.
Pumunta ako sa lagayan ng mga newspaper. Dinampot ang isang Phil Star at nagbasa. Kunwari. Inip.

"Hi, is this seat taken?"

"No"

"Today?"

"No, It's Phil Star"

"No, i mean if the newspaper is for today?"

"Uhmm, Sh*t tanga ako"
isip ko, nakakahiya sa chick. (Straight? Paki-baba ang kilay, please)

Nagpakawala ng malaking tawa.

"Sorry, yeah... you want?"

"After you"

Dead air.

Dead air.

Pagkalipas ng 48 years na paghihintay.

"One Grande Americano for EVAH!"

Lumingon ang mga tao, may konting tawang pinakawala ang mga labi nilang hindi gaanong mapula.

Ako na yun. Kinuha ang kape.

"What's your name again?" tanong ni Ateng katabi ko kanina, na maganda at sexy at pag nagsalita parang kaka graduate lang sa POVEDA.

"Uhmmm... MARIAH!"


Exit Right. Repeat to fade. Smile ng konti.




******
Para kay Hakob, ang unang nagbigay ng 'Mariah' sa taong nag-tanong ng pangalan niya sa BED.


Photo Source here.

~ thinking aloud

|

the series of 'despidida' is a hint.
reminding me, there's no turning back.

i'll be counting the days...









----------

P*TANG INA! Nalulungkot ako.





Photo Source here.

~ Oo, Ikaw!

|
From the deepest desires often come the deadliest hate. --- Socrates
Oo, Ikaw. Ikaw na masaya lang sa una, masaya lang sa mga araw na bago pa lang ang relasyon. Na pagdating ng time na nagkakaroon na ng misunderstanding, 'break up' lagi ang naiisip. Ikaw, na ang tanging rason ay 'madami pa namang mas okay diyan.' Pero kung marami ngang mas okay diyan, bakit marami pa ding single? Hindi ba dapat nakuha na din sila? Hindi mo naisip na ang problema parte ng relasyon. Ano'ng assurance mo na hindi yan magiging problema ulit sa susunod mong relasyon?Dapat naisip mo, na kahit saang relasyon ka dalhin, kung sa bawat problema, pakikipaghiwalay ang naiisip mong solusyon --- 'wag ka ng mag-boyfriend. Aksaya ka lang sa kuryente!

Oo, Ikaw. Ikaw na nagpapa-ibig at nang-iiwan kung kelan hulog na ang isa. Ikaw na mahilig lumandi, pagkatapos ay bigla mong hindi i-tetext o hindi na magpapakita sa kanya. Hindi mo na naisip na may masasaktan ka. Kung wala ka din namang seryosong balak sa kanya, 'wag mong bigyan ng dahilan para mahalin ka niya. Ginawa mong laro ang pag-ibig, at sinigurado mong hindi ikaw ang taya. Kung ganyan na din lang --- 'wag kang paasa. Sakit ka sa bangs!

Oo, Ikaw. Ikaw na kahit meron na, lumalandi pa sa iba. Hindi ito pa raffle, na '"the-more-entries-you-send, the-more-chances-of-winning." Nag commit ka na lang din sa isang relasyon, sana tinodo mo na. Hindi mo man lang naisip na ang nilalandi mo ay may karapatan din namang makakuha ng buong pagmamahal at hindi lamang kalahati na galing sa'yo. Ang pag-ibig hindi nakukuha ng tingi-tingi. Kung hindi mo kayang maging 'stick to one' --- magmahal ka ng tuta, walang limit. Hindi ka nakaka-tuwa!

Oo, Ikaw. Ikaw na kahit minsan ay wala ng matinong nagawa. Na sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos ay pasakit at pait ang dala mo sa lahat na tapat na nagmamahal.

Mahabag ka sana. Darating ang araw, iikot ang gulong ng buhay, mararamdaman mo din ang sakit na dinulot mo sa lahat na biktima mo. Luluha ka sa sobrang sakit pero hindi sapat ang luhang kayang ibigay ng mata. Aasa kang babalik ang minamahal mo pero tatanda kang naghihintay at hindi naka pag move-on sa buhay. Ipinapangako mong magiging tapat ka sa minamahal mo, pero magiging pipi ka para hindi mo masabi ang iyong nararamdaman habang harap-harapang bina-baboy ang pagkatao mo. Magiging 4 kayo sa buhay niya pero wala kang magagawa.

Babalik sa'yo lahat ng ginawa mo.
Matakot ka sa KARMA.


Photo Source here.

~ T.V. addict ka ba?

|

Ilan sa mga lumang t.v shows na 'to ang naa-alala mo?

