~ last hurrah!

|




Nagpuputukan na sa labas, marami nang taong lasing at ang iba humahabol sa pagbili ng tinapay sa malapit na bakery. Marahil part na ng kaugalian ng pinoy ang magdiwang ng "New Year" na maliban sa pag-aabala sa paghanda ay ang paputok at ang inuman sa kanto, idagdag mo pa diyan ang mga batang sumasayaw sa tunog ng:

♪♫Sabay, sabay tayo.. ipadyak ang paa ♪♫

Dahil diyan, nagiging festive ang atmosphere. Nagiging magulo, maingay ngunit masaya. Nagiging perya ang kalsada.

In less than 3 hours from now, 2009 will already be part of the past... a history. I must admit 2009 was a good year for me... for us. Bilang huling post ng blog na ito sa taong 2009, gusto kong balikan ang mga huling sandali at mga huling bagay sa taong ito.

Huling Pelikulang Napanuod
|Mano Po 6
"You're time is up!"

Huling Pastang Kinain
| Tuna Pasta with Pesto Cream Sauce
Sarap!

Huling Music na Dinownload
|Blame It on the Pop
A dance mix ng mga sumikat na POP music this year

Huling TV Series na Napnuod
|Brothers&Sisters
Ilang rolyo na naman ng tissue ang naubos ko.

Huling Blog na Binasa
|Ako Si Aris
Nag back track sa mga lumang post. Na depress. Natuwa. Nag-isip

Huling Taong Kausap sa Phone
|High School Batchmates
nag reunion sila sa Bacolod, at ako ay live via phone patch lang.

Huling Librong Binasa
| Twisted 8 1/2 by Jessica Zafra
Nakaka-aliw... Bitch mode lagi.

Huling Nakasagutan
| Kapatid kong lalaki
Nanghihiram ng pera, pero ang ending pinahiram ko din.

Huling Kiss
| Kanina lang, mga 6:30P
Siyempre galing kay siopao. Kumpleto na New Year ko.

Huling Kumpisal
| Di ko na matandaan.
Pero lagi naman ako nagdadasal.

Huling Sakay ng Eroplano
| October 21, 2009
Umuwi sa Bacolod para sa Masskara Festival

Huling Mall na Pinuntahan
|SM Makati
Namili ng mga pang media noche.

Huling taong mamahalin.
| Si Siopao
Nasabi ko na to sa kanya dati pa, hindi na ako mag mamahal ulit if maghihwalay kami.

Sa lahat na nagbabasa ng blog na ito... Mga 7 kayo. Oo, kayong 7.

Happy New Year... Happy MMX!

Naway maging masagana at mas higit na matagumpay ang padating na taon para sa ating lahat.
Kung ano man ang iniwang alaala ng 2009, sanay magsilbing aral para sa lahat at maging inspirasyon na maging mabuting tao at maging mabuti sa sarili.

Wala na sigurong mas pwedeng dalhin sa pagpalit ng taon, kundi ang aral na dinulot ng nakaraan.


Photo Source here.

~ ASAL (Ang Sa Akin Lang)

|

"What's your secret?"

Yan ang laging tanong kasunod ng salitang,

"Antagal niyo na..."

Sa totoo lang, walang namang espesyal kaming ginagawa para umabot kami ng ganito ka tagal. Hindi din pwedeng sabihing may librong sinusundan para tumagal ang relasyon. Una sa lahat, hindi kami pagkain para may susunding recipe, at lalong hindi kami parang "internet package" na may "quick install kit manual."

Pero kung may ma-isasagot ako sa tanong, hindi ito tip o sekreto, ito'y sariling pananaw, sariling opinyon at pagkakaintindihan ng dalawang tao. Most of my friends find my beliefs, position and treatment with the relationship weird, but if it's what works then why not... I am not saying that this is also applicable to some, kasi sabi nga ng mga nagmamarunong sa libro, "To each is own!"

~ We never impose rules.
We live by respect for oneself.
We're old enough to know what is right or otherwise. Kung may gagawin mang masama, hindi ito kabawasan ng pagkatao ng isa kundi kabawasan ng pagkatao mo mismo. Sa'yo guguhit ang mga pinag-gagawa mo, hindi kailanman sa akin. If you respect yourself, you give respect to others too.. you give respect to the relationship.

