~ Kwentong Drawing

|

Trabaho ko ang tumanggap ng napakaraming Blueprint at Drawing ng Floor Plan para ma calculate ko ang dami ng Gas na gagamitin at ayos ng pipes para sa Fire Protection System ng isang Building. Noramlly, water ang laman ng sprinkler na nasa kisame ng building, yung sa company namin CO2 o FM 200 Gas ang laman. Para daw iwas basa. Ayaw ng mga arabo ng basa, that explains why walang tubig dito. LOL


Balik sa kwento, this particular AUTOCAD file drawing na natanggap ko iba, makulay. Kulay Neon Green, Yellow at Pink. P*cha, balak ata akong bulagin ng Engineer na gumawa nito ah. Konti na lang idadagdag mo, kumpleto na ang Color Wheel. Tinawag ko siyang NEON Project.


Sabi nga ng isang Engineer kong kasama, baka bading daw ang gumawa kasi ma-rainbow. Yun din ang inisip ko.


Part din ng trabaho ko na once na approve ang system design, pupuntahan ko ang location for ocular inspection before magsimula ang mga tao kong ikabit ang pipings, at babalik ako pag tapos na, for final check. Nangyari yun sa NEON Project.


Dala-dala ang hard hat na naka ipit sa kili-kili kasi bawal suoting baka magulo ang buhok, with matching blue polo, black pants at ang lisensiyado kong pointed leather shoes, tinungo ang site. Sa wakas makikita ko na din ang Engineer na may pakana ng muntik ko ng pagkabulag dahil sa makulay niyang drawings.


Pagdating ko sa site, andun na ang mga tao kong gagawa at ang aking foreman. Si Foreman, pinoy, pero lately hindi na nagsasalita. Baka na ho-home sick na, kaya binilin ko sa mga tao ko na bantayan at baka biglang tumalon sa building. Mapapgastos pa ang kumpanya sa pagpapdala ng bulaklak. Biro lang!


Pag pasok ko ng office na hugis Balikbayan Box, nakita ko agad si Engineer. Napansin ko agad ang buhok-may spike. Pareho kami. Kamukha niya si Marco Alcaraz na maputing version. Nagpakilala. Nag hand-shake. Firm ang pagka hand-shake, halatang sinasadyang mag tigas-tigasan. Nakaamoy agad ako ng bagong pitas na paminta. Hindi durog, BUO.


Nag-usap kami tungkol sa project at kugn kelan ang projected completion. Pagkatapos ng maiksing oras, nanghingi ng number.


"Oo nga naman, tao ko ang iiwanan ko sa kanya, dapat lang may number ko siya. At kung sakaling magpakamatay si Foreman,masabihan agad ako" sa isip ko.


Sa susunod niyang sinabi ako nagtaka.

"Are you free tomorrow night, na miss ko na ang Filipino food... Wanna join me sa Barrio Fiesta?" sabi ni NEON Engineer

Sumagot ako sa nakasananayang reply.

"Sorry, I'm busy. Next time na lang" sabay smile ng very very light.

"Sure, I have your number naman..." hirit niya.


CONFIRMED! biglang naglabasan ang CareBears sa likod niya at nag pa-slide sa Rainbow Bright.


Next week na matatapos ang project, hindi ko alam kung babalik pa ako dun. Naka sampung tawag na ata siya at hindi ko sinasagot. Kung buhay pa si Foreman sa araw na yun, baka siya na lang ang utusan kong mag-check, and besides hindi bagay ang pointed leather shoes ko sa site, naalikabukan. LOL



PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.