1. Annaluna (ABS-CBN)
2. AnnaKareNina (GMA7)
3. Martin After Dark (ABS-CBN)
4. GMA Supershow (GMA7)
5. Star Drama Presents... (ABS-CBN)
6. Villa Quintana (GMA7)
7. Etching (GMA7)
8. Teysi Ng Tahanan (ABS-CBN)
9. Ermita (ABS-CBN)
10. TGIS (GMA7)
11. Sa Linggo nAPO Sila (ABS-CBN)
12. Super Klenk (GMA7)
13. 143 (GMA7)
14. Mornings @ GMA (GMA7)
15. Maricel Drama Special (ABS-CBN)
16. Compañero Y Compañera (ABS-CBN)
17. F.L.A.M.E.S. (ABS-CBN)
18. Ober da Bakod (GMA7)
19. D! Day (GMA7)
20. Growing Up (GMA7)
21. Gimik (ABS-CBN)
22. Buttercup (ABS-CBN)
23. Inside Story (ABS-CBN)
24. Front Page (GMA7)
25. Showbiz Lingo (ABS-CBN)
26. Hiraya Manawari (ABS-CBN)
27. Palibhasa Lalake (ABS-CBN)
28. The Sharon Cuneta Show (ABS-CBN)
29. Vente 5 (ABC5)
30. Katok Mga Misis (GMA7)
31. Idol Ko Si Kap (GMA7)
32. Tropang Trumpo (ABC5)
33. Kwarta O Kahon (RPN9)
34. Agila (ABS-CBN)
35. Battle of the Brains (RPN9)
36. Tabing Ilog (ABS-CBN)
37. Debate nina Mare at Pare (GMA7)
38. Sing Galing (ABC5)
39. Coney Reyes on Camera (ABS-CBN)
40. Valiente (ABS-CBN)
41. Marinella (ABS-CBN)
42. Hoy Gising! (ABS-CBN)
43. Mr. Cupido (ABS-CBN)
44. F! (ABS-CBN)
45. Click (GMA7)
46. Richard Loves Lucy (ABS-CBN)
47. S Files (GMA7)
48. Extra! Extra! (GMA7)
49. Private Conversations (ABS-CBN)
50. Wow MaLI (ABC5)



Photo Source here.

~ kilig sa tawa

|


~ ang medical exam at ang achara

|

Pa-sara na ang pinto ng bigla akong sumiksik sa banig ng taong nag-aabang din sa labas. parang hindi maituturing na 'medical exam', sa dami ng tao... mahihiya ang palengke ng Guadalupe sa ingay, siksikan at dugyutin ang mga nandun.

May mga pabalik-balik, may mga nagagalit sa sikip, may mga sumisigaw na kagagaling lang ng C.R. dala-dala ang boteng puno ng ihi pero walang takip. Kadiri.

Sa wakas nakapasok na din ako sa kuwarto na may buradong sign na "P.E" Kailangan ko ng gawin to para matapos na ako at maka-alis na impyerno... ay sa 'clinic' pala. Nagulat ako ng biglang nag-sunuran ang 4 pang mga lalaki.

"Sh*t sabay kami sa physical exam! Wala man lang poging naka-sama, karamihan mga matanda at malalaki ang mga tiyan... Pero buti ng walang pogi, baka kumanta ako ng Lupang Hinirang sa loob" sabi ng mataray kong isip.

Pagkatapos ng 'inhale-exhale' at tanong kung may hika o may highblood, inutusan kami ni Doc na tumayo, at biglang nagsabi...

"HUBAD!"

"Patay! May drawing na mga bulaklak ang suot kong underwear." isip ko, habang nagpapaka straight.

Baka pag nakita nila ang underwear ko, umayaw silang mag-hubad dahil may bading silang kasama.

"Ano ngayon at ma-bulaklak ang underwear ko... E, environmentalist ako!" depensa ng isip ko. Na pa-smile ako.

No choice na, naghubad na ng pants at underwear. Tumalikod. Tumuwad. At humarap ulit sa Doktor. Nagkakitaan na din lang, mabuti nang matingnan at makapag compare 'notes'. LOL

"Wala naman akong kahilig-hilig sa inhaler!" sa isip ko.

Paglabas ko ng kwarto, binulungan ko yung babaeng kasama ko:

"Bili tayo ng achara"

"Bakit"

'Pantanggal umay lang... at para di masuka!"

"Ganun ba ka pangit yung kanila?"

"Mas okay pa manuod ng horror movie kahit pauli-ulit!"



Photo Source here.

