~ Happy Birthday to us.

|

It's our Birthday... May 22 siya, ako May 23... hindi naman kami masyadong compatible.. slight lang. Since lahat ng plano namin nasira at nabago lang due to unavoidable cisrcumstances, we decided to hit Tagaytay since we've never been there na magkasama, parehong with friends kung pumunta dun.

Naisipan lang namin pumunta nung umaga... bihis at sumakay ng bus papuntang Tagaytay. Sa kalagitnaan ng trip, nagsimulang umulan.. parang blessing daw sabi niya, nung lumakas naisip na namin na hindi xa blessing aksi wla kaming payong. Ella..ella...ella... under my umbrella.

Habang nasa picnic grove kami, sabi ko:
"Wi, mag zip line tayo.. tara!"
"Ayoko..."
"Bakit?"
"Nakakatakot kaya... Di ba ayoko ng matataas"
"Ganun din yun, isipin mo na lang, sa lupa pa din tayo babagsak"
"Yun na gna e, sa lupa tayo babagsak... kung mamalasin, malilibing tayo sa lupa ng wala sa oras"

Tumahimik na lang ako, baka malula pa ko sa galit at takot na siopao. Pagkatapos umulan, dmeretso kami ng Starbucks para mag Dark Chocolate Frap. Fave!

Pero bago mag kape, kumain muna kami sa Teriyaki Boy, as usual Makii at mango shake... d talaga kami mahilig sa variety. Buti na lang. Lol

Napagod kami at nag decide umuwi ng bandang 7:30 ng gabi. Natulog at nag laro ng sudoku habang ma traffic sa Cavite. As if may bago sa lugar na yun.

Happy Birthday ulit. mag Zip line tayo sa susunod ha... this time sa ♥ ka na babagsak. Cheesy!

~ako, ang starbucks at si kapitan sino

|

Gumimik ako ng friday night, nagising ng 10am ng sabado, at dahil wala namang Hang-over, naisipan ko na pumunta ng Galleria pra bumili ng bagong libro ni Bob Ong--Kapitan Sino.

Dahil nainip na ako sa kahihintay sa bus,na daig pa ang langgam sa bagal, bumaba ako ng Mega Mall. Inisip ko na lang, antagal ko na din hindi naka punta, kaya why not pay a visit to MEGA this time.

Hinanap ko agad ang Powerbooks, sabay hanap ng libro... Habang busy ako kakahanap ng libro, ang mga Becky busy din sa pagpapacute. Deadma, mas importante si Bob Ong.

Right after nabili ang libro, na sumisigaw ng "SILVER ako!" na cover ng libro, hinanap ko agad ang Starbucks. Ayoko yung nasa loob ng Mall. Hindi ako sumuko, lahat ng security guard pinagtanungan ko na, sa wakas narating ko ang Starbucks na nasa labas malapit sa street sa gitna.

Wala pang 2 oras, at d nangalahati ang kape ko, tapos si Kapitan Sino... tapos si Bob Ong. Na-enjoy ko naman ang libro, as usual, witty punch lines at weird comparisons sa mga characters and scenarios.

Naisip ko bigla, na miss ko ang ganitong klaseng weekend ng buhay ko. Dati kasi, nung bago pa ako dito sa mManila, dahil hindi pa sanaygumimik... Powerbooks ang nagign bahay ko. Lahat ng pwedeng basahin, kahit librong hawak ng iba, binabasa.

Hindi ko alam ,kung bakit nahilig ako sa pagbabasa, siguro dahil sa kuya ko... in other words, adik din magbasa.

Hindi nagtagal, dumating si Siopao, pawis! Bago pa yan, isang mahabang diskusyunan ang naganap para marating niya lang ang Starbucks na kinaroroonan ko. Walang sensse of direction kasi yun. Kahit sampung beses na namin napuntahan ang isang lugar, pag siya na mag-isa ang pupunta dun, parang turista pa din ang feeling... Nawawala!

Kumain kami sa Cajuns, umorder ng baby back ribs, tatliong piraso para sa 2 lang sa amin.. isang order ng pasta. Hindi kami masiba sa pagkain..promise!

Pagkatapos ng kainan, naisipan namin lakarin ang papuntang Galleria... na miss namin ang usok ng EDSA... dhindi pa kami nanga-ngalahati, sabi ni Siopao:

"Sana sumakay na lang tayo"

"Kanino bang suggestion to?"

"Oo na, kargahin mo na alng ako"

"Wow, ikinalaki kasi ng katawan ko ang pagbuhat sa'yo.. at ikina-payat mo din kasi ang suggestion mo."

Tumawa lang habang nagpupunas ng pawis... sobrang pawis. Dumating kami ng Galleria, na parang first time maka experience ng Aircon... sabik sa lamig.

Habang naghihintay kmi ng start ng movie, napilit ko siyang bumili ng TOPMAN na jacket... at dahil sa binili niya nga, hanggang pag-uwi, iniisip niya na ang gastos niya daw dahil sa akin.
Umandar ang pagiging intsik.

Ngumiti lang ulit. Alam kong ok na siya.
Ang simpleng ngiti na nakakabuo ng araw ko. Gaya ni Kapitan Sino, si siopao ang superhero ko... tunay, simple lang... hindi kailangan ng "SILVER" na cover.

PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.