~ Understand the life, lifestyle and the world you're both into.
We are not in any way a "man-woman relationship," so why pattern your relationship to it. Understand what is expected given that you're in a world (Gay World) where everything is run by, to name a few, superficial, judgmental and very competitive individual (no pun intended). Not to mention a very small world it is... si ano kilala ni ano, na naging ex ni ano, na friend ko, na naka sex ni ano na officemate ko, na naging fubu ni ano nung last year! At kung anu-ano pang koneksiyon na pwedeng maisip. Ibig sabihin, hindi dahil ansa relasyon kayong dalawa, e safe ka... minsan may mga taong walang respeto sa relasyon ng iba... magiging "forever" ka kompetensiya mo sila. Kailangan mong intindihin ang kung ano meron ang mundong ito para sa'yo. Para mapag handaan mo

~ Being a "MAN" is a big factor to consider.
Lalaki ka, lalaki din ang ka relasyon mo. You don't impose on things that you know for yourself you're not capable of doing as well.


"there's always a possibility that a person can get attracted to another.
it's human nature.
it's not wrong.
but that's why you're in a commitment.
you DISCIPLINE yourself.
one may get attracted to numerous prospects and it's ok.
as long as you don't nurse the feeling and wont do something about it.
borderline between CHEATING and FAITHFULNESS.
recognize the reality that you already have the person that can give you MORE than what you get from the cheap thrills of attraction..."


Photo Credit here.

~ Eh, ano naman?

|





"Bakit hindi pwede?

"Hindi ba obvious? O di nakarating sa'yo ang MEMO na hindi ako single?"

"Alam ko. Weh, ano naman?"

"Alam mo dahil sa sinabi mo, hindi na ako magtataka bakit wala din sumeseryoso sa'yo"


Bakit nga ba laging ganun, maraming may gusto ng "seryosong" relasyon pero bakit andami pa ding single? parang hindi tugma sa logic ng "supply and demand."

I'm no expert to things such as this, but one thing is clear... a lot of gay men do not have respect to another's relationship.

Minsan naisip ko, we can't blame them, siguro nga they've been to some heartaches that caused them to play around. But is it an excuse? or just a way to find some decent justification?



Picture Source here.

~ Prelude to 7 years

|








when i first saw you...
you were 17 then, i was 19
we're not friends, we don't have common friends either.
you're my first and i was yours.

'twas the perfect time for our soul to meet.
we automatically call it "US"

you like siopao and bunwich until now.
you giggle everytime you hear Mariah singing.
you smile like a kid and clap your hands everytime you feel happy.
you alway send me notes and letters on a yellow pad.

one time, since we will not be seeing each other for the holy week.
you sent me 4 letters, one for holy wednesday, maundy thursday, good friday, and black saturday
and come easter sunday we'll hear mass together.

we always catch the first show, for our weekly movie date, while
eating potato chips dipped in sweet and sour sauce.

we share lots of things in common;
- 3 boys in the family
- middle child
- gemini (your birthday is may22, mine is may23)
- "JOHN" is our common name
- graduated at/with the same school, college, course, major

these are the things i will never forget and time i will never regret...
because these are the things that will always remind me that i'm

"one hell of a lucky bunch"

having you around and sharing these moments with.

building our dreams together and making it come true, that is what we always look forward to.


cheers to more years to come...


Photo Source here.

~Dalawampu't Limang Bagay

|


Sa tuwing sasapit ang Pasko, gumagawa ako ng 25 na bagay na magpapa-alala sa akin sa kung anong inihanda ng taong ito para sa akin. Feeling ko nga bagay ito sa new year gawin, pero since ako ang may pakana nito... wala kayong magagawa kung sa pasko ko gagawin. Sana ma-enjoy niyo ang pagbasa nito, kung hindi man, basahin niyo pa rin.. nakaka-gamot ng goiter!

25. Naging mahirap sa akin ang bawat Thursday ng taon, mula Makati going to Mendiola.. Bus, MRT, Lakad sa Gateway, LRT, Lakad sa Mendiola hangang St. Jude. Magsisimba. Iba ang fulfillment na dulot niya. Nakaka-adik. Nakakaramdam ako ng linis.