~ walang kawala

|

hindi lahat ng bagay, kaya mo...
hindi lahat ng sitwasyon, kaya mo...
hindi sa lahat ng oras, kaya mo...

mga hayop, puno, bagay
kagaya nila... napapagod din ang puso!

hindi ko lubos mawari kung ano ba ang dahilan bakit parang umaayaw ka na sa hamon ng buhay... marahil tama ang iyong mga kaibigan, hindi mo na kaya.

isang kapaguran na hindi mo pwedeng hindi-an. isang kapaguran na ang tanging magagawa ay ang mag "buntong hininga" na lang.

nasa mundong ito ang tinatawag na sukdulan...
sukdulan ng pagiging martyr, pagiging mabait, pagiging mapagmahal.

pero saan at kelan mo pwedeng sabihin na tapos na? na pagod ka na?
walang nakaka-alam.

pero isa lang ang sigurado sa buhay...
na ang pagka pagod ay para ding ikot ng tsubibo
may hangganan... may katapusan.

ang pagka-pagod sa mga pagsubok ng buhay ay hindi kailanman man mawawala...
eto ang buhay ng buhay....
dito umiikot ang buhay...
at dito mas sumasaya ang buhay.

marahil, naitanong mo na rin sa sarili mo kung paano hindi mapagod at kung kelan ka pwedeng umayaw.

wala tayong kawala...
lahat tayo makakaranas ng ganito...
pumirma tayo sa kasunduang ito.

sobra man o kulang...
ang pagiging pagod ay isang tanda na ikaw...
ako...
tayo...
ay tao.

pwede kang mapagod, pero hindi ka pwedeng tumakas.


Photo Source here.

~ ang puno, ang Bb. Pilipinas at ang mapag-patol

|

“Magandang gabi po sa inyong lahat. Akin pong sasagutin ang inyong katanungan sa ating sariling wika, ang wikang Pilipino. Kung ako’y pagbibigyan po muli ng isa pang buhay, mas gugustuhin ko pong maging halam-… puno. Puno na nagbibigay sa atin ng hininga, nagbibigay sa atin ng buhay. Maraming salamat po.”

- Czarina Catherine Gatbonton, Binibining Pilipinas-World 2010

Yan ang sagot ni Czarina sa tanong ng isang foreigner judge: “If you had another life to live, what would you like to be and why?”

Eto naman ang naging sagutan namin ng isang ka FB na hindi ko kakilala, itago natinn siya sa pangalang 'die hard' o DH, after kong i-post ito: "Unbelievable ang mga Bb. Pilipinas candidates... pa-bobo ng pa-bobo." --- ENJOY!

(Siya talaga ang nagsimula ng sarili naming q&a at verbatim ito, may elemento ng bugso ng damdamin, kaya pasintabi sa mga grammar police)

DH: oh ano ngayon, napahiya kayo..si Number 21 will represent the country for Miss World.. sigh* may naiinggit..haha hanggang diyan na lang kayo
ME: pag ganun naman, d na kailangan kainggitan. i wouldn't want to be ridiculed nationwide.
DH: may mali ba sa sagot niya?..try to disect her answer..even si Wilma pumalakpak at nabilib sa sagot niya..and hey, hindi po bobo ang mga judges..I mean try to look over their credentials..ngayon, e kumpara niyo credentials niyo sa maga judges..tingnan natin kung reliable kayong mag judge..
ME: what's so reliable about an ambassador or an ex colonel on a beauty pageant? and given the kind of contestants they have, i wouldn't mind not being one of the judges. i don't think bobo ang judges. it's just that, based on their answers, there are others who actually make sense, far more than the winners.

(Note: I was referring to 2nd Runner Up Helen Nicolate henson (Candidate No. 18) from Pampanga--- Question: What are you looking for in the presidential candidate? Answer: I am looking for someone who is dedicated, well motivated and have a good heart, because they can make good followers, and they influences people of what they are and what they can be.)

DH: 1st point: kasi po ang tinitingnan sa pageant ay over all..2nd point: kailan ba naging pagiging bobo ang pagsagot sa answer ng mga judges in Tagalog and last point: assuming although not conceding that Janina's stint in Bb was a disater, do u think bobo ang Bb na maulit ulit yun?..duhhhh!

(At may enumeration ka pang nalalaman ha!)

