
Nung sunday, wala akong magawa, busy si siopao kaka prepare for "something new sa career", di ko naman siya ma estorbo, may kung anong excel file na ginagawa... naging bagong hobby niya na ata yun. Alam nyo naman, lagi naman akong full support sa mga ginagawa niya, kulang na lang maging "stage partner" ako. lol
Dahil sa boredom, kung anu-ano na ang naiisip kung gawin... at di nakaligtas ang youtube sa akin para mapag tripan ko.
I watched:
1. Love Of Siam ~ naiyak ako.
2. Jennifer Hudson and Jennifer Holiday duet ng, everybody sing ~ "and I am telling you, I'm not going!"
3. Gossip Girl new episode. (Chuck Bass, yum!)
4. Sangkatutak na Single Ladies video ng kung sinu-sino. (kahit Single Gaydies)
pero sa huli bumawi naman ang siopao, bumili ng isang dosenang Krispy Creme. Lumabas pala siya ng di ko namalayan.
Nung tinanong ko kung bakit di siya ang paalam, eto ang sagot.
"E tumatawa ka diyan mag-isa, tapos maya-maya umiiyak ka... sabi ko baka gutom lang, kaya binilan kita"
"Kala mo naman sa akin baliw..."
"Baliw ka naman talaga...baliw ka sakin"
"Eeeww... yun ang pinaka "cheesy" na sinabi mo"
"Asus... if i know, kinilig ka naman"
"Cge na nga!" sabay subo ng donut.
Di xa normally sweet, pero pag tinopak.. nilalanggam naman ako sa kilig. Hahaha!