24. Ang mga kaibigan kong nagkaroon at nawalan. Nagka boyfriend... nagpalit ng maraming beses... nagkahiwalay... nawalan... naiyak... muntik ng mag suicide.

23. Ang mga nagalit, nangutya, nagduda, gumawa ng kwento, nang-asar... Eto sa inyo: "Kamutin niyo Betlog niyo.. wla akong paki-alam!"

22. Naiyak ng very, very light... dahil sa hamon ng relasyon, buhay pag-ibig at karera. Buti na lang malakas ako kay Bro. Ok pa din kami, pumapagaspas!

21. Ang mga "sira-ulo-kong-kaibigan" na walang sawang nagpapasaya, nagpapatawa at nagbibigay stress kung minsan. Sa mga bagong kakilala, ka facebook, ka twitter, at ka-blog na nagpapa-iyak sa akin at pumapawi ng kalungkutan sa tuwing nababasa ko ang mga blog at status nila. Salamat sa computer, naging tamad ako.

20. Ang aking pamilyang, naging hobby na ang mag diskusyon at mag palitan ng ka-gagahang opinyon. Sana wag kayong magbago, kayo ang humihigop ng lakas ko.

19. Sa aking mahal na Siopao, na may bagong blog "Sauce ni Siopao", salamat ng marami sa pagmamahal, pag-aaruga at pagbibigay buhay sa salitang "buhay" Hindi ko man lubos naipapadama kung gaano kita ka mahal at kung gaano ako kahandang alagaan ka. Ang simpleng ngiti mo ang laging kumukumpleto sa araw ko. Sana ganun din ako sa'yo, Mahal Kita! Malapit na 7th Anniv. natin... regalo!

18. Ang mga gamit kong nawala, perang nahulog sa imburnal, celfone na ninakaw sa bus at ang wallet kong laging naiiwan sa mesa. Natutunan kong, may mga mabubuting taong nag sasauli ng gamit, doble din nito ang dami ng mga taong nangunguha. Sa buhay ngayon, kailangan mahigpit ang pagkakahawak mo sa mga bagay na mahalaga sa'yo. Mas agrisibo ang ibang tao, kukunin nila yan sa'yo. Maghanda.

17. Naka 5 uri ako ng gupit sa taong ito.. napag kamalang adik, call boy, snatcher.. pero bihira lang akong napagkamalang bading. Bakit kaya?

16. Marami-raming DVD ang napanuod, maraming luha ang binitawan habang nanunuod... maraming tissue ang naubos. Salamat sa pagkakataong matuto at magsayang ng luha.
Natuwa sa Glee. 13 episodes. Na-iyak sa Brothers & Sisters.

15. Sa dami ng librong nabasa, na buklat, natapos at nabili... Alam kong, mahilig akong magbasa. Na realize ko, tahimik ako pag nagbabasa. Alam niyo na kung ano ang makakapag patahimik sa akin.

14. Libo-libong kantang dinownload.. sana ganun lang kadali ang buhay, isang download lang... solve na.

13. Ang namayapa kong cellphone, paalam sa 4 na taong tayong magkasama sa hirap at ginhawa. Ngayong taon na 'to nakita ko ang kapalit mo. Napagsilbihan mo ako ng taos puso. May you rest in peace!

12. Ilang lugar ang napuntahan, nagpa picture, nag upload at nag crop... sa dinami-dami ng ala-alang nakunan ng camera, hindi na enough ang tawagin akong "camwhore"

11. Buti naman, wala akong naka-away ngayong taong ito, di gaya nung nakaraan. Senyales na matino na nga siguro ako. LOL

10. Starbucks.. napakadaming kape sa buong taon. Kulang na lang magpa tattoo ako ng logo nila.

9. Nagustuhan ko ang black na t-shirt. Sa pagkahilig, naging puro itim ang damit ko.

8. Na adik sa facebook at twitter. Naging maiksi ang panahong manuod ng t.v. dahil sa dala ng "Plants vs. Zombies" Babawi ako sa'yo... relaks ka lang.

7. Ang maraming beses na anging laman ng Malate, nalasing, na tipsy, nagpawis kaka sayaw.. naghamon ng away, nag-turo kung sino ang pangit, namintas ng mga di ka-uri. LOL Sinabi ko sa sarili kopag 30 years old na ako, hindi na ako sa Malate pupunta... kukuha na ako ng insurance, burial, at life plan.. Sisimulan ko na ang pag plano ng aking katandaan.