ME: 1st point: over-all nga tinitingnan..kaya dapat kasama ang utak. 2nd point: walang masama sa pagsagot ng tagalog. ang masama yung mismong sagot, "ang puno ang nagbibigay ng hininga?" -- alam mong hindi tama yun. kasi hindi hininga ang binibigay ng puno. OXYGEN. OXYGEN. OXYGEN. 3rd point: they just did. inulit nila uli.
DH: correction ang puno ang nagbibigay buhay..hehe
ME: review the tapes... ang sinabi niya, HININGA!
DH: o cge ibabalik ko sayo ang tanong..bakit sa tingin mo hindi yun sapat..alam mmo ba kung ano yun itinanong sa kanya?..
ME: alam mong may dapat ka pang tamang isasagot dun.. nag-tagalog na nga lang siya di pa niya tinodo.
DH: hindi bobo ang sagot niya..sigh*
ME: i respect your opinion (depende lang din yan sa kayang intindihin ng nakikinig at naniniwala), and given that it's my fb wall. i believe you should also respect the fact that i don't find her answer intellectually correct... given that it's a prestigious contest.
---para ka lang nagsuot ng puting damit sa isang black party. hindi angkop.
DH: oo naman..I respect ur opinion..kaso yun ang kulang sayo..di mo kayang e respeto sagot niya..
ME: opinyon ko to... wala na akong magagawa sa sagot niya, pina-ngalandakan niya na sa buong pilipinas kung ano lang ang kaya niyang isagot.
i respect it as much as i respect Janina's answer before... so respect my disapproval as well.
DH: yun lang ang kaya niyang naisagot pero worthy enough to represent the country in Miss World.
ME: sana nga worthy.. pero hintayin mo sa mga susunod na araw, magiging sikat ang sagot niyang "PUNO" kung di man siya manalo at least sumikat siya.
DH: kaya maraming maiinggit sa kanya..eh kasi naman di lahat will be given a chance to compete in miss World..maraming tao ang maglalaway na panoorin siya sa kanilang mga telebisyon..haha
ME:ambilis naman. may naiinggit agad sa kanya sa sagot niyang yun?
DH: oo kasi sabi mo sisikat siya..eh ngayon pa lang sikat na siya..I still remember one question in the last Ms Universe..what is it about fame that many people want it?
ME: but its also noble to choose where you'll be famous at. Say, Hayden Kho fame or Obama fame?
i guess it all boils down to the level of judgement of an individual. if you think her answer is the best answer.. FINE!
---- hindi ko na kakayaning yumuko pa para maintindihan where you're coming from.
DH: ofcourse Hayden Kho..at least na proved niya na lahat ng tao ay may mga tinatagong baho..too bad for him nalantad sa publiko..lahat ng tao ay may tinatagong kababuyan... di mo naman kailangang yumuko oi..haha

(Kaya pala waging-wagi sa kanya ang sagot ng nanalong Ms. World!, pareho lang sila)

ME: amen!
DH: haha, nakarelate?..hehe
ME: no, i was never that shallow... i can never relate to it.
DH: only GOD knows..HE knows all..
ME: san galing yan?

(di na sumagot ulit ang hitad... sana man lang nag "I thank you!" siya)


****

Alam kong hindi siya dapat patulan, pero minsan ang sarap sumagot at subukin kung hanggang saan siya bibitaw sa laban. Ka-chat ko si Ewik ng mga oras na yun... Nag 'volt-in' kami sa pagsagot at pag-tawa.

Hindi man kami pareho nagkaroon ng kanya-kanyang gimik nung Sabado ng madaling araw na yun... Nahulog naman ang panga namin sa kaka-tawa.


Pero hindi pa rin ako sang-ayon sa "Ang puno ang nagbibigay ng hininga!" --- FAIL!


Photo Source here.

~ kwentong pambata

|
Dahil naging bata ako, eto ang kwento ko:

3 years old pa lang ako, memorize ko na ang "Angel Of God" at alam ko na kung ano ang mga buwan na 30 days lang. Madal-dal na ko bata pa lang. Ang pader ng bahay namin may tanim na kamatis. Iniiwan ako ng nanay ko sa gate tuwing umaga, tapos mauubos ko lahat ng kamatis kaka-kain hanggang dumating ako sa dulo ng pader. Kaya daw makinis ako, dahil sa kamatis. LOL

4 years old ako, nung nagsimula na akong mag-aral. Dahil ayoko sa teacher, naging visitor na lang ako. Malapit lang ang office ng tatay ko sa school, so sa tuwing nawawala ako sa classroom, sinusundo ako ng teacher ko sa office ng tatay ko. Minsan ko ding tinanong ang teacher ko kung bakit wala pa siyang asawa, at sinigaw sa buong klase na umihi si Ma'am sa C.R. Naging ninang ko siya sa kumpil.

5 years old ako,ng sinira ko ang laruan kong "remote control car." Sa labas ng bahay namin, may 65 steps pababa papuntang creek. Dahil hindi gumagana ang "toy car" hinulog ko sa hagdan, pagdating sa baba---- BASAG! Nagalit ang tatay ko dahil wala lang palang battery ang remote. Ang G.I. Joe at ang Hulk Hogan kong laruan na mas malaki pa sa akin ay nasa kwarto ko pa din.

6 years old ako, naging tambayan ko ang bubong ng bahay kubo sa tabi ng puno ng bayabas. Lagi akong umaakyat sa bayabas, para umupo dun sa bubong habang kumakain. Minsan, nakatulog ako, nahulog ako sa bubong ng kubo at natusok ang hita ko sa kawayan. Kinainlangan pa ng tatay kong gumamit ng"chain saw" para matanggal ang kawayan at dalhin ako sa ospital--- yes, nakatusok pa din ang kawayan. Nag-iwan siya ng malaking marka sa hita ko, hindi nadala sa 'katialis.' Minsan naisip kong palagyan ng tattoo, pero nakakahiya naman, kasi nasa hita.

7 years old ako nung naging pulitiko ang tatay ko, nakasanayan na namin na ang bahay namin ay hindi nawawalan ng taong nanghihingi ng abuloy, pagpapalibing at pagpapa-ospital. Meron din nangungutang ng pera o nakikipag-palit ng manok, gulay, bigas at agila.

8 years old ako ng nawili ako sa farm, may piggery, poultry, mga kambing at ang mortal kong kaaway ang mga 'turkey'. Minsan na-aliw ako sa itlog nilang malaki at parang polka dots, kaya ninakaw ko siya, bigla na lang ako sinunggaban ng 3 Pabo (turkey), nawalan ako ng malay at puro kalmot at tuka ang aking likod. Simula nun hindi na ako lumalapit dun, natutunan ko ng makuntento sa pagsakay sa kambing.

9 years old ako, naranasan kong maging 'pari' sa kindergarten fancy graduation. Ako ang nagsasabi ng "By the power vested in me, I now declare you Graduates of 1992." Naging ring bearer ng napakaraming kasal, escort sa napakaraming 'beauty contest' ng mga bagets. Ni minsan hindi ako ang kinoronahan.

10 years old ako ng nagsimulang mag collect ang nanay ko ng "Barbie," kakatapos lang maipanganak ang bunso kong kapatid at na realize niyang walang chance magka-anak ng babae. Dahil sa depression, bumili ng mga manika, binibihisan at ginagawan ng damit. Nainis ako sa mga manika, pinagpuputol ko an gmga ulo at tinatago sa ilalim ng sofa. Nahuli ako ng nanay ko, pinalo ako at pina-harap sa pader ng buong araw. (Kaya hindi lahat ng bading gusto ng manika... isaksak mo yan sa kokote mo!)

11 years old ako ng na-circumcised, buong akala ko ang 'circumcision' ay puputulin ang haba, yun pala babalatan lang. Tanga lang. Iyak ako ng iyak. May 1, 1994 yun, kasabay ng 'Labor Day', parang nag labor din ako. After 1 week, nanghuhuli na ako ng langgam sa labas ng bahay.

12 years old, grumaduate na ko ng Elementary. Excited na mag high-school at excited na din maging 13. Sa mga panahong ito, hindi pa din ako nagsusuot ng underwear. Pinilit lang ako ng tatay ko kasi daw binata na ako. Nawalan ako ng choice.

*******

Naalala ko ang lahat ng 'to habang tinitingnan ko ang mga luma kong litrato. Malayo na din ang narating ko. Ilang taon na din ang nalampasan ko. Salamat sa Diyos at okay pa din ako. Nakaka-tuwang isipin na hindi nasayang ang araw ng kabataan ko. Ang mga pangyayaring ganito ang nag-hubog sa akin para maging ako.

Ako ito.


Photo Source here.

~ taga-masid

|
Danger and delight grow on one stalk. --- Scottish Proverb

Nagsimula nung college. Nagpapadala ka ng sulat at pina-aabot mo sa guard ng school. Hindi ka pa nakuntento, minsan pinadalhan mo ko ng sobreng puno ng picture ko. Kuha mo habang kumakain ako sa canteen, humuhiram ng libro sa library, gumagawa ng assignment sa lounge, tumatawid ng kalsada o di kaya habang nakikinig sa klase. Nagsimula na akong kabahan. Hindi ko din matukoy kung sino ka, kasi paiba-iba ang nag-aabot ng sulat sa guard.

(Hobby mo pala ang kumuha ng litrato, sana dun ka sa mga patay, kasal, binyag ograduation pumunta... magkakapera ka pa!)

********

Nakikita kita na sinusundan mo ko sa mall, kung saan ako dumadaan papunta sa sakayan ng jeep pauwi. May tina ang 'yong buhok, mahaba. Naka maiksi kang palda at t-shirt na kupas. Nakangiti ka sa akin habang sinasalubong mo ko. Bigla mong hahawakan ang kamay ko. Paglampas, bigla kang lilingon at ngingiti. Ilang beses mong ginagawa yan sa akin.