6. 46 tickets ang nabili para sa sine. Mangilan-ngilan lang ang natatandaan. Yung iba indie film, kadalasan "chick flick."

5. Naging 26 ang edad. Hindi katanggap-tanggap.

4. Naghahanda sa pag-aaral ulit. Humanda.

3. Nag solve ng 130 Math problems. Baka ma bobo ako sa math.

2. Nag type ng di mabilang na letra para sa blog na 'to. Nag enjoy!

1. Naging aktibo sa pag-blog. Nakaka wala ng stress.

Salamat sa 2009, naging mahirap man, naging malungkot... pero marami pa ring dapat ipagpasalamat. Sa Dioys, maraming salamat sa bigay mo. Pasasalamat na lang ang pwede kong sabihin. Hindi na ako hihingi. Ikaw na ang bahala.


Photo Source here.

~ Ang Simbang Gabi at Ako.

|

December 16, 2009 - Simula na ng simbang gabi.

Malaki ang naitulong sa akin ng simbang gabi. Nagbago ang buhay ko dahil dito. Natagpuan ko ang kasiyahan ko. Eto ang kuwento:

2002 December. I don't know what motivation ang binigay sakin pero bigla na lang gusto kong tapusin ang 9 na simbang gabi. Mga friends ko inaalok na akong sumama papuntang Boracay all-expense-paid pero ang pagiging kaladkarin ko nawala because i don't want to miss a single Simbang gabi. Natapos ko ang 9 mornings pero di ko alam na pwede daw mag wish at magkakatotoo. So wala lang, I asked "Sana there's this someone I can call my own... Someone who will stand by me all my life!" Little did i expect, He's giving me more than that.

I usually save all my wants in my Phone Drafts, night of
12 January 2003 pauwi from practice, i composed a message on my phone, with this line, adressed to GOD (I have my virtual GOD's number in my Phone):

"Sana siya na nga yung binigay mo... Sana siya na nga yung hiihiling ko"

I was refering sa kanya, but at that time i don't even know kung ano ang preference niya or kung gusto niya ako, or kung may paki-alam ba siya sa akin. We are totally on a different point of the world. Stranger siya sa akin, at ganun din ako sa kanya... All i know is, crush siya ng mga kaibigan ko.

I asked for a sign... sabi ko
"if tatawag siya pag dating ko sa bahay... siya na nga"

Nagbubukas pa lang ako ng gate,tumutunog na ang phone ko.. tumatawag na siya...

12 January 2010, we will be turning 7years na...



Photo from here.

~ 83

|




Masaya.
Makulay.
Makabuluhan.
Pasasalamat.
Papuri.
Lungkot.
Iyak.
Galak.


Happy 83rd month Siopao.



Photo Source here.

~ Anino

|

"Bakla!"

Nakakapanlambot pag naririnig ko yung salita na yun, hindi ko kayang i-explain ang pawis na namumuo sa nuo ko pag may naririnig akong nagsasabi ng salitang yan kahit ni minsan hindi patungkol sa akin.

Sa oras na yun, naisip ko baka may invisible rainbow flag sa likod ko at nakikita yun ng ibang tao, isang pagkakilala na isa akong membro ng "Care Bears" na nagpapa-slide sa Rainbow Bright.

Hindi ko pa alam kung ano ako nung mga oras na yun, ang alam ko iba ako.
Normal pero iba.

Grade 4 ako nun ng minsan habang nakahiga sa sofa katabi si Mama, bigla niya na lan tinanong:

"Bakla ka ba?"

"Hindi po"

Sa panahong iyon, yun ang naging sagot ko, hindi dahil sa nagsisinungaling ako, kung hindi dahil yun ang alam ko sa sarili ko ng mga oras na yun. Pero hindi nawala sa akin na baka nga... baka nga mali ang sagot ko, the fact na nagtanong ang nanay ko. Siguro may nakita din siyang makulay na pak-pak sa likod ko.