(Try mo kayang hawakan din ang iyong kamay, mare-realize mo na pareho lang naman ang hugis nito. Buti na lang hindi dry ang skin ko.)

********

Ilang beses na akong nagpalipat-lipat ng apartment dahil sa lagi kang nakatayo sa kanto malapit sa inuupahan ko. Hindi ka pa nakuntento, minsan kumatok ka mismo sa pintuan ng apartment ko. Pagbukas ko, iniwan mo ang luma mong teddy bear at may note na nagsasaad na dapat ingatan ko 'to dahil matagal na to sa'yo.

(Ginawa mo naman akong kolektor ng basura. At wala akong balak mag-ampon ng patapon na teddy bear. Marami ako niyan sa kwarto)

********

Pagpasok ko ng opisina, may mababasa na lang akong e-mail galing sa email mong puro 'consonant' at nakalagay dun na may cake kang iniwan sa ref ng right wing pantry. Na ikinatutuwa naman ng mga officemate ko kasi sila ang umuubos at kumakain ng mga cake na pinapadala mo. Nung minsan, inisip mo na hindi ko gusto ang mga cake na yun kasi sa iba ko pinapakain, nag-iwan ka sa pantry ng 4 na klaseng cake. Sabi mo sa email mamili na lang ako ng gusto ko.

(Salamat at pinasaya mo ang mga officemates ko, pero hindi ako mahilig sa matamis... at ayaw ko siyang kainin kasi baka may gayuma.)

********

Pinaghintay mo ang delivery boy ng LBC nung minsang nagpadala ka ng bulaklak. Akala ng delivery boy pang-umaga ang pasok ko ng mga buwan na yun, hinintay niya ako hanggang sa papasok na ako ng office, kasi ayaw tanggapin ng front desk sa opisina ang bulaklak.

(Hindi ko din siya inuwi, baka bigla na lang damputin ako paglabas ko ng office. Ang sino mang may dalang bulaklak a ki-kidnapin.)

********

Kayong lima na lagi kong nakikita na naka-tayo sa labas ng school o ng office, sa kanto papunta sa apartment o sa bahay. Ilang beses niyo akong pinagod, sa kaka pa blotter sa inyo. Maski si Siopao, minsan natakot dahil kumakatok kayo sa pintuan namin.

Nakaktakot na kayo.

~ sweet revenge

|
Revenge is sweet and fattening.

Kaninang umaga, may kung anong hangin ang pumasok kay siopao para bigla niya akong gisingin, sabay daw kami. Idadaan niya ko sa office tapos makikipag meet siya sa mga dati niyang ka opisina. Ano na? Makikipag-kita ng 5 ng umaga? Breakfast meeting?

The entire trip, hindi ako pinapansin. Para lang akong plastik na aso na umuuga-uga ang leeg na nakalagay sa harap ng driver ng taxi. O di kaya yung kuting ng mga intsik na walang ginawa buong maghapon kundi kumaway.

Nainis ako. Nung pababa na, biglang nag-smile at nag goodbye. Adik. Inirapan ko nga. Walang lingon-lingon. Talo si Amor Powers kung mag galit-galitan.

Bilang ganti, hindi ako tinext buong araw. Siyempre nainis ako lalo. Mabuti pa ang SMART nag-text sa akin tungkol sa kung magkano ang charge pag nag upload ng picture sa facebook. Buti pa ang Q, nagtetext sa akin ng mga happening sa weekend, na until now hindi ko malaman kung sino ang nagbigay ng number ko dun. E hindi ko nga mahanap ang lugar na yan sa mapa. Buti pa si Aling Lucing, na kahit na mis-sent lang siya at inakalang ako ang kumare niya, ay nakuhang yayain akong mag mahjong. Buti pa si Vice Ganda laging may nagte-text. Pero si siopao hindi nagparamdam. Walang text. Kahit sut-sut, wala.

Nangangamoy away ah. (Drum roll!)

Bago ako umuwi galing work, dumaan muna akong Pancake House para bumili ng pasta.

"Take out po ba?"

"To Go"

"Ay sir, dun po yan sa kabilang street."

"Ang alin?"

"Ang ToGo"

Naningkit ang mga mata ko na parang si Maricel Soriano, at gusto ko siyang talakan ng mga 145 words a minute na walang hingahan. Pero dahil naniniwala ako sa goodness, pinalampas ko na si Ate. Walang gamot sa pagiging tanga, kundi pagkukusa.

Pag-uwi ko ng bahay, tulog ang mokong. Nakadapa at walang damit. Sh*t, baka rape ang kahahantungan nito. Joke! (First day ko ngayon, bawal... di ba girls? LOL)

"Wi, gising na?" mala Jacklyn Jose, malumanay tone.

Ungol.

"Sige na gising na?" in a very Angelu de Leon pa tweetums na boses. (T.G.I.S. Days)

Ungol lang na may halong pagkatamad ang ginanti.

"Sige na, gising na. May pasta akong dala..."

Parang nagkasunog bigla sa kapitbahay at gising na gising na agad ang diwa niya.

"Ano to? Bat nagdala ka ng pasta?"

"Pakonsensiya"

"Huh?"

"Dahil nainis ako sa'yo kaninang umaga, at dahil hindi ka nag text buong araw, bubusugin ko ang konsensiya mo"

"Ang galing mo talaga"

"Killing people with kindness, is the best revenge! Kung tatalakan kita, baka ako pa ang magmukhang balahura."

"May point ka diyan... mula ngayon aawayin na kita para may 'revenge' kang laging dala."

"Utot mo!"

Ang sumunod na eksena ay ang pag sentensya sa pasta. Hindi na nagsalita. Sa bilis na naubos ang pasta, I doubt kung nakonsensiya.

Di bale na. Nakita ko namang tuwang-tuwa siya. Solve na.


Photo Source here.

~ meron din ako niyan, promise!

|
I never thought it was worth it, you know waiting for your love, and then I felt your kiss, I could wait forever for this

hindi pa man kita lubos na kilala, pero base sa nababasa ko, alam ko na hindi iba ang nararamdaman mo sa minsang naramdaman ko.

LUNGKOT.

magka-iba lang siguro sa kung bakit at saan nanggagaling ang lungkot. magka-iba man ang rason, pero pareho parin ang nararamdaman.

LUNGKOT.

pero gusto kong isipin mo, na hindi ako kailanman kailangan kainggitan. kagaya mo lang din ako. naghanap ng kaligayahang kagaya ng ninanais mo. pero siguro, kung alam mo ang kuwento ng pagkatao ko, maiisip mo na ang lungkot na nararamdaman mo ngayon ay wala sa lungkot na dinanas ko dati.

naisip ko. siguro binigay si siopao sa akin at minahal ako ng totoo at lubos dahil kailanman hindi ako nakaranans ng pagmamahal mula sa mga taong inaasahan kong magbibigay sa akin nito: MAGULANG. PAMILYA. KAIBIGAN.

lumaki akong hindi ko nakuha ang klase ng pagmamahal na alam ko meron ka mula sa iyong pamilya. ang suporta ng iyong mga magulang sa kung ano ka at ang sayang hatid ng mga kapatid at kamag-anak na matatakbuhan --- WALA AKO.

wala akong mga kaibigan mula nung ako'y nagsimulang magka-isip. tinago ko sa sarili ko ang lahat ng nararamdaman ko, Diyos ang lagi kong kausap. walang gustong makipag kaibigan sa akin, sa kagustuhan na din ng mga magulang ko. naging mailap ako sa kalaro... sa tao. nagkaroon ako ng matalik na kaibigan, pero tinarantado ako. nagluksa ako sa ginawa niya. nanlumo. muntik ng sumuko. naisip ko, malas ako sa kaibigan. ikumpara sa'yo, ang dami ng mga kaibigang nagmamahal sa'yo --- WALA AKO.

dumating ako sa punto, na parang wala na ring saysay na magpatuloy sa buhay. nagsumbong ako sa Diyos. minsan nag-sumbat. pero sinabi niya sa akin, 'wag akong bumitaw.

MAS MABUTI NG MAPAGOD SA PAGHIHINTAY.... at least, NAGHINTAY.

sa lahat ng dinaanan ko, sa pamilya, sa kapwa, sa kaibigan... ang pagdating ni siopao sa buhay ko ay hindi lamang isang bagay na matagal kong hinintay, binigay siya dahil alam ng Diyos, na achieve ko na ang quota ko sa dami ng luhang dapat iluha.

humihingi ako ng paumanhin sa lahat na nagbabasa, kung wala akong ibang bukambibig na banggitin dito sa blog ko kundi kung gaano ako ka saya, ka-swerte sa kung ano mang sitwasyon meron ako at ang relasyon namin ni siopao.

hindi yun para inggitin ang sino man (alam ko maraming naiinis), o palungkutin ang sino man.
gusto ko lang ibahagi sa lahat na bawal mawalan ng pag-asa. na andito kami bilang patunay na pwede at merong may nakalaan para sa lahat. may pag-ibig na malaking pwedeng paghatian ng bawat isa.

hindi man gaya ng sa amin ni siopao ang klase ng pag-ibig na makukuha niyo, pero sure ako may pag-ibig na nakalaan sa inyo, sa paraang Diyos lang ang may-alam.

hindi man patas ang oras, pero patas tayo pagdating sa pag-ibig. hindi ako ma suwerte...
NAUNA LANG.