Kadalasan sa mga reunion, harapang tinatanong ng mga kamag-anak ko andg tatay ko, mismo sa harap ko, bakit ako malamya kumilos. Bakit hindi ako nakikipaglaro sa mga lalaki kong pinsan. Naging problema nila yun sa mahabang panahon.

Nahiya ako sa mga kamag-anak ko, hindi dahil sa kung ano pa man, kung hindi sa ugali nila ng kawalan ng respeto sa tatay ko. Nawalan ako ng ganang ituring silang kamag-anak. Dugo lang ang pareho sa amin. Hindi ugali. Nainis ako.

Pero na isip ko, siguro may nakita din silang pink na aninong, sund ng sunod sa akin.

High School ako nung naisip ko bakit hindi ako nagkakagusto sa babae, kahit sa lalaki hindi din. Minsan naisipan kong magsinungaling na lang bawat tanong nila kung sino ang gusto ko sa klase. Sa taranta, nagawa kong banggitin ang pangalan ng isa naming kaklasw. Huli na nang ma-realize ko, hindi pala siya maganda. Natukso ako ng sobra. Napagtawanan pa.

Hindi ko pa man lubos na tanggap ang aking sarili, lipunan na mismo ang nag desisyon para sa akin. Hindi pa man buo sa aking kaisipan kung ano ang tunay kong pagkatao, sinulatan na nila ako sa nuo. Hindi pa man ganap kong nabubusisi ang laman ng puso ko, sila na mismo ang nag-abot ng sagot dito.

Wala nang choice. Napasubo na. Yun at yun din naman iispin nila.
Naging madali para sa akin ang pagtanggap sa sarili, dahil na rin siguro nauna na ang tao... Nag advance party na, wala pa nga!

Nawalan ako ng choice. Tinanggap ko ng buong puso at pink na buto.

Pero , kahit isang pirasong butil ng kung ano ako ay ni minsan hindi ko pinagsisihan. Masaya ang naging buhay ko. Kontento ako. Minsan nga iniisip ko, kung bibigyan ako ng pagkakataong mamili, ito pa rin ang pipiliin ko. Dahil sumaya ako.

Naging mabait ang mundo para sa akin. Kaya ginagawa kong maging mabuting tao din. Para patas. Quits lang.


Photo Source here.

~ A treat this Holiday Season

|


Merry Christmas everyone!

~ Kawalan

|
Wala akong maisip na kanta para sa nararamdaman ko ngayon. Eto na lang...

~ Mini, Money, Mo

|

Antagal kong nawala noh? Ganyan talaga pag medyo busy... Simula na ng Christmas Party, reunion, alumni homecoming at kung anu-ano pang maisipang gathering, maubos lang ang 13th month pay. lol

Speaking of pera, di ba ang bilis lang mawala... ang bilis maglaho na parang bubbles. Hindi mo namamalayan wala na. Hindi pa nga nakapag generate ng germs sa palad mo, wala na ulit.

"With big amount of money, comes big amount of bayarin!" - bagong kasabihan yan, ginawa ko lang, pero admit it, totoo dba?

Minsan nga naisip ko, may mga tao naman na pareho lang naman ang sweldo sa akin, yung iba nga mas mababa pa, pero kaya nilang mag-ipon, mag pundar o hindi mag-kulang.

Naisip ko, nasa lifestyle ng tao, nasa kasama sa trabaho.

Money is evil and yes it can make or break a person.

Nung inako ko ang obligasyon na pag-aralin ang kapatid ko sa college. Alam kong mahirap. Pero alam ko din tama ang naging desisyon ko.

Alam kong sa pamamagitan nito, magkakaroon ng kabuluhan ang sahod ko. Wala man akong ipon, alam kong parte ako ng pagtayo ng pader ng eskwelahan.

Sometimes we also do sacrifice our wants and our dreams, for the sake of money. It's not bad, it's not right either.

I needed money right after I graduated college, I know for a fact that my parents needed help for the family to be financially stable. I refused to take the ECE board exam since it would require a lot of money. Instead, I decided to get a job so I can help. Sad thing is, I am now stuck in this industry because of, yes again, money. The salary is way to big to ignore.


Money. It can make you happy. It can get you nowhere. It can kill.




~ My point exactly

|

United States Senator Diane Savino in a recent vote whether to legalize gay marriage in their state. Unfortunately they lost, but she made a very strong point.

PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.