Photo Source here.

~ totoong may nag text

|
(Click image to enlarge)

Saturday. Naging ugali ko na ang mag log-in sa facebook, sa blog, at sa twitter para i-check at mag reply sa mga nag-comment overnight.

Kaka log-in ko pa lang sa fb ng may apat agad na sunod-sunod na nakipag chat, lahat sila ay hindi ko personal na kakilala, puro mga nakaka-sagutan ko lang sa mga comment.

Una: "Okay ka lang ba?"
Pangalawa: "Ano ba yung tinext mo kagabi?"
Pangatlo: "Totoo bayung text mo"
Pang-apat:"Manloloko!"

Sa lahat ng message, maliban sa hindi ko naiintindihan kung bakit ganun ang mga sinabi nila, hindi ko din matanggap ang sabihin akong manloloko.

Kahit saang networking site, hindi ko kailanman tinago ang aking mukha, pagkatao, o panglan dahil naniniwala akong wala akong dapat ikahiya o itago sa aking pagkatao. Kahit hindi ako out sa family ko, ni minsan hindi sumagi sa isip ko ang magpanggap o manlinlang ng kapwa.

"Bakit?" Sagot ko sa apat na parang hinihintay talaga ako mag online. Parang fans na nag-aabang sa mall show.

Nagreply ang lahat na parang may kodigong pinagkunan ng sagot. Pareho ang nilalaman, iba-iba nga lang ang pagka-kuwento.

May nag text daw sa kanila ng gabing yun, nagpakilalang ako at nanghihingi ng pera kapalit ay SEX. (prangkahan na, naiinis ako e!)

Sabi sa text:
Hi, Si _____ po to, yung friend mo sa facebook.
Check mo na lang picture ko sa facebook.
1000 pesos lang kapalit SEX tayo, kahit ano gagawin ko!

Namutla ako sa sinabi nila. Dalawang bagay lang ang pumasok sa isip ko:

1. Since hindi ko sila ka-close masyado, gusto kong i-convince sila na hindi ko gawain ang mga ganyang bagay, at ni minsan hindi ko inisip na gawing kalakal ang pakikipag SEX. Na hindi ako ang nag text sa kanila at ginamit lang ang facebook ko at ang inosente kong mukha para pagka-perahan sila.

2. Sino kayang hinayupak ang gumawa nun at sa dinami-dami ng member sa facebook, ako pa ang napili niya. Ano kaya ang ginamit niya? Tambiolo ba o electronic raffle? At paano ko magawang mahuli ang litsugas na yun at magawang balatan ang talampakan at palakarin sa mainit na Aspalto papuntang Baclaran. Isa lang ang sure ako, isa lang din sa mga friends ko sa fb.

Na convince ko ang tatlo, hindi kasi pumatol sa malisyosong text kaya hindi mahirap paliwanagan. Nasabi ko tuloy na imposibleng i-text ko sila kasi SMART ang number ko at puro GLOBE sila. (Ako na lang yata ang natitirang SMART subscriber sa buong mundo) Kitams, pati ang nanloloko sa kanila GLOBE din. Hayup!

Nahirapan ako sa pang-apat mag convince, nagpadala kasi si Bakla ng 1000 thru Western Union, na convince kasi daw siya na magpadala kasi kahit pamasahe daw wala ang manloloko. Sabi niya, based daw sa picture ko sa facebook ay mapagkaka-tiwalaan naman daw ako. (May isa pa siyang sinabi bakit napapayag siya, hindi ko na sasabihin, mabigat magbuhat ng bangko. Nakaka-pilay!)

"Ang mukha ko sa facebook mapagkakatiwalaan talaga yan, pero ang nag text sa'yo kagabi...HINDI!"

Buti na lang may common friend kami na classmate ko nung college at online sa araw na yun. Sinabi ko sa kanya na tanungin ito para mapatunayan kong hindi ako naglalako ng karne thru text. Buti na lang naniwala, pero ang araw ko nasira.

Dali-dali akong nag post sa FB, para bigyan babala ang mga fans.. ay mali, friends pala. Nakahakot siya ng record breaking comments at marami din ang nag nag-confirm na nakatanggap ng parehong text message.

Naisip ko, account ko lang ang pwede kong kontrolin hindi ang pag-iisip ng ibang tao na pwedeng gamitin ang mga picture ko at ang pagkatao ko para maka panloko ng kapwa.


Siguro, oras na din para mawala ako sa cyberspace. Babalik na lang ako sa "Airmail"



PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.